Chapter 5: Dance of the Shadows (Ang Sayaw ng mga Anino)

2K 60 6
                                    

He who is unable to live in society, or who has no need because he is sufficient for himself, must be either a beast or a god.
-Aristotle


Nagpatuloy si Dylan sa pagpapakain ng mga kapwa niya bata sa loob ng kwartong iyon. Maya-maya pa ay bumukas na ang bakal na pinto at pumasok ang halos walong sundalo. Takot na takot na nagsitakbuhan palayo ang mga bata. Si Dylan naman ay dahan-dahang tumayo at tumitig ng masama sa mga sundalong iyon. Ngumiti naman ang isa sa mga sundalo at lumapit kay Dylan.


"Matapang ka bata...alam mo bang sa panahong 'to namamatay agad ang mga matatapang?" wika ng sundalong iyon.


"Hayaan mo na yan. Sige na dalhin nyo na sila," tugon naman ng isa pang sundalo. Agad namang kumilos ang iba at kinapitan sa braso mga batang iyon. Nagsimula ang iyakan at pagpalag ng mga batang iyon. Naglulupasay lamang sila sa sahig habang hinihila ng mga sundalo.


"Bitawan niyo ko! Tulong!" bulyaw ng isang batang lalaki.


"Maaaa! Mama!"


"Bitawan niyo ko! Bitawan niyo ko!"


Patuloy na nag-iyakan ang mga batang iyon. Tila mas lumakas naman ang masaya ngunit nakakatakot na tugtog mula sa speaker ng kwartong iyon. Agad namang tumakbo si Dylan patungo sa isa sa mga sundalo. Bitbit niya ang isang plato na agad niyang ihinampas sa ulo nito. Nabasag ang plato na iyon at nasaktan ang sundalo. Hinimas pa niya ang kanyang ulo at nakita niya ang dugo sa kanyang kamay.


"Aba't tarantado kang bata ka ah!"


"UHHMF!" Isang suntok sa sikmura ang agad niyang ibinigay sa batang iyon. Namilipit naman sa sakit si Dylan. Tila napabuga pa ito ng dugo habang gumugulong sa sahig.


"Tama naaa!" sigaw naman ng batang lalaki na sana ay ililigtas niya. Patuloy naman sa pagkaladkad ang sundalong iyon sa bata habang hinihimas ang kanyang nagdurugong ulo. Maya-maya pa ay lumundag ang batang babae na tumulong kay Dylan. Gamit ang kutsilyo na nakatago sa manggas ng kanyang damit ay sinaksak niya sa leeg ang sundalong iyon. Kinapitan pa niya ito sa leeg habang iniikot ang kutsilyo na nakaturok dito.


"AAAAHHHH!" bulyaw ng sundalo. Napadapa pa ito sa sahig habang sumisirit ang dugo sa kanyang leeg. Nakatusok pa rin ang kutsilyong iyon at hinayaan lamang ito ng batang babae. Nakatingin lamang siya ng matalim sa sundalong iyon habang nakangiti. Hindi naman makapaniwala si Dylan sa kanyang nakikita. Sinubukan niya na lamang na tumayo ngunit dahil sa labis na sakit ay hindi niya iyon magawa. Agad namang lumapit ang batang babae sa kanya at agad siyang inakay.


"Ano kaya mo pa ba?" tanong niya. Tumango lamang si Dylan habang tinitingnan ang sundalong iyon. Tila naalerto naman ang iba pang kasamahan ng sundalong iyon at tila gulat na gulat din sa ginawa ng batang babae.


"A-anong nangyayari doon?" wika naman ng isang bidder mula sa loob ng kwarto kung saan nakalagay ang malaking salamin. Napakunot na lamang ng noo ang ibang mga bidders. Ang matandang lalaki naman kasama ng kanyang butler ay agad na tumalikod. Tumitig muna ito ng masama mula sa salamin bago tuluyang lumabas ng kwarto. Automatic na bumukas naman ang kahoy na pinto ng kwartong iyon na may magarbong disenyo. Kasabay ng paglalakad palayo ng matanda ay ang kanyang butler. Matapos namang masaksihan ang mga pangyayari ay agad na sumara ang mga bakal na takip ng malaking salamin na iyon. Gusto pa nilang masaksihan ang mga pangyayari sa loob kaya't sinubukan nilang pigilan ang bakal na harang na unti-unting bumababa sa salamin. Sa huli ay hindi nila iyon nagawang pigilan, ang naiwan na lamang sa kanilang mga isipan ay ang pagtataka at pag-aalala.

Project: Black Out (Philippines: Year 2300 Prequel) #Wattys2016 #TrailblazersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon