Tumatakbo si Mikha, nang makita ang kaibigan na si Kiel ay nagmadali itong pumunta sa kaibigan at nagtago sa likod nito.
Mikha: Andyan si Wendy.. itago mo'ko bilisan mo! Kukulitin na naman ako niyan.
Kahit natatawa ay tinago ng mga kabataan si Mikha.
Wendy: Kiel! Si Mikha? Nakita mo?
Kiel: Nako, hindi miss beautiful! Ano na naman ba balak mo sa kaibigan namin? Papakainin mo na naman ng kung ano ano! Di ka papatulan non!
Wendy: Tseh! Pag nakita mo, ipaalam mo nga na hinahanap ko siya!Nang makaalis si Wendy ay lumabas si Mikha at huminga nang malalim.
Nagmadali itong makauwi, kung saan inaantay siya ng kanyang Ina.
Myrla: Bakit ba para kang may tinataguan?
Mikha: Hindi parang ma, may tinataguan talaga ako si WENDY!Natawa ang Ina sa anak at napa-iling.
Myrla: Crush na crush ka talaga nun, kahit na alam niyang parehas kayong babae ay siyang sige pa din!
Mikha: Ma, di ko papatulan yun! Yung nanay nun nagbebenta ng turon baka mapurga ako kaka turon! Yun at yun lang palaging inaalok sa akin!
Myrla: Buti nga at inaalok ka!
Mikha: San si Mikel ma?
Myrla: Dala ng tatay mo, pinakain at inanyayahan sila sa birthdayan sa kabila.Tumaas ang dalaga at naghanda para maligo, habang kumukuha nang damit ay may nahulog sa kanyang cabinet.
Pinulot ito ni Mikha, litrato nila ng pamilya niya ito. Siya pa lamang ang anak pero hindi matandaan ni Mikha saan kuha ito. Bumaba siya at ipinakita sa Ina ang litrato.
Myrla: Ah yan ba, kuha yan sa Cebu.
Mikha: Cebu?!
Myrla: Oo, tumira tayo doon pero mga isang taon lang hanggang sa ma-punta tayo dito sa Cavite.
Mikha: Langya, grabe pala tayo. Kung saan saan tayo tumira di ko na alam ano talaga ilalagay ko na address eh.
Myrla; Eh alam mo naman kami ng tatay mo, lahat ng pwedeng trabaho noon eh talagang pinapatos namin. Lalo na, di naman ako nakatapos ng kolehiyo kaya kung saan may trabaho dun tayo!Napakamot nalang sa ulo ang dalaga at inabot ang litrato sa Ina.
Kinagabihan, matapos ang hapunan ay pataas na sana ang dalaga sa kwarto nang... bisitahin siya ni Wendy.
Wala na nagawa si Mikha kung hindi harapin ang dalaga.
Mikha: Wendy, ikaw pala!
Wendy: Iniiwasan mo ba ako?!
Mikha: Ha? Di ah! Ano lang, busy lang ako!
Wendy: Fine. May sideline na inaalok si mama sakin sayang, ikaw pa naman sana ire recommended ko.Aalis na sana si Wendy ngunit ng madinig ni Mikha ang pakay ng dalaga sa pagbisita sakanya ay pinigilan niya ito.
Mikha: 'to naman, bilis mo naman magtampo. Sige, ano ba yun?
Wendy: Babysitter, isang araw lang.
Mikha: Baby sitter?! Wala naman akong masiyadong alam diyan.
Wendy: Eh ikaw nga nag alaga sa kapatid mo dati diba? Tsaka isang araw lang 'to!
Mikha: Magkano?
Wendy: 1,500
Mikha: G! 1,500 naman pala di mo agad sinabi!
Wendy: Sige, ikaw na irerefer ko ha. Bigay ko sayo address.
Mikha: Sige, kailan ba?
Wendy: Bukas din
Mikha: Ha? Bukas agad? Eh anong oras?
Wendy: Sabi ni mama kahit nga 9am andun ka na daw kasi hanggang 5pm lang naman siguro mawawala yung magulang.
Mikha: Okay, sige! Thank you ha!
Wendy: Thank you lang?
Mikha: Anong gusto mo i kiss pa kita?
Wendy: Kung gusto mo naman...
Mikha: 'tong kamao ko, pwede ka nito halikan.
Wendy: TSEH! Tandaan mo, hahabulin mo din ako.Tumalikod na si Wendy at umalis, sumigaw naman si Mikha.
Mikha: Yang aso sa kanto, baka yan pwede pa unang humabol sayo!
Nang makaalis ang dalaga ay pumasok na sa loob ng tahanan si Mikha at nagpaalam sa magulang ukol sa inaalok ni Wendy na raket.
David: Papayagan kita diyan. Pero, pwede ba itigil mo na yung pagbabarker, pag assist ng parking? Ka-ganda mong babae sigang siga ka anak.
Mikha: Tay naman, at least kumikita ako kahit papano.
David: Dapat sayo, nagaaral hindi nagbabanat ng buto.
Mikha: Eh bakasyon naman tay!
David: Aba kahit na, baka akalain ng mga tao eh hindi ka namin kayang buhayin ng nanay mo. Kaya itigil mo na yun, yang babysitter na yan last na yan.
Mikha: Opo tay.Kinabukasan, maagang gumising si Mikha para pumunta sa address na binigay ni Wendy. Bumaba siya at kinuha ang sumbrelo, hinalikan din nito ang kapatid na kumakain.
Mikel: Ate? Saan ka punta? Aalis ka daw?
Mikha: Oo, raraket lang. Wag ka magalala may pasalubong ako sayo mamaya. Sige na, una na ako baka matraffic.
Myrla: Teka, di ka ba kakain muna?
Mikha: Nagkape na ako kanina Nay, una na po ako baka dun nalang ako kumain.Nagmano na si Mikha sa Ina at umalis na para puntahan ang kanyang raket.
Dumating si Mikha sa address na binigay ni Wendy, pumasok siya sa isang building at pumasok ng elevator. 9th floor.
Nang makarating sa floor na sinasabi ni Mikha ay tinawagan niya ang numero na binigay ni Wendy. Maya-maya, lumabas ang isang ginang at pumunta naman si Mikha sa ginang.
Mari: Ikaw ba si Mikha?
Tumango naman ang dalaga.
Mikha: Opo.
Mari: Halika, pasok ka!Pumasok si Mikha sa isang malinis, at may kalakihan na Condo.
Mari: Kumain ka naba? Eto naghanda ako ng breakfast.
Mikha: Nako, di pa nga po. Salamat po ah.Umupo si Mikha sa dining table at inalis ang bag niya.
Mari: Buti naman ay sumulpot ka. Iha, ngayon ko lang kasi maiiwan ng matagal ang anak ko, hindi naman siya alagain na pero kailangan ko kasi ng mag-aalalay sakanya.
Mikha: Wala po problema.
Mari: Inihanda ko na mga pagkain ninyo, iinitin nalang kapag gusto niyong mainit. Ang anak ko, mamaya pa yan gigising nasabi ko naman na may mag titingin-tingin sakanya ngayon. May inaasikaso lang kasi ako talaga.
Mikha: Ah wala po problema, ilang taon na po ba anak ninyo? Wag po kayo mag-alala may experience naman po ako sa pag-aalaga ng bata.
Mari: Ha?
Mikha: Diba po bata aalagaan ko?Natawa si Mari sa dalaga at nagtaka naman si Mikha.
Mari: Iha, 23 years old na anak ko.
Nagulat si Mikha at sa isip niya... minumura na niya si Wendy.
Mari: Iha, hindi ba nasabi ni Mareng Yvette sayo?
Mikha: Ah, si Wendy po kasi ang nagsabi yung anak niya. Pero, kung malaki naman na po eh walang problema!
Mari: Actually, meron. Bulag ang anak ko iha, kailangan ko lang nang may magtitingin sakanya kasi madalas yun kahit hindi nakaka-kita nagkikilos kilos padin eh ngayon, kailangan ko umalis talaga at baka gabihin ako pero susubukan ko agahan makauwi. Dadagdagan ko nalang ang bigay ko saiyo kapag ginabi ako.
Mikha: Nako, di na po kailangan! Wala po problema sakin.Ngumiti ang ginang sakanya, nang matapos kumain ay lumabas saglit si Mikha para tawagan si Wendy.
Mikha: Hello!
Wendy: Oh, nyare na?
Mikha: Walanghiya ka! 23 years old na pala 'to!
Wendy: AY? Seryoso ba? Eh kasi sabi ni mama magbabantay so, inassume ko bata.
Mikha: Buti nalang, may experience ako sa pag babantay ng bulag!
Wendy: Oh, edi para saiyo nga yan! Okay lang yan, alalayan mo lang naman tsaka bayad ka pa.
Mikha: Sa susunod, di na ako basta basta maniniwala sayo!Matapos kausapin si Wendy sa telepono, naghanda na ang ginang para umalis. Nagbilin pa ulit to kay Mikha ng mga dapat gawin at hindi dapat gawin, Sinabihan din si Mikha na may pusa ang dalaga at inihanda din ng ginang ang pagkain ng pusa.
Mari: Oh paano, una na ako iha ha? Naibigay ko naman na yung number ko saiyo. Kapag may kailangan kayo, or ang anak ko sabihan mo agad ako.
Mikha: Ako na po bahala, ano po pala pangalan ng anak ninyo?
Mari: Ah.. si AIAH.