"Jan.....Jan....nandito na tayo." sabi ni tay. Minulat ko mga mata ko, nakatulog pala ako sa sasakyan
Si tay ay driver namin- actually driver KO. si tay at nay ay mag-asawa. baby palang ako dito na sila nag tatrabaho, parang pamilya na namin sila. nasa mga late 60's na sila at tinuturing nila akong anak... wala kasi silang anak kaya tinuturing ko rin silang mga magulang. lagi din namang wala sila mama at dad kaya sila nay ang lagi kong kasama sa bahay.
Nag inat inat muna ako bago lumabas ng kotse
"Salamat sa pag drive tay, sige magpahinga na kayo baka sumakit na naman yang likod niyo" sabi ko habang kinukuha ang mga shopping bags galing sa trunk ng sasakyan
"Sus! ako pa! ang lakas lakas ko pa anak, gusto mo buhatin ko pa yang sasakyan hahahah!" sabi ni tay habang pinapakita "muscles" niya.
"Hahah hay naku tay, oo na malakas pa ho kayo" sabay hikab
"Anong oras na anak, pumasok ka na para makapaghinga- oh goodnight!" sabi niya at nakipag props
"Ge goodnight tay" sabi ko sabay props at pumasok sa loob ng bahay.
Sinalubong agad ako ni nay pagpasok ko
"Tong batang to kala ko ano na nangyari sa'yo jusko ala-una na ng umaga asan ka ba galing nag shopping ka na naman eh kakashopping mo lang kahapon gutom ka na ba ipagluluto kita juskooo buti nalang at tinawagan mo si tay mo para magpapick-up kung di tumawag na ako ng police-"
"-NAY! ehehe oh hinay hinay lang~~ tubig gusto mo? nandito na ako nay tsaka nag palamig lang ho ako ng ulo at busog na ho ako, kaya ikaw---- matulog ka na nay!" sabi ko sa kanya habang tinutulak sya papunta sa kwarto nila ni tay
"Sure ka? di ka gutom? ok ka lang?" alala niyang tanong
Tumango ako, "opooo goooooodnight naaaay~!" at niyakap ko siya
"Oh sya sige na, ikaw matulog ka na rin..---- ay sya nga pala! sa susunod pa daw na linggo uuwi sila Celia" sabi niya
Napagbuntong hinga ako "As usual....tsh. sige nay goodnite!" sabi ko at matipid na ngumiti
Dumiretso ako sa silid ko at tumalon sa kama.
Huminga ako ng malalim.... pinatong ang unan sa mukha ko at
"UGHHHHHH!!!!" sigaw ko
Bumabalik na naman yung eksena kanina
FLASHBACK
"Ughhh!! How dare her hug me without my permission?!?!" sigaw ko habang hinahanap ang wipe tissues sa bag ko
"Like I know right?! ang cute niya talaga!" girl 1
"Girl ano sabi mo?! baka nakakalimutan mo- akin siya!" girl 2
"Sinong may sabi?! girl akin siya!" girl 3
"SSHH! pwede ba! hanga't nabubuhay ako, walang makaka agaw kay- OH! well, well, well,- look who's here pretty girls" napa lingon ako sa boses na yun
Great. Latina and her so called "pretty girls" are here.
Lumapit sila sa'kin, well actually si Latina lang, takot yung iba sa'kin. Subukan lang nila. I'm not the same Janea that they knew back then.
BINABASA MO ANG
My Three-Hundred-Pounds Fiancee
Fantasi"Nea did I upset you? Because I feel like you don't like my presence" Pumalakpak ako sa utak ako. Wow. Di naman pala bobo tong prinsipeng to eh. Kala ko kailangan ko pa i-spell sa kanya. Hinarap ko siya, "I'll be honest with you Jedrick your highn...