Tingin
Isinulat ni:
Blazeglaze (Emman LC)→★°★←
Bakit sa bawat pagdaan mo'y napapatingin ako sa'yo?
Na sa bawat ngiti mo'y napapangiti rin ako.
Bakit sa bawat pagtawa mo'y natutulala ako?
Na pakiramdam ko ay masaya na rin ako.Parati mong kasama mga kaibigan mo't barkada,
Magkakasabay na lumalabas at kumakain ng masaya.
Heto ako't nakatingin sa'yo mula rito,
Hindi alam kung mapapansin mo ang mga sulyap ko.Sinubukan kong maglakad at lumapit pa sa inyo,
Ngunit bakit ka'y bilis na ng tibok ng aking puso.
Nakita kong nahulog ang panyo mo sa lupa,
Malapit sa'kin, 'di sigurado kung pupulutin ko ba.Pinulot ko ito at nakita kang papalapit,
Nang aking iabot mga kamay nati'y nagkadikit.
Tumingin ka sa akin at agad na ngumiti,
Ika'y nagpasalama't hinihiling ko na ito'y maulit muli.Agad kang umalis at bumalik sa iyong barkada,
Na parang walang nangyari't heto ako na minamasdan ka.
Pakiramdam ko'y tila binuhusan ako ng kakaibang saya,
Kahit papaano ay ako'y napansin mo na.Dumating ang klase heto ako't nakatulala,
Iniisip pa rin ang ngiti mong kay ganda.
Hindi ko namalayan na guro nami'y nagtatanong,
Na dapat ay sagot, pangalan mo ang naibulong.Lumipas ang oras at dumating ang uwian,
Nakita kang namamaalam sa iyong mga kaibigan.
Mag-isa kang naglalakad habang ika'y aking sinusundan,
Nang bigla ka na lang tumigil ng hindi ko inaasahan.Isang lalakeng nakatayo sa iyong harapan,
Kilala ko siya ngunit bakit ka niya hinagkan?
Bulalak at tsokolate'y binigay niya sa iyo,
Mga bigay niya ay masayang tinanggap mo.Ikaw pala'y may iba na habang ako'y umaasa,
Ngunit bakit sa kaniya, ikaw ba'y ginayuma.
Ang lalakeng inaaway ka na ngayo'y kasintahan mo,
Na ang taong kilala ko'y alam kong sayo'y hindi magkakagusto.Ako'y nalungkot nang aking mapagtanto,
Na marahil ay hanggang tingin na lamang ako sa'yo.
Pagmamasdan ang mga ngiti at tawa mo,
Habang kapiling mo ang matalik na kaibigan ko.→★°★←
Tingin
→★°★←

BINABASA MO ANG
Tulang May Kuwento
PoetrySa bawat kuwentong aking nababasa, Ay may hatid na kakaibang hiwaga. Maaaring malayo ito sa katotohanan, Ngunit maraming aral ang nilalaman. --- Orihinal na gawa ni: Blazeglaze (Emman LC) Petsa nang umpisahan: Ika-dalawampu't lima ng Agosto, taong d...