Mankind is divided into rich and poor, into property owners and exploited; and to abstract oneself from this fundamental division; and from the antagonism between poor and rich means abstracting oneself from fundamental facts.
-Joseph Stalin
"Isang subastahan ng mga antigong gamit?" tanong ng isang lalaki habang hawak ang kanyang baril. Nakauniporme siya ng pang-guerilla at abala sa pakikipag-usap sa kanyang mga tauhan.
"Oo. Kung gusto mo siyang makita ay kailangan nating pumunta doon. 'Yon lang ang paraan para makausap siya," sagot naman ng isang babae na may mahaba at itim na buhok. Panay ang silip niya sa lente ng sniper na kanyang hawak habang nakaupo sa isang kahoy na mesa. Kitang-kita ang ganda ng hubog ng kanyang katawan dahil sa suot na itim na tights. Nakasuot naman siya ng bullet proof vest kung saan nakapalibot dito ang ilang piraso ng bala at magazine.
"Hindi tayo sigurado kung darating nga siya doon Tanya," sagot naman ng lalaki.
"Kailan mo nga ba pinaniwalaan ang sarili mong anak? Hindi ko nga alam kung anak mo nga ba talaga ako," pagmamaktol ng dalaga. Agad namang tumingin sa kanya ang lalaking iyon. Napahilamos siya ng mukha at tumabi sa kanyang anak. Tiningnan niya din ang malayong bintana mula sa kanilang puwesto. Pinagmasdan nito ang pagpatak ng mga malalaking niyebe sa labas. Tila umaagos naman ang tubig mula sa niyebe na iyon sa mga basag na piraso ng salamin sa ibaba. Umuusok naman ang mga bibig ng dalawang nagbabantay malapit sa salamin. Sinisilip nila ang labas mula sa lente ng kanilang mga sniper.
"Sir Albert!" agad namang naglakad ang isang lalaki na nakasuot ng pangsundalo. Nakatakip ang kanyang mukha ng isang itim na bandana. Agad siyang sumaludo at tumayo ng tuwid sa kanyang harapan. Sumaludo din si Albert, inilapat niya ang kanyang apat na daliri sa kanyang kilay at agad ding ibinagsak upang makapagpatuloy.
Inabot naman ng sundalong iyon ang isang hologram stick. Doon ay ipinakita niya ang isang balita na isinulat lamang sa online news magazine.
'Dr. Levine Klein in the Philippnes.To unravel the mystery of Black Out?Or to protect the bidders and MEMO Corp.?'
"Dr. Levine Klein?" wika ni Albert.
"Isa sa mga stockholder at shareholder ng MEMO. Isang engineer at pinaniniwalaang nagbigay ng pahintulot sa gobyerno ng Pilipinas para ipasok sa bansa ang memory gene. Pilipina ang asawa niya.Erlinda Klein ang pangalan. Ang ipinatatayong malaking building sa Maynila malapit sa Roxas Boulevard ay pinaniniwalaang kanila. Kung susumahin daw eh baka sa tatlong buwan na lang...tapos na ang building," paliwanag ng lalaki.
"Iyon lang ba ang nakuha niyong impormasyon?" tanong ni Albert.
"Sa pagkakaalam ko, pumunta talaga siya dito simula nang pumutok ang balitang may panibago na namang biktima si Black Out. Yung panglabing-walo.Sabi naman sa media pumunta siya dito para sa pagbubukas ng building," wika ng lalaki.Napangiti naman si Tanya at napailing. Tumayo siya at ginawa niyang tungkod ang mahabang sniper na kanyang bitbit.
"So maniniwala ka?" tanong niya sa kanyang ama. Napakunot naman ng noo si Albert habang tinititigan ang kanyang anak.
"Nabayaran na ang media simula pa lang ng pumunta siya dito. Yan ang sigurado. Wala nang totoo ngayon sa mga balita. Depende na lang kung kayang paikutin ng pera mo ang mga tao sa media," dagdag pa nito. Hindi naman nakaimik sa Albert at napatingin lang sa kanyang anak. Alam niyang may alam ito at hindi lamang niya sinasabi. Tumingin naman siya sa kasamahan na nakatayo sa kanyang harapan at tumango. Senyales na alam na niya ang nangyayari.
Tumayo naman si Albert pagkatapos noon at tumalikod sa kanyang anak. Alam naman ni Tanyw na sinusubukan nang umiwas ng ama sa kanya.
"Wala kang gagawin?Pagkakataon ang sinasayang mo, pero ikaw ang bahala. Alam kong hindi ka talaga makikinig sa akin. Anak mo nga lang naman ako. Ikaw ang pinuno ng New Order," wika ng dalaga.
BINABASA MO ANG
Project: Black Out (Philippines: Year 2300 Prequel) #Wattys2016 #Trailblazers
Science FictionTaong 2202 nang maimbento ng isang siyentipiko na nagngangalang Welder Freuch ang isang aparato na kung tawagin ay memory gene. Ang aparatong ito ay tila isang hard drive device na may kakayahang i-tala ang lahat ng mga pangyayari ng isang host mula...