Chapter 23: Rain of Fire (Pag-ulan ng Apoy)

714 39 5
                                    

From the ashes, a fire shall be woken. A light from the shadow shall spring. Renewed shall be blade that was broken. The crownless again shall be king.

- Arwen, The Lord of the Rings - The Return of the King 


Umamba ng pag-atake ang mga prototype na bumagsak mula sa himpapawid. Gayon din ang mga prototype mula sa pwersa ni Black Out. Patuloy naman ang pagkapal ng niyebe na halos hindi na makita ang paligid kundi mga anino. Ang mga bid ay takot na takot na nagbalot ng makakapal na kumot habang hinihintay ang mga susunod na mangyayari. Painayapa naman ni Dylan ang kanyang isip bago magdesisyon. Hinanda naman ni Tanya ang kanyang sarili sa kung ano ang puwedeng mangyari.

"Ang mga bid na ito...wala ba tayong gagawin? Kapag nagsimula na silang umatake, hindi na sila mapipigilan. Magugunaw ang lugar na 'to..." nanginginig na sambit ni Tanya.

Sa isang pitik ng daliri ay agad na kumilos ang mga prototype mula sa pwersa ni Black Out. Tumungo sila sa mga bid na naipon sa ilalim ng flyover. Matinding takot naman ang naramdaman ng mga bid na nagtago mula sa isa't isa. Agad na sumugod ang mga prototype mula sa pwersa ng militar patungo sa kawatan na nakamaskarang itim. Hinawi naman ni black Out ang kanyang kamay at dalawang prototype ang agad na humarang sa kanyang harapan. Piniga niya ang kanyang kamao at ang dalawang prototype na iyon ay tinanggalan ng ulo ang prototype na sumugod. Isa pang prototype ang sumugod patungo sa mga bid. Lumingon naman si Black Out sa kanilang kinaroroonan at ibinuka ang kabilang kamay sa kanilang posisyon. Nagyakapan naman ang tatlong prototype, nagdugtong sila ng mga braso at balikat upang gumawa ng harang. Sinalo ng mga prototype na iyon ang pag-atake at nang mapatigil nila ang prototype na sumugod ay agad namang kinuha ng isa ang paa nito at hinampas sa sahig.

Nagsimula naman ang mga putok ng baril mula sa pwersa ng New Order. Isang prototype ang pasugod sa kanila ngunit agad na naigalaw ni Blaack Out ang kanyang kamay at itinuro ang kanilang posisyon. Hinarang ng isang prototype mula sa kanyang control ang pasugod na kalaban. Nabasag ang mukha nito ngunit agad naman nitong nakapitan ang kamao. Pinagbabaril naman ni Tanya ang ulo ng prototype na sumugod. Bumagsak ang katawan nito at naiwan ang prototype na pumrotekta sa kanila. Humarap ang prototype na iyon at doon ay nakita nila ang halos bungo nang mukha nito dahil sa pinsala.

"Umalis na kayo dito! Hangga't kaya ko pa ay patitigilin ko sila," wika ni Black Out.

"Paano ka?!" sigaw naman ni Tanya. Muli niyang hinigit ang kanyang baril sa isa pang prototype na patakbo sa kanila. Muli namang ikinumpas ni Black Out ang kanyang kamay at sa isang iglap ay kinuha ng prototype na iyon ang dalawang braso nito.

"Gusto ko pa sanang makipaglaro sa iyo binibini, pero hindi magiging madali para sa inyo ang makipaglaro sa mga 'to. Misyon niyong protektahan ang mga bid na ito hindi ba? Gawin mo na," utos niya. Tumango lamang ng isang beses si Tanya, kita pa rin ang pag-aalala sa kanyang mukha. Sumipol naman ang dalaga gamit ang kanyang dalawang daliri. Ang mga sundalo na nakikipagbarilan ay lumingon naman sa kanya at agad na tumakbo.

Sa gitna ng gulong iyon ay nakatayo lamang si Black Out. Kinakalkula niya ang lahat ng mga kilos ng mga prototype sa paligid. Sinusubukan niyang protektahan ang mga tao sa pamamagitan ng pag-utos sa mga prototype mula sa kanyang pwersa. Tumakbo naman si Tanya at ang iba pang mga sundalo patungo sa mga bid. Ang mga prototype naman na humarang ay humarap sa mga kalaban at humanda sa pagsalo ng mga atake ng mga kalaban na katulad din nila.

"Bilisan niyo! Tayo bilis!" utos ni Tanya sa mga bid. Isang bata ang kanyang binuhat na umiiyak. Agad naman siyang inalalayan ng ina nito. Binaril niya naman ang isa pang sundalo ng militar gamit ang handgun na nakasukbit sa kanyang bewang. Tumagos ang bala nito sa dibdib at humiga sa nagyeyelong semento ang sundalo.

Project: Black Out (Philippines: Year 2300 Prequel) #Wattys2016 #TrailblazersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon