Chapter 21

75 2 0
                                    

Chapter 21

Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko at napatayo ng makita ang 20 missed calls ni dad. Agad ko siyang tinawagan.

Alas tres na ng madaling araw kaya bigla akong kinabahan. Bakit naman tatawag ng ganitong oras si daddy?

"Dad! Napatawag ka? Ok lang ba kayo? May nangyari ba?" tumayo ako at pumunta sa banyo. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. The last time I remember, I was reading a book then I don't know what happened after that. Nakatulog ako.

Medyo maingay ang background na naririnig ko.

[Sorry nagising ba kita anak?]

"Uhm.. hindi naman po" sabay hikab, "Bakit po ang ingay dyan? May party po ba?"

[Anak listen to me okay? I know you are aware that we're leaving later today. But something suddenly came up so...] rinig ko bumuntong hininga siya

"Dad....?" inayos ko ang magulo kong buhok

[Princess you are going to have to leave without us.] He sighed again, [susunod rin kami ng mama mo pag naayos na namin ang... uhh mga d-dapat ayusin.] napa upo ako sa sahig.

"....w-what?" halos bulong ko sa kabilang linya. Akala ko ba family trip to? Akala ko ba babawi kayo? Dahil na naman sa business niyo-- uunahin niyo talaga ang pera niyo kesa sa'kin.

[Princess you have nothing to worry about. May susundo na sa'yo dun at dadalhin ka sa lugar na tutuluyan natin. I've given them instructions as to what you will be doing the first thing you arrive. So naka plano na ang mga tourist spots na bibisitahin mo habang nandito pa kami. We will arrive the next day- which is basically tomorrow evening the latest.]

Ano ang point sa bakasyon na to kung ako lang naman pala mag isa?! Mas mabuti pa na dito nalang ako sa bahay kasi at least kasama ko ang men in black.

Ei hindi ko nga alam saan ako pupunta! Paano pag may mangyaring masama sa'kin?! Ayoko. (,_,) Honestly naiiyak ako.

Nag expect ako na sabay sabay kaming aalis just like before.

"Dad asan ba ako pupunta? Paano yung ticket?" Pwede ko ba sabihin pagdating ko sa airport na naiwan ako ng eroplano? OR tatakas nalang ako at mag stay muna sa isang hotel. Tsh. Mag isa na naman. Pero at least nandito parin ako sa pinas.

[Surprise na yun daughter!] tumawa siya ng mahina [your flight is at 6 am and there's someone who will meet you there and personally give you your ticket. Love you princess. I'll call you as soon as we're at the airport okay?]

Tumingala ako para hindi bumagsak ang luha na pinipigilan ko, "D-dad pwede ba wag na ako pumunta? Sabay nalang tayo. Okay lang naman kung maghihintay ako hangang bukas.. natatakot kasi ako baka-" naputol ang sinasabi ko kasi may narinig ako sa kabilang linya

[Nothing that serious but we still have to be careful, especially with the environment- PRINCESS I have to go okay? Ingat sa biyahe! See you soon!] at agad niyang binaba ang linya.

Mukhang busy nga sila. Pero sabi naman nung tao na narinig ko na, 'nothing serious' daw... so they don't have to stay right? AGH! I hate this!! Bakita pa kasi ako nag expect na magiging masaya ang bakasyon na to!?

Galit akong bumalik sa kama ko at humiga ulit. Wala na akong pakialam. Bahala na anong mangyari pagdating sa- KAHIT SAAN MAN ANG LUGAR NA YUN!- basta kailangan ko mag enjoy.

YEP! Mag eenjoy ako! Teka.. bipolar ko ata. Kanina lang ang lungkot ko to the point na naiiyak ako. Tapos ngayon biglaan ang change of mood!? Hindi kaya may bipolar disorder ako!? OMG.

Bakasyon ko to kaya dapat lang na mag enjoy ako! And a vacation without parents seems scary but it will be fun because I can do whatever I want! >:)

My Three-Hundred-Pounds FianceeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon