Chapter 23
Nagising ako dahil may naririnig akong mga katok sa pintuan. I slowly opened my eyes. At first nagulat ako dahil nakalimutan ko na wala pala ako sa kwarto ko.
Ano ba yan. Akala ko panaginip lang lahat. Totoo pala. Screw this!
"Teh Ru Ssendi. Teh Ru Ssendi. We have to prepare you for your trip today. Teh Ru Ssendi--" binuksan ko ang pinto.
Anong trip ang pinagsasabi nila?!
Tsaka nakakainis na ang Teh Ru Ssendi na yan ah. May pangalan naman ako. AGH!!
Sabay sabay silang nag bow sa'kin at isa isang pumasok sa loob. =_=
Sinundan ko sila sa closet, which is the my dressing room >.>
"You said there was a trip that I have to go to?" tanong ko. Tumigil sila sa pag aayos ng susuotin ako
Nag tinginan sila sa isa't isa, "Yes Teh Ru Ssendi. You are going on a trip today with Teh Yal Ssenchi. Remember?" Sabi ni Ya Chai.
Siya pala ang personal maid ko. Well hindi naman maid as in katulong talaga kasi mismo siya may mga katulong rin.
Parang assistant ko daw siya kung baga. Siya ang leader ng personal saao chai (maid) ko. So kung may kailangan daw ako, sasabihin ko sa kanya tapos uutusan niya isa sa apat na mga maids rin. So basically parang siya ang head maid, tapos may mga assistants rin siya.
Usually daw hindi tinatawag ang mga maids gamit ang pangalan nila ng mga higher officials, especially ang mga Royals. This is because they want to keep that barrier between higher class and lower class. Pag tinawag mo daw sila gamit pangalan nila, it means you are on the same level when it comes to status.
Ewan ko ba bakit ganyan. Ang daming mga arte! Nakakainis na nga ei! Feeling ko talaga nasa isang movie ako!
Since wala akong pakialam sa mga status status na yan, pinilit ko sila na sabihin sa'kin mga pangalan nila. In total may lima akong "maids" yung head maid, si Ya Chai. Tapos yung apat na si, Isra, Saengdao, Mayuree, at si Apsara.
Ah naalala ko na. Yung trip pala na sinasabi niya ay yung picnic at horse back riding kasama ang lobo na yun.
Nakilala ko na din pala yung lola niya kahapon. Ang tagal nga namin nagkwentuhan ei. Apparently, gusto niya dito daw ako mag New Years tapos babalik kami ng Pinas para i-celebrate ang birthday ko.
FLASHBACK
Dinala ako ng mag-ina sa bandang likod ng mansion. Basta medyo isolated siya tapos maraming guards na nakabantay sa labas ng pintuan. Kailangan mo pa lumabas ng mansion at maglakad ng konti para makarating dito. Nagulat nga ako ei kasi nung una puro mga kahoy lang nakikita ko tapos unti unti akong nakakita ng bahay na kulay green at red.
Para siyang bahay sa likod ng mansion. Malaki rin ito pero mas maliit pa kesa sa mansion. Siguro kasi maraming mga kwarto ang mansion kaya malaki.
Hindi naman sila mahilig sa red no? Yung mansion, gold at red ang peg. Itong bahay ni lola, green at red.
Don't tell me ang loob puro green! Tago na nga dito sa gubat, camouflage pa ang bahay! Ano nakain nila? Kawawa naman si lola, parang tinago talaga para walang makakita..... unless yun talaga ang point bakit nasa likod ng mansion ang bahay >.>
"Do you like nature?" tanong ng lalaki sa tabi ko. Ganito ang posisyon namin ngayon:
Si Queen Mother naglalakad sa unahan, habang ako tsaka itong prinsipe na mukhang lobo naglalakad sa tabi ko, at may mga guards at maids na nakasunod sa likod namin, at na-uuna sa harap.
BINABASA MO ANG
My Three-Hundred-Pounds Fiancee
Fantasy"Nea did I upset you? Because I feel like you don't like my presence" Pumalakpak ako sa utak ako. Wow. Di naman pala bobo tong prinsipeng to eh. Kala ko kailangan ko pa i-spell sa kanya. Hinarap ko siya, "I'll be honest with you Jedrick your highn...