"We must accept finite disappointment, but never lose infinite hope."
-Martin Luther King, Jr.
"May tatlo akong baraha, isang queen, isang king at isang jack. Ano ang pipiliin mo?" tanong ni Victor. Nakalapat sa kanyang harapan ang tatlong baraha na nakapatong sa salaming mesa. Napakamot siya ng ulo at nagtanong.
"Ano nga ba?"
"Ikaw, kung ano ang gusto mong piliin, hindi naman ako kokontra," sambit niya rin na tila kinakausap ang sarili.
"Sige. Itong jack ang pipiliin ko," sagot din niya.
"Sige. Ngayon itataob ko ang tatlong baraha. Pagpapalitin ko ah...gusto kong hanapin mo ang baraha mo."
Tinaob niya din ang mga baraha sa mesa. Pinagpalit-palit ang mga pwesto nito habang nakangiti. Nagniningning ang kanyang mga mata sa liwanag habang tila inaaliw ang sarili.
"Ta da! Ngayon hanapin mo kung nasaan ang baraha mo."
"Hmm..."
Sa isang iglap ay nagbago ang kanyang personalidad. Nagtaka siya, nag-isip habang nakapangalong baba.
"Ahh! Ito!" Tinuro niya ang isang card sa kanan at tinaob niya din ngunit napangiwi siya sa nakita.
"Ha? King?" pagtataka niya.
"Ahaha...mali ka!"
"Pero bakit?"
"Sige itaob mo ang lahat," sambit din niya. Tinaob niya nga ang dalawa pang natitirang card at nagulat siya sa nakita.
"Tatlong king? Pero paano?" tanong niya din sa sarili.
"Ahahaha...AHAHAHA!"
Tumawa siya ng malakas, kinuha niya ang tatlong baraha at hinagis sa ere. Kinuha niya din ang isa pang bungkos ng mga baraha at sinaboy sa hangin sa loob ng kwarto. Tumayo siya at tinaas ang kanyang mga kamay habang tumatawa. Ang bawat barahang bumabagsak ay unti-unting nagiging confetti sa kanyang mga mata.
____________________________
"Bali-balita nga na nagseset up na umano ng mga bomba ang pwersa ng militar upang i-trap ang rebeldeng grupo na tinatawag na New Order kasama na ang mga bid na nasa ilalim ng EDSA. Pinagtutuunan ngayon ng pansin ng Secretary of Defense maging ng pamahalaan ang mga pangyayari."
"Magdadalawang araw na ang mga rebeldeng 'yon...ang plano talaga namin eh hayaang maubos ang resources nila. Mga pagkain, tubig at iba pa. Susuko din ang mga 'yan."
"Hindi nga naging maganda ang mga pangyayari ngayong kapaskuhan. Ang kamatayan ng anak ng presidente ang nagdala sa kinauukulan na itaas na sa code red at state of emergency ang buong bansa. Bantay sarado ang lahat ng exit at entrance sa buong NCR maging sa mga malalaking siyudad gaya na lamang ng Cebu, Davao, Baguio at Palawan..."
Pinatay ni Dylan ang hologram screen na nasa harapan ng dashboard ng kanyang puting heli ship. Kasalukuyang lumilipad sa ere ang sasakyan na iyon. Hindi naman maipinta ang kanyang mukha dahil sa labis na galit. Pakiramdam niya ay niloloko siya ng mga tao sa kanyang paligid. Hindi niya alam kung dapat nga ba siyang maniwala sa kanyang mga nalaman ngunit alam niyang may bahid iyon ng katotohanan dahil alam ni Mr. Gonzales ang pangalan ni Victor Torres kahit na hindi pa man lumalabas sa media ang kanyang pangalan.
"May tanong ako..." isang boses ang agad niyang narinig mula sa communicator ng sasakyan.
"Sinungaling ka!" bulyaw niya.
"Sandali lang...magtatanong nga muna ako eh," pangungulit naman ni Victor Torres. Hindi naman umimik si Dylan na patuloy pa rin sa pagmamaneho.
"Paano ka nga ba nakaligtas mula sa pagbagsak sa mataas na gusali?"
BINABASA MO ANG
Project: Black Out (Philippines: Year 2300 Prequel) #Wattys2016 #Trailblazers
Science FictionTaong 2202 nang maimbento ng isang siyentipiko na nagngangalang Welder Freuch ang isang aparato na kung tawagin ay memory gene. Ang aparatong ito ay tila isang hard drive device na may kakayahang i-tala ang lahat ng mga pangyayari ng isang host mula...