TMK15: Biro

56 3 0
                                        

Biro

Isinulat ni:
Blazeglaze (Emman LC)

→★°★←

May mga biro na alam mong 'di totoo kaya tinatawanan mo na lang,
Mga kwentong alam mong nagpapasaya sa inyong magkakaibigan.
Pero may mga birong nagsasabi rin ng katotohanan,
Na itatawa mo na lang para 'di nila malamang ikaw ay nasaktan.

May ibang biro na nakakatawa at intensyon mo lang na magpasaya,
Ngunit may iba na nakakasakit at 'di na nakakatawa.
May mga biro na para sa iba ay madaling paniwalaan,
Habang 'di nila alam na ito'y biro at kasinungalingan lamang.

Hindi rin naman masama ang magbiro,
Basta't 'di masasaktan ang taong iyong binibiro.
Maraming tao ang napapasaya dahil diyan,
Pero may ibang nasasaktan dahil panlalait na ang kanilang nararamdaman.

Siguro ayos lang kung ang pinag-uusapan ay hindi kung kanino,
Kasi alam mong walang sinuman ang maaaring matamaan.
Kung sakaling ang biro ay patungkol sa iyo,
Marahil ayos lang dahil talagang nakakatawa't 'di ka nasaktan.

Ang pagiging masaya ay mahalagang parte ng buhay,
Dahil isa itong sandaling alaalang pwede mong balikan.
Ang masaktan ay sadyang parte rin ng buhay,
Dahil ito ang mga dahilang nagpapaalala sa ating tuloy lang ang laban.

→★°★←

Biro

→★°★←

Tulang May KuwentoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon