Binuksan ko ang pintuan ng bahay namin at bumungad ang ingay. Mga tawa.
Mga pamilyar na boses.
Sinundan ko ang mga boses na yun.
Can't be.
Si mama tumatawa.
This is a first.
Nakakagulat kasi hindi naman siya gaano tumatawa dito sa bahay.
Heck I don't even recall the last time she laughed like this.
She's always so busy with work.
Si dad tumatawa rin.
Pati si nanay at si tatay.
Mga ibang katulong.
Nasa sala silang lahat.
Anong meron?
I like this.
Everyone's happy.
Matagal bago nila ako napansin. I don't know if this is a good thing or a bad thing.
Si nay ang una naka pansin sa'kin, "Jan iha nandito ka na pala! Kumain ka na ba? Umalis ka kanina ng di man lang nag tanghalian! Teka ipaghahanda kita" pagkasabi niya nun nagsi alisan ang mga maids papuntang kusina kasama siya at si tay
"Where did you go nak?" tanong ni mama
"Binisita ko lang po si Aris. Catch up on some stuff...-"
"-Oh yes. Speaking of Aris. I need to talk to her. There's some slight changes for your big night." kita ko sa mukha niya na tuwang tuwa siya
Lumapit ako sa kanila, "W-what's going on in here?" curious ko tinanong
"We were just going over some final preparations for your party then napunta sa kwentuhan about our younger years" sabi ni dad habang nakatingin kay mama in a loving way.
I love that about them. About dad. Kahit na busy si mama at laging wala sa bahay. Lagi siyang nandyan. Di niya iniiwanan. I can see it in his eyes- the way he looks at her- he really loves my mother.
Hindi ko naman sinasabi na hindi mahal ni mama si dad. It's just that.. ngayon na medyo malayo ang loob ko kay mama. Hindi kami ganun ka close so hindi ko siya gaano in-oobserbahan.
"I see.. uhm magbibihis lang ako" at iniwan ko sila para umakyat sa kwarto ko.
Pagpasok ko sa kwarto agad ako humiga sa kama. Inaantok ako.
Bigla tumunog ang phone ko. Buong akala ko si Lui kaya excited ko tiningnan ito.
Pero si bansa lang pala
Hi ate Jan! Just to let you know that we are having a little sleepover party here at home! It is like a pre birthday celebration before my party tomorrow! I would be really happy if you come! See you!"
Ngayon na alam ko na ang totoo.. everything just seemed to change.
Teka paano ko ba nalaman?
Kasi kaninang umaga, ginising ako ng isa sa mga katulong. May bisita daw sa baba hinahanap ako.
Wala naman ako in-eexpect. Hindi naman si Lui or si Aris kasi kilala naman na sila kaya pinapaakyat nalang sila dito sa kwarto ko.
So sino ang nasa baba, tanong ko sa sarili ko.
Nag hilamos ako, nag toothbrush at nag bihis kasi nakakahiya kung naka pajamas ako.
Nagulat ako dahil pagbaba ko, mukha ni bansa ang nakita ko.
BINABASA MO ANG
My Three-Hundred-Pounds Fiancee
Fantasy"Nea did I upset you? Because I feel like you don't like my presence" Pumalakpak ako sa utak ako. Wow. Di naman pala bobo tong prinsipeng to eh. Kala ko kailangan ko pa i-spell sa kanya. Hinarap ko siya, "I'll be honest with you Jedrick your highn...