Chapter 12

201 1 0
                                    

Chapter 12

I was tired. Tired from running. Tired from all this.

I'm tired of creating a mess- tired of lying.

Tired of lying.. especially to my best friends.

Nandito kami ngayon sa bahay nila bansa. I can't go home. Not now.

Natatakot ako... hindi dahil kay mama kung di dahil sa consequences na ibibigay niya. Consequences that may include me being sent to Manahta.

Nakatitig silang tatlo sa'kin.. naghihintay kung kelan ako magsasalita.

"Kukuha muna ako ng snacks.." sabi ni bansa at pumunta sa kusina.

Hindi ako makatingin kay Lui... kasi baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at masabi ko ang katotohanan sa kanya-- which I really want to do pero ayoko mag-alala siya.

"Luv.. sorry.. kasalanan ko ang lahat ng to ei.. kung hindi lang siguro sa madaldal kong--" hindi ko siya pinatapos,

"shh.. wala ka naman kasalanan."

Biglang nag-ring ang phone ni Lui. Tiningnan niya ako pagkatapos niya tingnan ang screen ng phone.

Bago pa ako magsalita, pinatay niya ito at binalik sa bulsa.

Naiilang ako sa mga tingin nilang dalawa. Gusto ko muna pagisipan kung ano ang sasabihin ko sa kanila.

"Magpapahangin lang ako.." tumayo ako at dumeritso sa garden nila bansa.

Hindi ganun kalaki ang bahay nila. Hindi siya nakaka- intimidate. Yung mafefeel mo na welcome ka dito...

Hindi kagaya sa'min... mafefeel mo na mag-isa ka lang.. na wala kang kakampi sa mundo.

Kaya nga lagi ako nasa bahay ni Aris at Lui. Lagi kasi wala sila mama. - pero pag nandyan naman sila... laging business ang pinaguusapan.

Sinanay ko na ang sarili ko na maging independant...

"Jan?" napalingon ako,

I smiled at him

Lumapit siya sa kinaroroonan ko

Hindi pa ako ready mag explain.

Hindi ko kasi alam kung saan ko sisimulan...

.....at kung kaya ko..

Tahimik lang siya habang naka bulsa.

"tumawag ulit si tita.." sabi niya habang naka yuko.

.............. Hindi ako nagsalita. Ano naman ang i-rereply ko?

"Let's go" sabay hila sa'kin papasok ng bahay

"huh?"

"Remember? This day is supposed to be a celebration?" sabay niya habang naka ngiti ng malapad.

"Yeah? Well it was until my mother came for me-"

"-Aris! England!" sigaw niya pagpasok namin. Nagsibabaan silang dalawa galing sa taas.

"We're ready!" sabay nilang sigaw

"ready? saan tayo pupunta??" naguguluhan ako ngayon.

"ate jan! sabi ni kuya Lui magbabakasyon daw tayo!"

O_O

-------------------------------------

"so hindi niyo talaga sasabihin sa'kin kung saan tayo pupunta??" I asked for the tenth time. Kasi naman! Hindi ko alam kung ano i-eexpect ko!

My Three-Hundred-Pounds FianceeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon