TMK13: Lihim

64 4 0
                                    

Lihim

May akda: Unknown

→★°★←

Pilit ikinukubli sa aking puso'y manatili,
Mga matatamis mong ngiti, ang lihim kong minimithi.
Matagal na tinago ang lihim na ito,
Sa takot na ako'y layuan at tuluyang iwasan mo.

Sinubukang magtapat, nangarap na minsa'y iyong mayakap,
At mga labi nati'y maglapat kahit alam kong hindi ito dapat.
Ililihim ko na lamang ang aking nararamdaman,
Mula sa kalayuan, patuloy kitang babantayan.

Araw-araw kitang pinagmamasdan kahit pa ako'y nasasaktan,
Ano ang aking gagawin? Nararamdama'y 'di maamin.
Mahal kita, kahit masakit sa aking makita kang masaya,
Sa piling ng iba, alam kong hindi ako ang nais mong makasama.

Susubukan kong tiisin,
Hapdi sa puso'y lilipas rin.
Humihiling sa bituin,
Balang araw ako'y mahalin.

Sumisigaw ang damdamin,
Lihim kong pagtingin ay mapansin.
Na sana'y ikaw at ako,
Nangangarap na magkatotoo.

→★°★←

Lihim

→★°★←

Note: Hindi po ako ang may gawa ng tula. Sinabihan po akong isama ito dito. Tsaka ayaw niyang I-mention ko siya.

Salamat sa pagbabasa ^^

-Blazeglaze

Tulang May KuwentoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon