Asa check up si Mikha at ang kapatid na si Mikel, nang may makita siyang naka-pila na kakilala niya.
Mikha: Aiah?
Naka-upo si Aiah at ang Ina nito nang maabuta ni Mikha, napa-ngiti si Mikha at binati si Mari at pinakilala ang kapatid na si Mikel sa mag-ina. Hindi kasama ni Mikha ang Ina dahil siya ang na-atasan na magdala sa kapatid sa Doctor.
Mari: Ka-gwapong bata naman nitong kapatid mo!
Mikha: Nadinig mo ba yun Mikel? Pogi ka daw!
Mikel: Salamat po!
Aiah: Mikha, siya ba yung kapatid mo na di rin nkaka kita?
Mikha: Siya nga! Kiel, mag Hi kay Ate Aiah mo!
Mikel: Hello po, Kamusta po kayo?
Ngumiti si Aiah.
Aiah: Okay lang ako! Nice to meet you!
Mikel: Ako din po! Sabi po ni ate magand—
Hindi na natuloy ni Mikel ang sasabihin dahil tinakpan ni Mikha ang bibig nito.
Mikha: Ano... una na po kami, kasi andyan na po yata yung doctor ni kiel.
Nagpaalam na si Mikha dahil dumating na ang doctor na susuri sa kanyang kapatid. Nagpaalam siya kay Aiah at sa Ina nito.
Mikha: Kiel... wag mo sasabihin kay Aiah na kwinekwento ko siya sayo!
Mikel: Okay ate, sorry!
Nguiti lamang si Mikha sa kapatid at umiling.
Matapos ang check-up habang pauwi si Mikha at Mikel at nag-aabang ng jeep ay medyo umaambon, wala pa naman dalang payong si Mikha. Inalis niya ang sumbrelo at nilagay sa ulo ng kapatid.
Maya-maya may isang kotseng tumigil sa harap nila, pagbaba ng bintana si Maloi.
Maloi: Mikha!
Mikha: Uy, ikaw pala!
Maloi: Sakay na kayo, pauwi na ba kayo?
Mikha: Ayos lang ba?
Maloi: Oo, ipapadaan ko kayo sa driver ko, halika na at uulan na kawawa naman si Mikel.
Sumakay na sila Mikha at Mikel sa sasakyan lulan si Maloi.
Mikha: Salamat ha, nako! Tipid din to sa pamasahe!
Maloi: Wala yun ano ka ba! San kayo galing?
Mikha: Check up ni Mikel, di mo yata kasama jowa mo?
Maloi: Ha? Wala akong jowa?
Mikha: Ay, di mo ba jowa si Colet?
Maloi: BALIW! Kaibigan ko lang yun, tsaka di ko siya kasama kasi galing ako sa bahay ng isa ko na kaibigan nagpasundo lang din ako.
Mikha: Nako, dahil tuloy samin iikot pa kayo.
Maloi: Ayos lang yun, di naman kakailanganin ni mommy 'tong kotse.
Mikha: Hindi ka marunong magdrive?
Maloi: Marunong, may lisensya na nga ako kaka-kuha lang kaso..... hindi ako pinapayagan mag drive kaya lagi kaming may driver.
Mikha: Ah, okay!
Maloi: Naaksidente kasi yung kuya ko... sa pagda-drive. Kaya, ayun hindi na kami hinahayaan ni dad na kami mag drive kaya may driver kami ni mommy.
Mikha: Sorry
Maloi: Ayos lang ano ka ba, alam mo.. nagugutom ako! Kumain na ba kayo?
Mikha: Nako, di pa pamasahe lang dala namin. Sa bahay na kami kakain para tipid!
Maloi: Wag na, Samahan niyo ako kumain! My treat!
Mikha: Hindi na, nakakahiya!
Maloi: Mikel, gusto mo ba sumama sa kin?
Mikel: OPO! Gutom na din ako ate.
Maloi: See, wag ka na pumalag Mikhs! My treat!
Ngumiti si Maloi dito at wala na nagawa si Mikha kung hindi sumama sa dalaga at bumaba sila sa isang tanyag na kainan sa isang Mall. Umorder ng madaming pagkain si Maloi kahit apat lang sila kasama ang driver.
Mikha: Loi, parang ang dami yata?
Maloi: Okay lang yan, if hindi maubos ipa-take out natin!
Sinandukan ni Maloi si Mikha ng pagkain at nagpasalamat naman ito kay Maloi, habang si Mikel ay sinandukan din ng pagkain ni Maloi. Mabait at mukhang maalagain si Maloi pagtapos noon ay ang mga hindi naubos na pagkain ay pina take-out ni Maloi at pinauwi kina Mikha.
Nang makarating sa bahay, bumaba si Mikha, Mikel at Maloi sa sasakyan.
Maloi: I hope nabusog kayo.
Mikha: Oo naman! Sobra pa nga ito, may take-out pa! Salamat Maloi ha!
Maloi: Walang problema, Mikhs yung lakad sana natin sa isang araw.. tuloy yun ah?
Mikha: Oo! Ako naman taya dun!
Maloi: Kahit wag na! basta ba kitain mo lang ako, dadaanan kita dito.
Mikha: Huwag na! kahit magkita nalang tayo sa kitaan natin.
Maloi: Sige na, okay lang naman yun. Baka di mo pa ako siputin.
Mikha: Baliw! Siyempre sisiputin kita!
Maloi: Mauna na ako ha!
Mikha: Mag-iingat ka ha!
Nagpasalamat ulit si Mikha sa dalaga at umalis na ito, pinagbuksan pa ito ni Mikha ng pintuan sa kotse bago ito sumakay.
Samantala, pauwi si Aiah at ang Ina asa taxi sila nang bumuhos ang ulan.
Mari: Anak, buti maayos check-up mo ngayon. Mabuti na iyon.
Aiah: Oo nga po ma, nakita pa natin si Mikha!
Mari: Oo, ay nak! Ang gwapo nung batang kapatid ni Mikha!
Ngumiti lamang si Aiah, naalala niya ang panandalian niyang nakita ang mukha nang dalaga kahit pa hindi ito maliwanag ay batid niyang may itsura talaga ang dalaga.
Kinagabihan sa bahay nila Mikha, naghahapunan sila nang biglang may tumawag sa Ina ni Mikha. Pagbalik nito ay para itong balisa...
Mikha: Ma, ayos ka lang?
Myrla: Yung pinsan ko, patay na daw si Edwin!
David: Ha?! Eh ano daw nangyari?
Myrla: Hindi na daw bigla nagising eh...
Mikha: Kawawa naman si tito Ed!
Myrla: David...
David: Oh, ano?
Myrla: Gusto nila i-donate kay Mikel ang cornea ni Edwin...
Napatahimik si Mikha... sa hindi inaasahang pagkakataon hindi niya alam kung matutuwa ba siya or hindi. Namatayan sila ngunit, bigla silang nagkaron ng pag-asa para sa batang kapatid.
Mikel: Mama, totoo po?
Myrla: Oo anak..
Napaluha si Myrla sa saya at lungkot dahil maski siya ay hindi niya alam ang mararamdaman, tumayo si Mikha at niyakap ang Ina, tumayo din ang ama nito at niyakap ang mag-iina niya.
Bumyahe agad nang gabi na yon papunta sa Nueva Ecija, para dumalaw sa namatay na kamag-anak at para na din sa kapatid na sa unang pagkakaton matapos nag ilang taon ay nagkaron ng posibilidad na maka-kita.
Habang asa bus, nakatulog si Mikel sa balikat ni Mikha.. nakatingin sa bintana ng bus si Mikha at tinatanaw ang daan. Malakas ang kanyang loob dahil alam niyang makakalaya sa dilim nang kahapon ang kapatid.
Tumugtog bigla ang "Huwag muna tayo umuwi" nang sikat na grupo na iniidolo ni Mikha, naluha ang dalaga dahil kahit papano ay magkakaron na ng bagong pag-asa ang kapatid. Hinalikan nito ang ulo ng kapatid at inayos ang jacket nito habang mahimbing itong natutulog.