"The straight line leads to the downfall of humanity."
-Friedensreich Hundertwasser
November 30, 2280 / Present Day – 5:46 PM – The Fort Bidder District - 18°C
"Akala ko wala na ang isang 'yon..." wika ng isang malaking lalaki habang nakatayo sa harap ng kanyang bintana. Nakaputi siyang longsleeves at itim na slacks. Halos pumuputok naman ang kanyang katawan sa damit na iyon dahil sa mga muscle nito. May mga galos ang kanyang mukha dahil sa bugbog. Nakatape pa ang kanyang kanang kilay.
"Ano bang pinag-aalala mo sa kanya Dano? Pumusta siya ng malaki sa atin! Naniwala siya sa 'yo! Hindi mo dapat pinag-iisipan ng masama ang gaya niya...kaibigan ang tawag doon," sagot naman ng isang matabang lalaki habang sarap na sarap sa pagkain ng nakahaing lechon sa hapag kainan.
"Parang may mali sa kanya..."
"Haha! Naalala mo ba ang balita dati? Maraming taon na rin ang nakakaraan Dano. Namatay si James Ford. Ang tatay daw ni Dylan Ford...Nang huhulihin na siya sa lugar niya sa Tagaytay?! Tangna! Umabot nga sila pero wala na...wala nang buhay ang matandang 'yon. Nakita lang na umiiyak si Dylan...pero yung matanda wala na...deads na. Eh si Dylan naman, may benda ang memory gene, parang kakakabit lang," wika ng matabang lalaki. Pumapatak pa sa hapag kainan ang kanyang laway dahil sa pagnguya habang nagsasalita. Napatingin naman si Dano sa kanya habang napapakunot ang noo.
"May mga teorya sila dati...ewan ko lang kung hanggang ngayon yun pa rin ang iniisip nila..." dagdag pa nito.
"Ano yun Mauro?"
"'Yang si Dylan na 'yan. Sabi nila...'yan daw talaga si James! Nung oras na namatay yang si James Ford nang huhulihin na siya eh ginamit lang daw ang katawan niya para palabasin na patay na siya...pero ang totoo. Ang bago niyang pangalan ay Dylan Ford! Para makalusot siya sa mga ginawa niya...gumawa siya ng palabas..."
Napapangiti naman si Dano sa narinig. Ngayon niya lamang narinig ang kuwentong iyon mula sa kanyang amo. Tumingin siya sa kanya, naghihintay ng susunod na sasabihin nito.
"Ngayon...'yang si Dylan..umarte daw. Na patay na ang lolo niya o ama niya o tatay niya...basta. Ang gulo! Hindi nga nila alam kung kadugo ba ng matandang 'yon si Dylan o baka binili lang sa black market. Pero mas malaki ang porsyento na binili lang talaga sa subastahan si Dylan para paglipatan ng memory gene ni James."
"Pero bakit? Bakit hindi 'yan lumabas sa publiko?" tanong ni Dano.
"Yung ganoon kayaman? HAHAHA! Huwag mo 'kong patawanin Dano! Kagaya rin natin sila! Mga halimaw na naglalakad sa ibabaw ng lupa. Mga kumakain ng mas mababa sa kanila! Bakit ba niya ilalabas ang totoo kung puwede naman niyang bayaran ang lahat para manahimik?!" bulyaw ng matabang lalaki. Maging si Dano ay napapangiti din. Napatigil na lamang ito nang dahan-dahang mag-iba ang guhit ng mukha ng kanyang amo.
"Bakit Mauro?"
"May naalala pa ako..." tugon nito ng malumanay. Ibinaba niya ang tinidor at kutsilyo na hawak habang nagpupunas ng puting panyo sa kanyang bibig. Kumuha ito ng wine at nagsalin sa wine glass at saka uminom. Naghintay naman ng sagot si Dano.
"Noong mga panahon na kumakalat nga ang ganoong teorya...na wala namang kasing malinaw na ebidensya eh saka naman lumabas at napatunayan na hindi nga talaga si James si Dylan. Naiwan ang memory gene niya sa likod ng patay na katawan ni James. Si Dylan naman, napatunayang bago ang memory gene. Kakakabit lang talaga noong gabing 'yon. Kaya wala ding nangyari! Tangina...ang gagaling," wika ni Mauro. Umiiling-iling pa ito, tila hindi kumbinsido sa mga naganap.
"Pero siyempre walang naniniwala..."paniniguro naman ni Dano.
"Marami pa rin ang hindi naniniwala...pero iba nga kasi ang kilos ni James Ford. Mainitin ang ulo ng isang 'yon. Pero itong si Dylan? Kalmado lang...nakita mo naman. Kalmado lang siya sa harap natin. Ni hindi nga makatingin ng diretso yung hinayupak na 'yon sa 'tin HAHA!" pagpapatuloy ni Mauro. Tila lalo namang nagtaka si Dano sa kanyang mga narinig.
BINABASA MO ANG
Project: Black Out (Philippines: Year 2300 Prequel) #Wattys2016 #Trailblazers
Science FictionTaong 2202 nang maimbento ng isang siyentipiko na nagngangalang Welder Freuch ang isang aparato na kung tawagin ay memory gene. Ang aparatong ito ay tila isang hard drive device na may kakayahang i-tala ang lahat ng mga pangyayari ng isang host mula...