"I realize now that it will take time. that the road ahead is long and shrouded in darkness. It is a road that will not always take me where I wish to go and I doubt I will live to see its end, but I will travel down it; nonetheless. for at my side walks hope in the face of all that insists I turn back, I carry on and this...this is my compromise"
-Connor, Assassin's Creed 3
Isang sipa sa mukha ang gumising kay Dylan. Napatayo na lamang siya at napadilat ngunit kawalan lamang ang kanyang nakita. Isang walang hanggang bangin ang nasa kanyang harapan at ang nasa ilalim ay ang kadiliman. Gumuguho ang kanyang tinatayuan at mayroon lamang na nag-iisang daan, ang pinto sa kanyang likuran. Agad niya iyong binuksan at laking gulat niya nang makita ang kanyang ina sa kanyang harapan, duguan ang noo, humihingi ng tulong, inaabot ang kanyang kamay at tumatangis. Napaatras si Dylan. Wala na ang pinto sa kanyang likuran. Ang naroon lamang ay ang mga taong nagkukumpulan, madungis ang kanilang mga suot at ang kanilang mga mukha.
"Dylan...tulong," sambit ng kanyang ina. Napalunok naman ng kaunting laway ang binata. Pinagpapawisan siya ng malamig at nanginginig ang kanyang katawan. Bumabagsak man ang mga piraso ng niyebe sa kalangitan ay tila mainit pa rin ang kanyang pakiramdam. Pinagmasdan niya ang mga piraso ng niyebe, kumikinang ang mga ito, ang pagbagsak ng mga ito sa lupa ay gumagawa ng ingay, ang tunog ng mga barya na kumakalansing at unti-unting lumalakas.
"DYLAAAN!" sigaw ng kanyang ina. Sa isang iglap ay nasa harapan niya na ito, nakangiti, nakayakap sa kanyang katawan. Doon na lamang nagising ang binata sa isang masamang panaginip.
"HAAAAAAH!" sigaw niya habang napapaatras mula sa pagkakahiga.
"Ssshhh..." isang anino ng lalaki sa kanyang harapan ang nagsambit. Nakaupo siya sa isang lumang upuan at sa kanyang harapan ay makikita ang isang hologram TV.
"Brigand?" tanong ng binata.
"Panaginip na naman ba 'to?"
"Hmm...nagrereact na ang memory gene mo. Marami kang nakikita, mga pangyayari sa iyong sarili, sa mga taong kinuhanan mo ng memorya. Nararamdaman mo ba sila?" tanong ng lalaki. Pinaikot niya ang kanyang upuan, nasinagan naman ng kaunting ilaw ang kanyang mukha.
"I-Ikaw! Nananaginip lang ako!" wika ni Dylan.
"Hehe...HAHAHA!" napatawa naman ng malakas ang lalaki at napatalikod lamang sa kanya at muling humarap sa hologram TV kung saan makikita ang isang balita, ang pagbarikada at pagharang ng pwersa ng pamahalaan sa mga dadaan sa EDSA.
"T-totoo...totoo ka."
"Bakit? Anong tingin mo sa akin? Multo?" sarkastikong tanong ng lalaki.
"V-Victor Torres, ang...ang aking ama," sambit ng binata. Napatayo na lamang siya at isinara ang kanang kamao.
"Tama! Akala ko hindi mo...UGHH!"
Isang suntok sa mukha ang ibinigay ni Dylan. Halos tumalsik naman si Victor at dumausdos pa ang kanyang katawan bago tuluyang tumigil. Napadura na lamang ng dugo si Victor sa sahig bago tuluyang humarap sa binata.
"Hindi kita masisisi. Iniwan kita. Pero sana naisip mo na ginawa ko iyon para protektahan ka," wika niya.
"Sinungaling ka! Lahat kayo nagsinungaling sa akin. Para saan? Ano ba talaga ako sa inyo? Sino ako?! GUSTO KONG MALAMAN!" bulyaw ng binata. Umupo naman sa sahig si Victor at pinagpagan ng kaunti ang kanyang balikat.
"Haay. Pambihira..." sagot ni Victor. Ngumiti siya ng saglit ngunit lumitaw kaagad ang malungkot niyang ekspresyon.
"Sumagot ka!"
BINABASA MO ANG
Project: Black Out (Philippines: Year 2300 Prequel) #Wattys2016 #Trailblazers
Science FictionTaong 2202 nang maimbento ng isang siyentipiko na nagngangalang Welder Freuch ang isang aparato na kung tawagin ay memory gene. Ang aparatong ito ay tila isang hard drive device na may kakayahang i-tala ang lahat ng mga pangyayari ng isang host mula...