Tahimik na kumakain ang Pamilya Vergara nang dumating si Colet, nag-mano agad ito sa ama at ina at tumabi sa kapatid na si Carl.
Jon: San ka galing? Ginabi ka yata?
Colet: May inayos lang po para sa outreach program
Jon: Dapat ang inaayos mo ay ang pag-aaral mo, di ka gumaya kay Carl na best in Thesis. Ikaw pa naman ang nakakatanda.
Tumayo si Colet sa hapagkainan at kinuha ang bag.
Jon: Saan ka pupunta?
Colet: Wala na po akong gana, una na po ako sa kwarto.
Kung may isang bagay na ayaw si Colet, yun ay ang cinocompare siya sa ibang tao lalo na sa kapatid niya. Magka-iba sila ng field ng kapatid pero, parehas silang pinag-cocompare lagi ng ama.
Sa inis ni Colet, lumabas siya ng bahay ulit ng walang paalam at tinawagan ang kaibigan na si Maloi. Ngunit hindi ito sumasagot, huminto si Colet dahil sa stop light, nang biglang masagi ng taxi ang ang kanyang kotse.
Bumaba si Colet sa kanyang sasakyan pati na din ang taxi driver.
Colet: Manong naman! Di kayo nag-iingat!
Taxi driver: Ma'm pasensya na, eh kasi may sira yata taxi ko... hinahigblood yung sakay ko nagmamadali kami pa ospital. Nataranta ako mam, kailangan ko kasi silang ilipat ng taxi.
Tinignan ni Colet ang pasahero nang sinasabing taxi, isang mag-ina at isang bata.
Colet: Sige na, ayos lang.
Taxi driver: Salamat mam!
Sumakay na siya ng kotse nang biglang tumawag si Maloi, agad naman niya itong sinagot at pinuntahan sa address na binigay nito.
Pagkababa niya sa isang open area na kainan, naka-upo si Maloi doon at nakapalumbaba.
Colet: Nyare sayo?
Maloi: Hindi natuloy alis namin ni Mikha, she went sa province nila namatayan daw sila.
Colet: Oh, ano gagawin ko naman ngayon?
Maloi: Sasamahan mo'ko, alangan pabayaan mo'ko mag isa?!
Ngumiti nalang si Colet, kahit anong mangyari ay hindi niya magawang magalit sa dalaga.
Samantala, naka-admit na si Mikel sa ospital. Si Mikha at ang ama niya ang bantay ng bunsong kapatid.
Mikha: Kinakabahan ka ba, kiel?
Mikel: Hindi ate, kasi kapag nakaka kita na ako sabi ni nanay, makakapag-aral na ako.
Ngumiti si Mikha sa kapatid at hinawakan ang kamay nito.
Mikha: Basta, andito lang ako ha?
Mikel: Oo ate!
Nakatulog na si Mikel at nagpapahinga na din ang ama ni Mikha bumuhos ang malakas na ulan at nakatulog nadin ang dalaga.
Kinabukasan, maagang inihanda si Kiel para sa operasyon at maaga din nag ayos si Mikha at ang ama niya. Pinabaunan ni David ng rosaryo ang anak bago ito pumasok sa operating room. Nang maipasok na si Kiel ay inakbayan niya ang anak na si Mikha.. umaasa sila na sa susunod na oras ay maging matagumpay ang operasyon at maka-kita na ang bata.
Sa Condo naman nila Aiah, matiyagang nagfifill-out ng form ang Ina ni Aiah habang si Aiah ay hihimas lamang si Ling ling na panay ang "Meow".
Aiah: Nagugutom ka ba Ling?
Mari: Kaka-pakain ko pa lamang diyan! Napaka-taba mo na Ling!
Ngumiti si Aiah, nang matagpuan niya si Ling ay payat na payat ito at si Jake ang paborito nitong kalaro. Hindi maalis sa dalaga ang pagiisip sa dating nobyo, bawat galaw niya ay naalala niya ito lalo na at isang taon man ang nakalipas ngunit, gabi gabi siyang dinadalaw ng lungkot at memorya nang mga nakaraan na pangyayari.
Masakit mawalan ng taong minamahal pero wala nang mas sasakit pa sa hindi mo ito makasama, kahit sa huling pagkakataon lamang. Ang bakas ng sakit na binigay nang aksidente ay habang buhay na dala-dala ni Aiah. Minsan, napapaisip na siya na sana siya din ay Nawala na lamang ngunit alam niyang may purpose pa ang kanyang buhay kaya siya andito pa.
Naging sandalan niya ang Ina at kamakailan lang, ang bagong kaibigan na si Mikha. Naalala ni Aiah na naaninag niya kahit papano ang itsura ng dalaga, talaga nga naman na may itsura ito base sa pag-aninag ni Aiah, kahit na hindi gaano malinaw.
Masaya siya sa mga kaunting pag asa na naibibigay sakanya ngunit sa totoo lang, nasasaktan siya dahil hindi niya alam kung kailan lamang ulit siya makaka-aninag. Kahit gustuhin niyang sabihin ito sa Ina ay di niya magawa dahil ayaw niyang umasa ang Ina sa wala, maaring response lang yun ng katawan niya pag nagugulat pero walang scientific research na makakapag explain sa dinadanas niya.
Hindi maalis ni Aiah ang pag-aalala dahil alam niyang sa oras na maramdaman niya ulit ito, hindi niya alam kung hanggang ilang Segundo lamang magtatagal. Gusto niya ulit sana maaninag si Mikha dahil para bang may nagsasabi na kailangan niyang makita or makilala ang dalaga.
Aiah: Ma?
Mari: Oh?
Aiah: Ma, si Mikha... may balita kaba sakanya?
Mari: Ang huling kita namin eh nung nakausap natin siya sa ospital, wala pa nak eh. Hayaan mo, next week kasi aalis ulit ako baka ipasuyo na muna ulit kita.
Aiah: Sige po.
Mari: Magaan loob mo sakanya?
Aiah: Opo, mabait yung bata at bukod sa may experience sa pag alalay sa mga katulad ko. Masaya din kausap, nalilibang ako.
Mari: Mabuti naman kung ganoon, sabi ko naman sayo lumabas-labas tayo pa-minsan aalalayan naman kita.
Aiah: Next time ma, sa ngayon masaya muna ako na may bagong kaibigan akong nakilala.
Samantala, matapos ang ilang oras ay nakatulog si Mikha sa upuan sa hallway ng ospital. Naalimpungatan siya nang lumabas ang Doctor na gumawa ng procedure para kay Kiel.
"Ligtas na po siya, okay naman po ang operasyon."
Napa-ngiti si Mikha at napa-yakap sa Ama sa sobrang galak, hindi niya lubos akalain na darating ang araw na makaka-kita ang kapatid.
Matapos ang ilang araw, dumating na ang pinakaiintay nila.. ang alisin ang mga piring sa mata ni Kiel.
Doctor: Kiel, dahan-dahan mo imulat yung mata mo.
Sumunod ang bata, pagkamulat niya ay nakita niya ang pamilya na matiyagang nagiintay sakanya.
Mikha: Kiel, kita mo'ko?
Mikel: Opo.. ate Mikha? Ikaw ba yan?!
Mikha: OO!
Halos maiyak sa tuwa si Myrla at David, nakaka-kita na ang bunso nila! Napa-luha din si Mikha sa pagpapasalamat.
Pagkabalik sa Maynila, agad silang sinalubong ng mga kaptibahay. Nagpakain si David at nag pa-inom. Umattend din sila ng Misa nung kinaumagahan bilang pasasalamat.
Tahimik si Mikel na nagkukulay sa coloring book, madami-dami pa din ang bisita sa bahay nila.
Mikha: Bakit hindi ka nakikihalubilo sakanila?
Mikel: Napapagod na ako ate, ganito pala karami kapag may handaan. Dati kasi puro ingay lang nadidinig ko.
Mikha: Ganon talaga.
Napansin ni Mikha ang mga school supplies na regalo ng pamilya ng kaibigan na si Jhoanna.
Mikha: Aba, ready ka na sa school ah!
Mikhel: Opo ate, matagal-tagal pa pero.. naeexcite ako!
Mikha: Mabuti yan! Masaya ako na makakapasok ka na sa tunay na paaralan.
Niyakap ni Mikha ang kapatid, lubos padin ang pasasalamat niya sa Panginoon na naging matagumpay ang operasyon. Bumaba si Mikha at nagulat siya nang... may bumisita si MALOI.
Maloi: Hey, sorry! Nasabi kasi ng mga kapitbahay mo nung nag turo kami dito habang asa province kayo na pauwi na din daw kayo. Sakto pala dating ko, andito na kayo.
Iniabot ni Maloi ang Cake kay Mikha.
Mikha: Oo, nako sana hindi ka na nag-abala pa! Itext palang sana kita na pwede na tayo magkita, pero buti andito kana! Halika, kain tayo!
Maloi: Okay lang, salamat!
Inalalayan ni Mikha si Maloi at ipinakilala sa magulang, kinantsawan naman agad ito ng ama kaya nahiya ang dalaga.
Bumaba si Mikel at niyakap ito ni Maloi, masaya siya na nakaka-kita na ang bata.
Mikel: Maganda ka po pala, teacher loi!
Maloi: Nako, bolero ka pala kiel!
Mikha: Maganda ka naman talaga ah!
Maloi: Magkapatid nga kayo! Parehas kayo mambola!
Ngumiti lamang si Mikha at inabutan ng pagkain si Maloi, sa labas naman ng bahay habang nagkakasayahan at asa loob ng kotse si Colet na sinundan ang kotse na lulan si Maloi, aayain niya sana ang kaibigan lumabas dahil sa inis pa din sa Ama, ilang weeks niya silang di nagkikibuan ng ama sa bahay.. pero, nakita ni Colet na kay Mikha pumunta ang dalaga. Nagpasya nalang siya na umalis at humanap ng ibang makakasama.