Chapter 20: Black Propaganda

771 34 6
                                    

"We wear clothes, and speak, and create civilizations, and believe we are more than wolves. But inside us there is a word we cannot pronounce and that is who we are."
-Anthony Marra,  A Constellation of Vital Phenomena


December 23, 2280 - 8:30 PM - Makati City Bidder District - 19°C

"Matapos ng tatlong linggong pagtatago ay kinumpirma na nga ng Classified Intelligence Unit at ng NBI ang katauhan ni Black Out. Ang mga haka-haka sa kanyang pagkamatay ay natuldukan na rin sa wakas. Sa pakikipagtulungan ng AFP at PNP ay kumikilos na ngayon ang mga otoridad upang madakip...si Dylan Ford sa kasong pagpatay sa halos labing siyam na mga bidder na siya ding kilala bilang si Black Out."

"Hindi na nga makakapagtago ngayon ang tinaguriang memory eraser na si Black Out dahil pinangalanan na ng otoridad. Ang my-ari ng Ford Automotives International na gumagawa ng magagarang hover cars sa buong mundo ang itinuturing na pinakadelikadong terorista ngayon sa Pilipinas. Kinilala ng otoridad si Dylan ford bilang si Black Out. Kumikilos na ang pwersa ng militar at kapulisan upang dakpin si Dylan Ford."

Kumalat na ang balita sa buong bansa. Nagulat ang iba, napahawak sa kanilang mga bibig. Ang iba ay napatitig pa sa kanilang mga hologram TV habang tinutunghayan ang balita. Nakapaskil ang mukha ni Dylan Ford sa bawat channel ng telebisyon sa buong bansa. Ang iba ay natakot, hindi makapaniwala. Isang bidder din ang nagbubura ng mga alaala ng mga bidder. Tila inis naman ang ipinakita ng mga bidder na may katungkulan sa gobyerno at sa MEMO. Pinanood din ni Dylan ang palabas sa telebisyon. Kalmado lamang siyang nagbibihis ng kanyang coat. Pag-aalala naman ang maipipinta sa mukha ng kanyang butler na si Brigand. Inaabot niya ang mga kailangan ng binata. Isinuot din niya ang Memory Transfer Reactor na kanyang ginagamit at tinakpan ito ng gwantes.

"Handa na ako," iyon ang nasambit niya.

Pinalibutan ng mga heli ship at hover police car ang paligid ng isang puting mansyon sa Makati Bidder City District. Maraming mga tao ang nakiusyoso. Marami sa kanila ang nagagalit at ang iba ay nagpapasalamat dahil nakilala na rin sa wakas ang kawatan na nagtatago sa pangalang Black Out. Takot din ang namayani sa kanilang mga damdamin dahil hindi nila akalain na isang mayamang tagapagmana ang sinabing kawatan. Marami itong kayang gawin kung yaman ang pagbabasehan.

"Sige! Bilisan niyo!" sigaw ng isa sa mga sundalo nang makababa sila gamit ang rappel mula sa heli ship. Agad na lumuhod ang mga ito at tinutukan ng baril ang puting mansyon.

Kasama naman ni Inspector Robert Vega ang isang pulutong ng mga pulis upang pasukin ang mansyon na iyon. Siya ang personal na nakakakilala sa totoong pagkakakilanlan ni Black Out. Ang itinuring na anak ng kanyang kaibigan na si James Ford, si Dylan Ford.

Nang mahuli siya ay saka naman sumabog ang dalawang heli ship mula sa labas ng mansion. Nahagip pa ng isang heli ship ang bahagi ng mansyon na iyon. Pinaniwala ni Inspector Vega na may kaaway sa paligid ngunit ginawa niya lamang iyon para makatakas si Dylan. Sa sikretong daan ng mansyon dumaan ang binata. Iniwan niyang nakasandal sa pader ang duguan na inspektor. Binaril nito ang kanyang balikat upang magmukhang si Dylan ang gumawa noon at natakasan siya. Agad namang dinala ng mga pulis ang sugatan nilang inspektor sa hei ship upang dalhin sa ospital. Ang mga tao ay tila lalong natakot. Ang ilang mga bid naman na nakatago sa sulok ng bawat siyudad sa Pilipinas ay nakaramdam ng pinaghalong saya, pag-asa, at pangamba.

________________________

Sa loob ng madilim at makipot na eskinita ng loob ng mansyon kung saan sumiksik si Dylan ay maririnig ang ingay sa labas. Ang mga taong nagsisigawan at ang mga pulis na nagtatakbuhan ay aligaga sa nangyari. Umupo siya sa gitna ng dilim. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at nakiramdam sa paligid. Nang medyo humupa na ang tensyon ay saka siya muling naglakad. Hinawi niya ang buhok sa likod ng kanyang ulo para kahit kaunti ay makita niya ang kanyang dinadaanan gamit ang ilaw ng kanyang memory gene. Isang maliit na bakal na pinto ang nasa dulo ng kawalan na iyon. Inaagiw pa ang hawakan nito kung saan makikita ang maliit na ulo ng isang leon. Hinatak niya ang pabilog na ring at gumawa naman iyon ng ingay. Mabagl ang kanyang pagbukas ngunit nang mabuksan ang lihim na pinto ay agad bumukas ang mga ilaw sa kwarto. Napakunot na lamang siya nang noo nang makita ang loob nito. Alam niya ang mga pasikot-sikot sa mga sikretong lagusan sa loob ng mansyon na iyon pero ngayon niya lang nakita ang kwartong iyon.

Project: Black Out (Philippines: Year 2300 Prequel) #Wattys2016 #TrailblazersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon