Chapter 24: A Cold Christmas (Ang Malamig na Pasko)

709 37 9
                                    

"You've seen what people do without leadership. They devour one another."

-Wilford, Snowpiercer


Mula sa usok, alikabok at niyebe ay lumabas ang imahe ng misteryosong lalaki. Tila galit at nanginginig ang mga kalamnan. Tinagilid niya ang kanyang leeg upang patunugin ito. Matapos noon ay naglakad siya ng dahan-dahan. Kinakagat niya ang kanyang labi dahil sa pagpipigil ngunit kumatas ang dugo at tumulo sa kanyang baba.

"H-hindi maganda 'to. Inspektor, kumapit kayo. Kailangan nating makaalis dito," wika ni Tanya na tila takot na takot habang pinapanood ang paglalakad ng lalaking iyon palapit sa kinaroroonan ni Brigand. Tumango na lamang ang inspektor at ininda ang sakit na kanyang nararamdaman. Marami-rami pa rin ang dugo na kumakatas mula sa ugat ng kanyang augmented arm. Halos gumawa pa iyon ng marka sa nagyeyelong sahig habang inaatras ni Tanya ang kanyang katawan.

Mula naman sa kinaroroonan nila Black Out ay tumingin lamang si Brigand sa puwesto nila Tanya. Ngumiti ng kaunti at tila nakahinga ng maluwag dahil halos malayo na rin ang kanilang nararating. Pinunit naman ng misteryosong lalaki ang kanyang kanang manggas dahil halos maputol na rin naman iyon. Tuluyan namang naghilom ang sugat sa kanyang pisngi gawa ng bala na pinakawalan ng sniper ni Tanya.

"Talagang ginagalit mo ako tanda. Hindi ko alam kung paano mo ako napantayan. Hindi ko alam kung MEMO din ang nagbigay sa 'yo ng ganyang lakas...pero wala akong pakialam," wika ng lalaki. Umalingawngaw naman ang mahihinang tunog ng heli ship engine sa paligid. Senyales na nagbababaan na ang ilang mga sundalo at nagmamanman sa paligid.

"Limang segundo, aatake na siya," wika naman ni Victor na sinimulang buhatin ang kanyang anak at maglakad palayo sa kanila.

"Tumigil ka! Bumalik ka dito!" sigaw ng lalaki na halos lumuwa pa ang mata at tumalsik ang laway dahil sa sobrang galit.

"Gusto mo? Kunin mo..." pang-iinis ni Victor.

"Tatlo...apat...lima," bilang naman ni Brigand. Matapos nga ng limang segundo ay umatake na ang lalaki. Sumugod siya at tumakbo. Nilagpasan niya si Brigand ngunit agad namang tumalon patalikod ang matandang butler at kinapitan ang kanyang braso. Halos lumabas ang ugat sa braso ng lalaki dahilan upang mapasigaw siya sa sakit na nararamdaman.

"AAAAAAAHHH!"

Paulit-ulit niyang sinuntok ang braso ni Brigand. Hindi naman bumitaw ang matanda mula sa pagkakakapit. Halos tumalsik na ang dugo sa paligid dahil sa lakas ng mga suntok na iyon. Natinag na lamang ang matandang butler nang lumabas na ang kanyang buto at mabali. Tumalon siya at isang malakas na sipa sa mukha ang kanyang pinakawalan. Tumalbog naman sa simento ang lalaki ngunit agad na nakailag nang tutuhurin na siya ng butler. Isang sipa sa tiyan ang pinakawalan ng lalaki. Napaubo naman ng dugo si Brigand. Matapos noon ay sinubukang tumakbo ng lalaki upang makahabol kay Victor na unti-unti namang naglalaho sa makapal na niyebe. Hindi siya nakatakbo. Kinapitan siya sa paa ni Brigand gamit ang kaliwang kamay.

"Hindi ka ba titigil na matanda ka?!" bulyaw niya. Pinagtatadyakan niya ang ulo ni Brigand ngunit hindi pa rin natinag ang matanda. Dumadagundong sa paligid dahil sa lakas ng pagpadyak na iyon.

"Hayun sila!"

"Bilis!"

Nagtago naman ang mga sundalo sa paligid at ginamit ang mga sunog na hover car at truck at mga nasirang kongkreto upang pagtaguan. Ikinasa ang kanilang mga baril at naghintay ng go signal.

"OPEN FIRE!" Mula sa control room ay nag-utos si General Viduya na pagbabarilin ang kung sino man ang kanilang makita. Hindi nga siya binigo ng mga sundalo. Hinigit ng mga sundalong iyon ang kanilang mga baril ng walang tigil. Nangisay naman ang lalaki at napatigil sa pagtadyak dahil sa mga sinasalo niyang bala. Gumapang naman palayo si Brigand kahit na tinamaan na ng bala ang iba't-ibang parte ng kanyang katawan. Napakaraming bala ang kumakawala sa paligid at sa kanila lamang nakatutok. Napaluhod naman ang lalaki at tila umuusok pa ang kanyang dibdib at braso nang tumigil ang mga sundalo. Duguan naman ang kalahati ng katawan ni Brigand, nanghihina na rin siya dahil sa mga natamong sugat.

Project: Black Out (Philippines: Year 2300 Prequel) #Wattys2016 #TrailblazersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon