Nakangiti si Mikha sa labas ng kwarto ni Mikel. Tinitignan niya ang kapatid habang ito ay nakasuot na ng kanyang uniporme papasok.
Mikel: Ate, gwapo na ba?
Mikha: Naman!Lumapit si Mikha at isinuot ang bag sa kapatid.
Mikha: Tandaan mo, ako ang susundo sayo mamayang hapon. Sa gate kita aantayin, wag mo tagalan ha?
Mikel: Opo ate.Niyakap ni Mikha ang kapatid nang sobrang higpit.
Mikel: Ate! Di ako makahinga!
Ngumiti si Mikha at pinakawalan ang kapatid sa pagkakayakap niya.
Hindi mawari ni Mikha ang saya na nararamdaman niya. First day ni Mikel sa elementary kaya sobra ang saya niya, simula nang makakita ito ang una at huling sambit lagi nito ay ang pag-aaral.
Nadinig nila na bukas na ang trycicle ng ama kaya bumaba sila at pinasakay na ni Mikha ang kapatid sa trycicle. Masaya silang nakatanaw ng Ina na halos maluha pa sa first day ni Mikel sa elementary ani moy graduation na.
Naging maayos ang takbo ng araw ni Mikha, inaantay lamang niya ang uwian ni Mikel. At nang dumating na ang 1pm ay lumakad na siya papunta sa eskwelahan ng bata.
Sa harap ng gate ng eskwelahan, naka cap si Mikha dahil sa init ay matiyaga niyang inaantay si Mikel. Labasan na nang mga bata kaya habang umiinom ng soft drinks ay matiyaga niyang tinatanaw ang bawat bata na papunta.
Nang makita niya ang kapatid, tinaas agad niya ang kamay niya at sinigaw ang pangalan nito.
Mikha: Kiel!
Nang makita siya ng bata ay agad agad itong naglakad, tumawid si Kiel ngunit... may isang kotse na biglang sumulpot... bago pa man maka pag react si Mikha, nag-slowmo ang paligid niya, nagulat siya sa mga hiyawan ng mga tao at nabitawan ang coke na iniinom.
"Kieeeellllll!"
Sigaw ni Mikha, agad agad siyang pumunta sa kapatid na ngayon ay naka handusay sa sahig. Nagtulong tulong ang mga tao para isakay sila sa isang tricycle at tinanaw ni Mikha ang kotse ngunit, mabilis ito at hindi na sila hinintuan, may mga humabol naman dito.
Umiiyak si Mikha habang hawak ang duguan na kapatid sa kamay.
Mikha: Kiel, wag ka susuko! Andito ako! Kuya, kuya! Bilisan po ninyo!
Ani niya sa tricycle driver para magmadali, wala pang trenta minutos ay dinala niya si Mikel sa ospital kung saan agad sila inalalayan ng nga nurse.
Hindi na siya hinayaan na makapasok pa sa Operating room. Halos manghina si Mikha na may mga dugo pa sa katawan sa pagkakabuhat sa kapatid, hindi niya lubos maisip na ganito hahantong ang first day ni Mikel.
Samantala, dumating naman ang kanyang magulang na lumuluha nang madinig ang kinahinatnan ng anak.
David: Asan ang kapatid mo?!
Mikha: Asa loob pa po!Niyakap ni David ang anak, at ang asawa na si Myrla sa pag-asang magiging maayos ang lahat. Lumabas ang doctor.
Doctor: Sir, sorry.. we tried everything pero, malala po naging impact nang pagkabangga sakanya. Naapektuhan po yung ribs niya na tumusok sa puso niya.. I'm sorry, we couldn't save him.
Halos mahimatay si Myrla sa nadinig, habang napa-upo unti-unti si Mikha.
Wala na si Mikel, ang masaya sanang bagong buhay na binigay sa kapatid ay wala na. Naglaho ang mga pangarap ni Mikha, sa isang iglap ay nawala si Mikel sa kanila.
Kinahapunan, inaayos ng mga magulang ni Mikha ang pagtransfer sa bangkay ni Mikel sa morgue. Lumapit si Myrla sa anak na tulala.
Myrla: Anak...
Mikha: Ma... kasalanan ko, dapat lumapit ako sakanya, hindi ko siya hinayaang tumawid magisa.
Myrla: Anak, hindi mo kasalanan. Kung mayroon man na may kasalanan dito, yun ay ang driver dahil tawiran iyon ng mga bata anak.Napatulo ang luha ni Mikha at humagulgol sa ina. Nang makahinahon, lumapit si David sa mag-ina.
David: Anak, hindi mo kasalanan. Eto ang binigay ng Diyos, maiksi ang buhay... masakit pero, wala tayong magagawa.
Mikha: Pano na ho? Habang buhay ko dadalhin ang sakit.
David: Anak, wag mo sisihin ang sarili mo.Lumapit ang Doctor at kinausap sila ukol kay Mikel, agad naman tumugon si ang Pamilya ni Mikha sa Doctor.
Kinabukasan, iba ang ulan na nararamdaman ni Aiah. Kung dati ay masaya siya sa ulan ngayon ay parang may ibang pakiramdam siyang nararamdaman sa ulan na bumabagsak mula sa langit.
Tahimik sa Condo niya, wari niya ay tulog ang ina habang siya ay nasa kwarto niya at hinihimas lamang si Lingling na nasa binti niya.
Biglang nagring ang telepono ng ina ni Aiah, nagulat ang dslaga at sinagot naman ito ni Mari. Ilang minuto ang pag-uusap na hindi naman gaano madinig ni Aiah, nagulat siya nang pumunta ang ina na sa kwarto niya na halos paiyak na.
Mari: Aiah! Anak! May cornea na! Makaka-kita ka na!
Aiah: Po? Totoo po?
Mari: Oo anak! Makaka-kita ka na!
Aiah: Ma!! Wag mo'ko jinojoke!
Mari: Hindi anak! Totoo ito! Anak, makaka kita ka na! Hinahanda na ang kakailanganin para sa operasyon mo! Anak, makaka kita kana!Naramdaman ni Aiah ang higpit nang yakap ng Ina sakanya. Pero, bakit parang iba ang pakiramdam ni Aiah? Parang hindi siya gaanong masaya. Parang may kakaibang pakiramdam siya.
Ngunit ganon pa man, masaya siya na makaka-kita na siya. Hindi niya kahit kailan maiisip na darating ang araw na ito para sakanya, na makakalabas siya sa dilim.
Nang mag gabi ay nagready na si Aiah at natulog na, isang panaginip ang dumalaw sakanya.
Nakita niya ang sarili na hinahabol si Jake, sinisigaw niya ang pangalan ng nobyo. Ngunit hindi siya nito nililingon, biglang huminto si Jake. Lalapit na sana si Aiah nang biglang may isang bata ang lumapit kay Jake, hinawakan niya ang kamay ni Jake at naglakad sila ulit.
Hinabol ulit sila ni Aiah ngunit parang hindi niya ito mahabol kahit anong bilis niya. Kahit anong lakas ang boses ni Aiah, hindi din siya nililingon ng nobyo.
Nagising si Aiah habang inaalog siya para magisig, halos hindi niya mawari kung totoo ba ang panaginip niya o hindi. Pawis na pawis siya.
Mari: Anak, ano nangyayari?
Aiah: Ma, napaginipan ko po si Jake!
Mari: Oo, sinisigaw mo ang pangalan niya, anak! Ayos ka lang ba?
Aiah: Masamang panaginip lang ma.Inabot ni Mari ang isang basong tubig kay Aiah. At pinunasan ang pawis nito, sa unang pagkakataon ay nakaramdam ng takot si Aiah sa panaginip, hindi niya lubos maisip ang dahilan ng kanyang panaginip para bang may pahiwatig sakanya na hindi niya malaman.
At nang gabi na iyon, hindi na nakatulog pa si Aiah at gising na siya habang umaga.