Chapter 2: The Grave of the Dying Nation (Ang Libingan ng Naghihingalong Bansa)

3.5K 96 18
                                    

Other lives may find their happiest moments infiltrated with tragedy, and their proudest touched with comedy.

-Carlos P. Romulo


September 27, 2264 - Neo Metro Manila - 21°C


"Dylan...Dylan...gising..."

Isang malabong boses ang narinig ng isang batang musmos na nakahiga mula sa kanyang higaan na gawa lamang sa karton, ang bawat haligi ng maliit na kwartong iyon ay tila gawa lamang sa mga retaso ng nilumang mga tabla at ilang gamit na kung tutuusin ay mga basura na. Nagpupuyos-puyos namang bumangon ang batang iyon na kung tutuusin ay halos limang taong gulang pa lamang. Napansin niya naman ang pag-iimpake ng kanyang ina ng kanilang mga damit at tila ba aligaga sa kanyang ginagawa.

"M-Ma? Bakit po?" tanong niya.

"'Wag ka nang magtanong diyan bata ka! Tulungan mo ako dito! Darating na ang mga militar!" pasigaw na utos ng kanyang ina. Hindi pa man nakakapaghilamos ay agad nang tumayo ang bata mula sa kanyang higaan. Agad niyang kinuha ang ilang mga damit na nakakalat pa sa sahig at kung tutuusin ay basa pa ito dahil sa yelo na namumuo sa kanilang sahig. Ang sahig nila marahil ay parte rin ng kalye na kanilang tinutulugan. Siniksik na lamang ni Dylan ang mga damit na iyon sa bag na bitbit ng kanyang ina. Tinapalan na lamang ang mga butasng malaking bag na iyon gamit ang iba't-ibang klaseng tela.

"Bilisan mo diyan!" bulyaw muli ng kanyang ina. Tila padabog namang inilagay ni Dylan ang ilan pang mga damit at gamit sa bag na iyon at saka lumabas ng maliit na barung-barong na kanilang tinutuluyan.

"Bilis! Bilisan niyo andyan na sila!" sigaw naman ng isang lalaki na sa pagkakataong iyon ay bitbit na halos ang kanilang buong bahay kasama ang kanyang mag-anak.

"Militar! Nandyan na sila! Itago niyo ang mga bata!" sigaw pa ng isa. Tila wala namang pakialam ang batang iyon sa mga nagkakagulong mg tao. Kinusot na lamang niya ang kanyang mga mata at tila humikab pa na napapapikit. Nang buksan niya ang kanyang mga mata ay sumilip naman ng kaunti ang liwanag mula sa himpapawid. Hindi naman ito nagtagal dahil sa makakapal na ulap na humaharang dito na patuloy naman sa pagbagsak ng maliliit na piraso ng nyebe.

"Bilis!" bulyaw naman ng isa pang lalaki na sa pagkakataong iyon ay binubuhat na ang kanyang anak na babae. Tinitigan na lamang ni Dylan ang batang babaeng iyon. Tila kakaiba naman ang ngiti ng batang iyon habang iwinawagayway ang kanyang kamay, senyales ng pamamaalam. Napakunot naman ng noo si Dylan at ginaya din ang ginagawa ng batang babae. Hindi niya napansin na sa dulo ng mga nagkakagulong tao na iyon ay nagsimula na ang pagsiklab ng isang malaking apoy. Doon na lamang nagising ang kaniyang ulirat. Nanlalaki ang kanyang mga mata habang pinagmamasdan ang pagsiklab ng apoy na iyon mula sa malayo. Dahan-dahan siyang lumapit kung saan nanggagaling ang apoy, hindi niya alintana ang mga bid na katuld niya na nagkakandarapa na sa pagtakbo upang makatakas lamang sa lugar na iyon.

"Umalis na kayo dito! May demolition order kami! Bawal na ang mga bid sa lugar na ito!" wika naman ng boses na iyon na para bang gumagamit ng mikropono upang marinig ng lahat ang kanyang sinasabi.

"Huwag na kayong magmatigas kung ayaw niyong masaktan!" dagdag pa nito.

"Dylan?! Dylan!" sigaw naman ng kanyang ina. Napatalikod na lamang siya at nakita ang kanyang ina na lumuluha, lumuluhod ito ng dahan-dahan at tila inaabot ang kanyang kamay. Maya-maya pa ay sunod-sunod na putok na ng baril ang kanilang narinig. Nagtilian ang mga tao at ang iba naman ay halos madapa na, naiwan nila ang kanilang mga gamit ngunit para sa kanila ay mas importante ang mabuhay kaysa pulutin pa ang mga gamit na iyon.

"Ma!" sigaw naman ng bata. Agad siyang tumakbo patungo sa kanyang ina. Tinulungan niya ito sa bitbiting mga gamit at dali-daling tumakbo palayo din sa lugar na iyon. Hindi na napigilan ang kaguluhan. Nagkaroon na ng sunod-sunod na pagsabog, ang ilang mga bid naman ay sinubukang lumaban sa pamamagitan ng pagbato ng kanilang mga bitbit. Mga bote, bato, lumang aparato, mga gamit sa pangluto at dumi ng tao. Hindi nila alintana ang panganib na kanilang kinakaharap sa pagkakataong iyon.

Project: Black Out (Philippines: Year 2300 Prequel) #Wattys2016 #TrailblazersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon