Taong 2202 nang maimbento ng isang siyentipiko na nagngangalang Welder Freuch ang isang aparato na kung tawagin ay memory gene. Ang aparatong ito ay tila isang hard drive device na may kakayahang i-tala ang lahat ng mga pangyayari ng isang host mula pagkasilang hanggang sa pagtanda. Ang memory gene na nakakabit sa likurang bahagi ng ulo ng nagmamay-ari ng aparatong iyon ay maaaring ilipat sa isa pang katawan upang mabuhay bilang siya o ang kanyang katauhan.
Nagsimulang lumaganap ang pag-gamit ng aparatong ito dahil na rin sa pag-aproba ng gobyerno ng Europa upang mapahaba ang life span ng isang tao ngunit tinutulan ito ng ilang mga bansa dahil na rin sa pagkitil ng buhay upang maging container ng mga taong gumagamit nito.Kalaunan ay nahati ang lipunan sa tatlong klasipikasyon dahil sa aparatong iyon. Una, ang mga bidder o ang mga mayayaman o nakatataas sa lipunan na siyang tanging nakakagamit ng memory gene. Sila ang may kakayahan upang bumili ng katawan ng commoner o ng bidder upang paglipatan ng kanilang mga memory gene para mabuhay kahit gaano pa katagal. Pangalawa, ang mga commoner o ang mga may kaya ngunit hindi pa umaabot sa klasipikasyon ng pagiging bidder. Wala silang memory gene ngunit kung mataasan nila ang pamantayan ng gobyerno sa pagiging bid sa pamamagitan ng kanilang mga assets at liabilities ay maaari na silang tawaging bidder at lagyan ng memory gene. Pangatlo, ang pinakamahirap sa lahat, ang mga bid. Sila ang mga taong naghihirap at hindi kayang bumili ng aparatong iyon. Sila din ang madalas na binebenta sa black market upang isubasta para mabili ng mga mayayaman.
Taong 2280: Isang kriminal ang nabalitang gumagala sa bawat lungsod ng Pilipinas upang kitilan ng buhay ang mga gumagamit ng memory gene. Hindi siya gumagamit ng marahas na pamamaraan. Ni walang bahid ng dugo sa lugar kung saan nangyayari ang krimen. Iniiwan niya lamang na natutulog ang kanyang mga biktima at tila nabubura lamang ang kanilang memorya. Black out: Iyon ang tawag sa kanya.
Naging haka-haka sa lipunan at sa gobyerno kung paano iyon nagagawa ng naturang kriminal, gayon pa man ay naging matalas ang paningin ng otoridad dahil tanging mga bidders at mga may katungkulan lamang sa politiko at sa kompanyang MEMO© ang tanging biktima ng taong iyon. Ni walang bakas o ano mang senyales at bagay na naiiwas sa kanyang biktima upang maging dahilan ng kanyang pagkakakilanlan.
Nagkaroon ng pag-asa ang iilang mga bid na gustong mag-aklas laban sa gobyerno at sa kompanyang MEMO©. Nabahala naman ang gobyerno sa kakayahan ng taong iyon, maging ang Europa ay sinubukang alamin ang ginagamit nitong teknolohiya upang burahin ang mga alaala ng kanyang mga biktima ngunit hindi nila iyon masagot. Dinadala lamang sila ng kriminal na iyon sa mismo nilang mga imbensyon. Nagkaroon naman ng mga haka-haka na binenta ng Europa ang teknolohiyang iyon sa Pilipinas upang mamayagpag ang mga bid at tuluyan nang gawing bid country ang Pilipinas. Kung mangyayri iyon ay hindi na pagagamitin ng memory gene ang Pilipinas at magiging malaking bentahan na lang ng mga bid ang naturang bansa.
Hindi naman pumayag ang presidente ng Pilipinas na si Nico Rivera sa mga kumakalat na issue. Pinalawig niya ang paggamit ng memory gene sa Pilipinas upang pagmukhaing bidder country pa rin ang Pilipinas ngunit mas lumala ang mga haka-haka. Ginagawa niya lamang daw ito upang pagtakpan ang kahirapan ng bansa. Ang tanging solusyon lamang na naisip ng gobyerno ng Pilipinas ay ang hulihin ang kriminal na iyon at iharap sa lipunan. Ngunit sino nga ba ang taong iyon na tinatawag na Black Out? Ano ang dahilan niya sa pagbura ng mga memorya ng mga bidders na may katungkulan sa gobyerno at sa kompanyang MEMO©?
special thanks for the cover: Wacky Mervin
BINABASA MO ANG
Project: Black Out (Philippines: Year 2300 Prequel) #Wattys2016 #Trailblazers
Science FictionTaong 2202 nang maimbento ng isang siyentipiko na nagngangalang Welder Freuch ang isang aparato na kung tawagin ay memory gene. Ang aparatong ito ay tila isang hard drive device na may kakayahang i-tala ang lahat ng mga pangyayari ng isang host mula...