Present Day
For sure alam niyo ang kasabihang "if you love someone set them free; if they come back, they are yours, but if not.. they never were.." kasi over rated na yan eh
Laging ginagamit kaya laging naririnig, pero ilan nga ba sa inyo ang naniniwala sa kasabihan na yan?
"Tumigil ka na sa kakaiyak diyan! ang dami daming mga ISDA sa dagat-"pinutol ni Aris ang sasabihin ko
"Oy hindi isda si Xander! SHARK siya, SHARK! ayoko sa isda, gusto ko SHARK!" pagtangol niya sa ex niya
Kanina pa kami dito sa hallway nagtatalo. kasi naman, nakipagbreak tong cassanova niyang boyfriend.
"Hey, look in the brightside.. ikaw ang pinakamatagal na dinate niya- 5 months? that's a record!" sabi ko habang nakafocus ang tingin ko sa isang tao
Napahikbi si Aris "that's the point! 5 months luv, 5 months! sa loob ng limang buwan na hulog ako ng lubusan!" pinagtitinginan na kami ng mga students dito
Nilipat ko yung tingin sa kanya at hinahaplos ang likod niya "tshhhh diba sabi ko na sayo na mag-ingat ka sa kanya? ikaw kasi! inaccept mo pa yung pustahan na yun!"
Binigay ko sa kanya ang whole pack ng kleenex ko kasi nagmumukha na siyang halimaw, yung eyeliner niya kumalat.
"Ok eto nalang, kung babalik siya sayo.. edi kayo talaga." tumigil siya sa pagiiyak at tumayo sa harapan ko
"You're right. hihintayan ko siyang bumalik.. ay hindi! gagawin ko lahat para bumalik siya sa'kin." sabi niya at hinatak ako papunta sa classroom namin
"I have to get my mind off him for now kaya ipaplan na natin ang debut mo!" excited na sinabi niya habang hinahatak ako. naka focus lang ulit tingin ko sa tao kanina
Sino ba kasama niya?! na-iinis ako!! kumukulo dugo ko! Ughhhh wag na wag niya akong kausapin!
"Janea! Janea!"napahinto kami ni Aris. Hinahabol kami nung babae na di ko kilala.
"What do you want!?" inis na tanong ko
Halatang natatakot siya, "p-p-pina-t-t-tawag po kayo ni Mrs.Dee..." reply niya at tumakbo paalis
"What the hell does she want now?!"
"Tsk tsk kawawang freshman.. luv ano na naman ginawa mo?" tanong ni Aris at tumawa
"I dont care! Ughh mauna ka na" sabi ko at umalis papunta sa office ni epal
Hawak hawak ko ngayon ang envelope na binigay nung dean namin na epal
"To Mr and Mrs Polins" basa ko sa nakalagay sa harap ng envelope
Another warning letter ... great.
Soooo greeeeaat
Why not suspend me nalang? May pa warning warning pa siya
Nilagay ko sa bag ang envelope at dumiretso sa first class ko, unfortunately hindi niya ako kinausap ng matagal kasi paulit ulit nalang daw ang sinasabi niya, hayy magmamall sana ako
"Jan!" lumingon ako at nakita si Lui naglalakad palapit
Umiinit na naman ang dugo ko

BINABASA MO ANG
My Three-Hundred-Pounds Fiancee
Fantasy"Nea did I upset you? Because I feel like you don't like my presence" Pumalakpak ako sa utak ako. Wow. Di naman pala bobo tong prinsipeng to eh. Kala ko kailangan ko pa i-spell sa kanya. Hinarap ko siya, "I'll be honest with you Jedrick your highn...