Chapter 41

23 1 0
                                    

Pagkatapos nung nangyari sa'min ni balloon, nag pumilit na umuwi si mama. 

I'm not complaining! I'm beyond happy! Makikita ko na ulit si Lui ko!

Apat na araw lang kami sa isla na yun but man it felt like a year! 

Well I can't deny na medyo nag enjoy ako sa mga activities na ginawa namin ni balloon. 

And isama na rin natin yung nawala kami sa gubat. It was not fun but it was definitely memorable. 

Nasa eroplano kami ngayon pauwi. 

Nakapatong ang ulo ko sa balikat ni balloon. 

Ewan ko kung bakit pero mas komportable na ako sa kanya ngayon. 

Hindi ko siya papakasalan but we can be friends. 

He's a good guy and I am sure a lot of girls would want him. 

Not me. 

I have Lui.

Tsaka having a friend that is a prince would be the coolest thing ever!

Sinandal niya ang ulo niya sa ulo ko

And then I fell asleep. 







"Oh bed how much I missed you!" bati ko sa higaan ko, "Oh wifi my love I missed you more!!" sabi ko habang binubuksan ang facebook ko

Nilunod ko ng texts at tawag si Lui. Wala pang reply hangang ngayon at hindi pa rin niya sinasagot ang mga tawag ko. 

Bago na pala phone ko at number dahil diba natapon ko ang dating phone ko sa gubat nun? Nasira siya at di ko marecover ang mga files at kung ano pa sa phone na yun. Sayang nga eh kasi ang dami pa naman naming pictures ni Lui at ni Aris dun! 

Tsaka yung screenshot ng convo namin ni Lui nawala rin! Aba di ko nga dinedelete kasi kinikilig ako pag binabasa ko mga reply niya!

Super galit ako nun kaya di na ako nagulat kung gaano siya kasira. 

Baka kaya di nagrereply si Lui kasi di naka register number ko sa phone niya. Puntahan ko kaya siya sa bahay nila.... 

Tinext ko siya, "Punta ako dyan. Can't wait to see you! This is Jan, you're one and only girlfriend, by the way! ;) " 

Oh yes my Lui I will see you later!!

Excited ako pumunta sa banyo para maligo ng may kumatok sa kwarto, "Nea may I come in?" 

"Come in!" sigaw ko habang inaayos ang damit na susuotin ko mamaya

"Do you want to help me?" tanong niya pagpasok sa kwarto ko

Tinaasan ko siya ng kilay, "Help for what?" 

Nakangiti siya ng todo, "Help me make dinner" 

Is he serious? TSK bakit naman kailangan niya nang tulong ko eh ang daming pwede tumulong sa kanya sa baba

"Actually I'm going somewhere later so I can't. Sorry", sabi ko habang tinatanggal ang buhok ko sa pagka bun. 

"Oh alright. Maybe next time then", sabi niya bago lumabas ng kwarto

"Next time!" sigaw ko sabay sirado ng banyo



My Three-Hundred-Pounds FianceeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon