Part 19

56 8 1
                                    

Nasa isang celebratory dinner kasama ang pamilya ni Maloi si Mikha. Habang nag-iikot si Maloi para batiin ang mga bisita ay nahagip ng mga mata nito ang nobya na si Mikha na nasa isang tabi at tahimik na umiinom ng wine. Agad niya itong nilapitan.

Maloi: Hun? Kanina ka pa naka-upo, hinahanap ka ni dad kasi ipapakilala niya tayo sa mga investors.
Mikha: Oh, sorry hun! Was just thinking about dun sa potential na suspect sa pagkamatay ni Mikel.
Maloi: Let the authorities handle it.
Mikha: Wala pa ba balita kay Colet?
Maloi: If may balita, I will tell you... Come on na, mag speech na si dad.

Magkahawak sila ng kamay na pumunta sa stage upang Samahan ang magulang ni Maloi.

Tahimik silang nakikinig habang bibigay ng speech ang ama ni Maloi nang matapos ay pinakilala sila ng ama ni Maloi sa mga investors.

"Here's my only daughter Maloi, this is her fiancé Mikha she's a doctor a pediatrician to be exact. They're getting married soon!"

Napatahimik si Mikha ngunit iniabot ang kamay niya sa investors ng ama ni Maloi upang magpakilala.

Nang lumalim ang gabi ay nagpaalam na si Maloi at Mikha sa mga magulang ni Maloi, tahimik ang naging byahe pauwi at nang makarating sa bahay bago pa man sila umakyat ay kinausap ni Mikha si Maloi.

Mikha: Hun, what was that?
Maloi: What was what?
Mikha: Yung sinabi ng dad mo, fiancé? I thought we're taking our time.
Maloi: We are! Pero, hindi ba sa ganon din naman tayo mauuwi?
Mikha: Hun. It's not that I do not love the idea of marrying you. Pero, we talked about this diba? Eto na naman kasi tayo eh parang napre-pressure na naman ako.
Maloi: It just accidentally slipped dad's mouth lang siguro, don't make it a big deal
Mikha: Well, I am not making it a big deal naman. It's just that.. wala pa yun sa plano diba?
Maloi: Ano ba problema Mikhs? Yung fact na na pre-pressure ka or dahil baka wala ka naman talagang plano na pakasalan ako?
Mikha: That's not what I meant...
Maloi: Then what? Kasi, big deal nanaman 'to sayo eh when it shouldn't be hindi ba? Come on! Pinapalagpas ko yung mga side comments ng magulang ko about us not rushing because I am too patient with you. Pero, sana wag mo naman ako sisihin if that's their point of view kasi maski ako, nagtataka na sa tagal na natin eh hindi padin tayo engaged.
Mikha: You know sa simula pa lang na I have a lot of priorities, I don't know why you're suddenly having an outburst sakin not proposing to you until now.
Maloi: I did! pero napapagod din ako Mikha. I don't know if you have an idea na magpakasal sakin kasi ako, sure ako eh. Pero ikaw, whenever na brought up this topic na isang Oo at Hindi lang ang dapat na madinig ko hindi mo pa maisagot sakin. You are taking your time, pero hanggang kailan?
Mikha: Are you getting tired? Kasi kung pagod ka na, makipaghiwalay ka na! I am so tired of being pressured by your family! Palibhasa kayo, nawalan din kayo pero wala naman naging danyos sainyo eh! It's time that you realize na nasagasaan ang kuya mo dahil kasalanan niya pero ano, yung nasa tamang lane pa yung pinakulong ninyo! That's justice for you pero ako hindi ako papayag na maidaan ko sa unfair treatment ang nangyari sa kapatid ko! Walang pera ang makakapag tago ng tunay sa pangyayari!


Napatahimik lamang si Maloi at natauhan naman si Mikha sa sinabi niya...

Mikha: Hun, I didn't mean to..
Maloi: Enough! Umalis ka.. please lang.

Ngunit tumalikod na sakanya si Maloi at pumanik sa kanilang kwarto. Napahawak nalang sa noo si Mikha.

Nagdrive siya papalayo sa bahay upang pahupain muna ang away nila at ang init ng ulo. Hindi niya magawang maisip ang mga sinabi ng nobya, totoo nga naman na matagal na sila ngunit una pa lamang sinabi niya na kay Maloi na ang priority niya ay ang mahanap ang naka-patay kay Mikel. Nagpark si Mikha sa isang PUB, tahimik ang PUB ngayon bagay na ipinagpapasalamat ni Mikha.

Umupo siya sa isang bakanteng table at umorder ng alak, nakakailang shots pa lamang siya ay nakita niya ay may isa siyang boses na nadinig.

"Mikha?"

Napahinto siya at tumingin sa likuran niya, nakita niya si Aiah, naka white na dress ito at naka high heels. Umupo ito sa bakanteng upuan sa harap niya.

Aiah: I hope you don't mind me joining you?
Mikha: Actually.. I need a company now. You're just in time.
Aiah: You're here again.
Mikha: It's my safe place. You? I guess, di ka na naman makatulog?
Aiah: You got it right, actually I was at a party earlier of a close friend.. kaso, I got bored and left earlier. Alam ko naman na if go home hindi naman agad ako makakatulog.

Inabutan ni Mikha ng baso si Aiah at nag-cheers sila.

Mikha: It's stressful these days, yung kaso ni Mikel... and everything.
Aiah: Everything? Means, kasama si Maloi?
Mikha: She's the main reason..
Aiah: Oh, if you don't mind...
Mikha: I don't mind, may mga away lang kami recently siguro hindi naiiwasan talaga pero I am pressured sa family niya eh. About sa marriage, parang gusto na talaga nila na ikasal kami while I made it sure noong simula pa lang kay Maloi na ang priority ko muna ay yung pagtugis sa nakasagasa kay Mikel.
Aiah: So, that means na ayaw mo muna ikasal?
Mikha: Yes, because I'm still recovering, you know? From everything. No matter gaano na katagal natapos yun. Hindi ko maibabalik si Mikel pero mawawala yung sakit sakin kapag nabigyan ko manlang ng justice yung pagkawala ng kapatid ko.
Aiah: I understand you Mikha, pero.. don't get me wrong ha? This is all coming from a place of love, what i was about to say is because i care for you as I considered you a friend din naman. I think Maloi is getting tired nadin talaga or baka you did not set enough boundaries dun sa certain topic which is marriage kaya ganyan siya mga act out, lahat naman tayo in one point dahil mahal natin yung tao eh, we're thinking of marrying them. I know you love each other pero if may plano ka naman talaga eh sana matagal mo na ginawa? At least kahit mag propose ka lang, tsaka na yung wedding diba? Kasi you love her, she needs assurance so you give it to her.

Tahimik na nakinig si Mikha sa mga sinabi ni Aiah, napa-inom lamang ito ng Wine habang prinoprocess nito ang mga sinabi ni Aiah.

Have You Ever Seen The RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon