Alitaptap
Isinulat ni:
Blazeglaze (Emman LC)→★°★←
Matagal na rin nang makakita ako ng isa,
Masayang nilalaro noong ako'y bata pa.
Sa oras nang makakakita ng isa ay agad na hahabulin,
Susundan ang liwanag nito saka huhuliin.Nagtataka ako noon kung bakit may ilaw sila,
At ang sabi sa akin ay sila'y mga diwata.
Ginagabayan ang pumanaw nang mga kaluluwa,
At nagbibigay aliw naman sa mga bata.Pero nakakadismaya dahil 'di ko na sila makita,
'Yung dating grupo nila na mula dalawa hanggang lima.
Na ngayo'y wala nang bakas ni isa sa kanila,
At tila tuluyan nang namaalam sa aking mga mata.Sa paglipas ng panahon ay nakalimutan ko sila,
Marahil iyon ang dahilan para ako'y kalimutan din nila.
Na sa tuwing sisilip ako sa aming hardin,
Gabi lamang ang bumabalot sa aking paningin.Sa tuwing naaalala ko ang aking kabataan,
Bumabalik ang alaalang sila'y minsan kong nasilayan.
Umaasa na sana'y makita ko ulit ang ningning nila,
Na hindi magpapalimot na minsa'y ako'y naging bata.Ngunit isang gabi habang nakatingin lang sa kawalan,
Ako'y may naaninag na liwanag sa kung saan.
Hinanap ko ito ngunit wala akong makita,
Hanggang sa may ilaw na kumutitap na lang bigla.Hindi lang isa at hindi lang dalawa,
Ngunit grupo silang tila nag-uusap sa isa't isa.
At may isang lumapit sa aking harapan,
Tila nangungusap na siya'y aking hawakan.Sa aking palad ay siya nitong pagdapo,
Nang umihip ang hangin ay agad itong naglaho.
Hindi ko namalayan na ako'y nakatulog pala,
Sa pagmulat ko ng mata ay sila'y wala na.Nalungkot ako dahil panaginip lang pala,
Na alaala na lang pala sila noong ako ay bata pa.
Mga alaalang minsa'y sa akin ay nagpasaya,
Mga liwanag nilang sana'y muli kong makita.→★°★←
Alitaptap
→★°★←
*Nakakakita ka pa ba ng alitaptap?*
BINABASA MO ANG
Tulang May Kuwento
PuisiSa bawat kuwentong aking nababasa, Ay may hatid na kakaibang hiwaga. Maaaring malayo ito sa katotohanan, Ngunit maraming aral ang nilalaman. --- Orihinal na gawa ni: Blazeglaze (Emman LC) Petsa nang umpisahan: Ika-dalawampu't lima ng Agosto, taong d...