Chapter 1: The Chosen Few (Ang Iilang Napili)

5.4K 157 21
                                    

History will have to record that the greatest tragedy of this period of social transition was not the strident clamor of the bad people, but the appalling silence of the good people.
-Martin Luther King, Jr.


July 15, 2282 - 8:43 PM - Makati City Bidder District - 19°C

"Okay men, palibutan niyo na ang area," malumanay na utos ng isang pulis na nakasuot ng pulang armor at itim na uniporme sa kanyang mga kasamahan. Nakasuot pa ito ng isang helmet kung saan nakabukas ang kanyang flashlight na nakakabit dito. Agad namang sumunod sa kanya ang kanyang mga kasama na naka-itim na uniporme din at nakahelmet. Bitbit nila ang ilang matataas na kalibre ng baril at pinapalibutan ang isang malaking mansyon sa isang villa sa Makati, isang bidder district kung saan ang tanging mga bidders at iilang commoners lamang ang nakatira.

Nagsimula namang rumonda sa paligid ng malaking puting mansyon na iyon ang tatlong heli ship. Nakabukas ang kanilang malalakas na ilaw at tila binabantayan ang lugar upang walang makalabas sa loob ng perimeter na kanilang binabantayan.

"At nakikita po natin ngayon na pinapalibutan na ng mga pulis ang malaking bahay na ito na pinaniniwalaang pagmamay-ari ni Dylan Ford, isang mayamang negosyante ngunit pinaghihinalaang nagtatago sa pangalang Black Out."

"Talagang dinagdagan nila ang kanilang pwersa ano ho? Nako nagkandaloko na. Ang mga tao sa paligid ng bahay na ito ay nagkakagulo. May ilang nakikiusyoso at gustong makita ang totoong mukha ni Black Out."

"Ito na nga ba ang bahay ng sinasabing kriminal na si Black Out? Malalaman natin 'yan sa ilang mga sandali mga kaibigan."

"Ang kriminal na kumitil ng napakaraming bidders sa pamamagitan ng pag-black out o pagbura ng kanilang mga memorya sa kanilang mga memory gene. Matutunghayan na natin 'yan."

Nagkakagulo ang mga media sa pagcocover sa lugar na iyon. Hindi naman sila pinapalampas ng ilang mga pulis na nagtayo na ng police line gamit ang hologram technology. Tinayuan na rin nila ng mga barikada ang paligid ng bahay na iyon. Nagsimula namang dumami ang mga tao sa lugar na nakikiusyoso. Hindi nila alintana ang peligro na kanilang kinakaharap sa misyon na iyon.

Mula naman sa isang heli ship ay nagbagsakan ang apat na prototype upang sumama sa pagdakip din sa pinaghihinalaang kriminal na kumitil ng apakaraming buhay.

"Anong ginagawa ng mga 'yan dito?!" bulyaw ng pulis na tila may mataas na ranggo dahil sa kaniyang naiibang uniporme. Kulay itim ito ngunit nakasuot siya ng isang balabal na may nakaimprenta na watawat ng Pilipinas sa kanyang kaliwang dibdib. Tila napatigil naman ang mga prototype na iyon at napatingin sa kanya. Napatigil din ang ilang mga sundalo sa kanyang harapan.

"Wala tayo sa gyera! Nandito tayo para humuli ng kriminal!"

"P-pero utos po kasi ng..."

"Wala akong pakialam! Hindi natin kailangan ng mga prototype dito!" sagot naman ng pulis na iyon.

"Pero sir, masyado po siyang mapanganib, baka kailanganin natin sila!" sagot naman ng isa pang pulis.

Napakamot naman sa batok ang kanilang pinuno at napatingin sa mansyon na kanilang binabantayan. Maya-maya pa ay muli siyang tumitig sa mga kasamahan sa kanyang harapan.

"Hindi pa nga natin alam kung siya nga ang Black Out di 'ba?! ALISIN NIYO YAN SA HARAPAN KO!" galit niyang sagot. Napatigil naman ang ilang mga pulis at tumayo ng tuwid.

"O-OPO!" sagot naman nila. Muli namang napatingin ang kanilang pinuno sa mansyon na iyon at sinubukang sipatin ang mga bintana nito.

"Dylan, pambihira naman. Wala na akong magagawa sa ngayon. Pero sana, sana lang talaga...hindi ikaw si Black Out," wika niya sa kanyang sarili. Agad siyang naglakad patungo sa pinto ng mansyon na iyon nang senyasan na siya ng ilang mga tauhan na tumungo na sa loob ng malaking bahay na iyon.

Project: Black Out (Philippines: Year 2300 Prequel) #Wattys2016 #TrailblazersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon