Chapter 10

225 3 0
                                    

"Kailangan mas mataas ang hem dito sa left side" sabi ko habang nakaturo sa picture na skinetch ni Aris.

Tumango lang si Aris sabay bura.

Sumubo ako sa halo halo na binili ko

Tiningnan ko siya habang nagsusulat parin sa notebook niya.

May part sa'kin na gusto sabihin sa kanya ang tungkol kay Xander.Pero may part rin na gusto muna marinig ang "explanation" niya.

Ayoko naman na umasa pa tong si Aris. Gusto ko makapag- move on na siya! Hindi sila MEANT TO BE!

Hindi na babalik si Xander sa kanya!

May ANAK na siya for goodness' sake!

Ghaaaaad! That cassanova! Karma niya! Yan nakabuntis!

"Mukhang ang lalim ng iniisip mo ah... nakasalubong pa ang kilay oh!" sabi niya habang nakaturo sa kilay ko

Tinaasan ko siya ng kilay, "tapos na? Nakuha mo na ang measurements ni bansa?"

"May pangalan siya luv!" suway niya sa'kin

"Yeah yeah whatever- so nakuha mo ba?"

Tumayo siya at kinuha ang malaking "magic" leather box niya.  Nandyan lahat ang mga gagamitin pang tahi.

"...Actually..... hindi ko pa nakuha..-"

"-What!? Diba sabi ko-" 

"-Hindi ko na kinuha kasi... I... uhm... hehehe..."

"You what?" hindi naman ako slow para hindi mahalata na may tinatago siya. Bestfriend ko siya kaya alam ko na ang buong pagkatao niya.

Kagaya ngayon... alam ko na may tinatago siya...

Biglang pumasok isa sa mga housemaids nila

"Señorita nandito na po yung bisita niyo"

"Salamat. Papasukin mo nalang dito" at umalis na yung housemaid.

Tinaasan ko siya ng kilay.

"HELLO ATE ARIS!! ^____________^vv" bati ni bansa pagpasok


"OH! HELLO RIN ATE JAN!" bati niya ng makita ako

"So luv....England here will join us today!" excited na sinabi ni Aris sabay taas ng kulay pink measuring tape

"Oh. Great." yun lang ang sinabi ko at bumalik sa pagkain ko.











"HINDI PA BA TAPOS YAN?" sigaw ko kay Aris na nasa loob ng banyo kasama si bansa.

Pinasukat ko kasi yung unang design na ginawa ko. Pinadala ko pa talaga dito kela Aris. Bale kailangan namin ng at least dalawang designs. Deadline na in 2 days kaya we can't afford to lose time. Kung may complications man sa una kong ginawa, pwede ko pa maayos.

Tinaas ko yung paa ko sa queen size kama niya habang nakaupo sa computer chair. Ang tagal naman!


Napatingin ako ng bumukas yung pinto.


I looked at the girl wearing my design....

My Three-Hundred-Pounds FianceeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon