TMK19: Biyaya

29 4 0
                                    

Biyaya

Isinulat ni:
Blazeglaze (Emman LC)

→★°★←

Kalamidad man o sakuna,
Lahat tayo'y magkaisa.
Pagtulong sa ating kapwa,
Hatid ay kaligtasan at saya.

Maliit man na handog para sa iba,
Malaking biyaya na para sa kanila.
Sariling pagsisikap at pagkukumbaba,
Regalo ng diyos na dapat ipamahagi sa iba.

Gaano man kaliit o kakaunti,
Bukal sa puso kung iyong ipamahagi.
Balik nito sayo'y doble ang dami,
Pagmamahal na hindi maikukubli.

Pagtulong sa kapwa ng walang kapalit,
Panghuhusgang walang halong panlalait.
Anumang biyayang sa ati'y ibinigay,
Ating ipamahagi ng bukal sa puso at tunay.

→★°★←

Biyaya

→★°★←

Tulang May KuwentoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon