Part 1

365 11 2
                                    

Aligaga ang nanay ni Aiah sa kanyang Condo, nagiimbak ito ng mga pagkain dahil sa paparating ba bagyo.

"Anak, bumili ako ng mga kakailanganin natin. Umuulan ulan na sa labas. Mukhang malakas ang paparating na bagyo"

Ngumiti si Aiah sa Ina, tahimik siyang naka-upo at nadidinig sa bintana ng condo niya ang pagpatak ng ulan.

"Ma, umuulan na no?" Tanong ni Aiah.

"Oo anak, may bagyo kaya buti nalang lumabas na ako ngayon. Paano nalang kapag bumaha mas mahihirapan tayo na mag imbak ng pagkain. Si papa mo nagbilin nadin satin na mag-ingat at magimbak"

"Buti naman po" sagot ni Aiah sa Ina, kinapa niya sa tabi ang pusa na si Lingling. Ngumiti si Aiah dahil dinilaan ni Ling ang kamay niya.

Maya-maya pa ay binalot na ng ulan ang kapaligiran at nadidinig ito ni Aiah mula sa bintana.

"Anak, may gusto ka ba kainin?" Tanong ng ina nito sakanya. Ngunit umiling lamang si Aiah.

Aiah Elise Monterde, 23 years old. Blind, kasalukuyan siyang nag-aaral noon sa isang sikat na Unibersidad nang hindi inaasahan ay nabulag siya gawa ng isang aksidente. May mga pumasok na bubog sa mata ng dalaga, dahilan para siya ay mabulag nang tuluyan.

Ganon pa man, nagpapasalamat si Aiah sa Ina dahil palagi itong naka-antabay sakanya. Mula Cebu, umuwi ang Ina para samahan na siya dito sa Maynila habang naiwan ang ama nito na nag-mamanage ng business nila kasama ang kapatid na si Andrew.

Madalas ay nahihirapan si Aiah mag-isa ngunit, mayroon siyang kasama sa pag-iisa kapag mag kailangan gawin na importante ang Ina. Si Lingling ang pusa ni Aiah na napulot niya sa University at kinupkop niya si Ling ay tila alam ang kalagayan ng dalaga, siya ang nag g-guide kay Aiah para makagalaw sa loob ng Condo Unit. Susundan lamang ni Aiah ang pag "meow" ni Ling at siya na makakapunta na ito sa kung saan man niya naisin. Isa pa ay, alam naman ng dalaga ang ayos ng Condo ngunit kailangan pa din niya mag-ingat gawa ng hindi na siya nakaka-kita.

"Ma, tumawag na ba yung Eye bank?" Tanong ng dalaga sa ina.

Napahinga ng malalim si Mary, hindi niya na alam pa-minsan paano pa sasabihin sa anak na wala pa balita sa pagpila nila dito.

"Anak, ganon pa din. Madami pa din kayong nakapila at isa pa, hindi naman araw araw may nagdodonate ng mata. Masama naman kung hihilingin ko na may maaksidente okaya, mamatay para madonate yung maya sayo, takot ako sa karma! Pero nak, konting tiyaga lang ha? Alam ko na makaka-kuha din tayo ng Mata para sayo" sagot ng ina at napangiti na lamang ito.

"Oo naman ma, hindi ako nawawalan ng pag-asa. Ma, tumawag ba si Maloi sainyo? Death Anniversary ni Jake bukas"

"Ah oo," sagot ng ina ni Aiah, kinuha nito ang kanyang Telepono at nagsalamin. " Eto nak, sabe ni Maloi may pa-dasal daw bukas ang pamilya at padadalhan ka daw niya ng pagkain"

"Ma? Gusto ko pumunta" sagot ni Aiah sa Ina.

"Anak, diba sabi ko naman saiyo.. wag muna? Nak, ikaw sinisisi ng magulang ni Jake sa pagkamatay niya. Alam ko wala kang kasalanan, maski si Maloi alam niyang wala kang kasalanan pero mas maigi siguro na wag na muna anak? Kasi, mahirap eh. Ayoko magka-gulo lalo na sa kalagayan mo" sagot ng Ina at siya namang kinalungkot ni Aiah.

Jake Juarez, ang nobyo ni Aiah. Nagkakilala sila sa Unibersidad na pinapasukan nila at naging mag nobyo at nobya sa loob ng tatlong taon, 4th year college sila nang masawi si Jake sa Aksidente kasama si Aiah habang si Aiah ay sinugod sa Ospital at nagtamo ng ilang galos dahil sa pangyayari na sanhi din ng pagka bulag ng dalaga.

Ang alaala ng nakaraan nila ni Jake ang tanging pinanghahawakan ni Aiah. Masaya sila, mabait na nobyo si Jake at tanggap sila ng parehas na pamilya nangako sila na sabay magtatapos at sabay din silang magkakatrabaho.

Have You Ever Seen The RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon