"Ready na ako" Ang tanging nasambit ni Colet habang naka-tingin sa salamin.
" Kailangan na malaman ni Maloi ang tunay ko na nararamdaman sakanya, after all. Matagal ko na inintay 'tong pagkakataon na ito" Ani ni Colet sa sarili.
Umalis si Colet at nag drive papunta sa bilihan ng bulaklak, nagpagawa siya ng isa bouquet para kay Maloi, masaya niyang kinuha ito at pinagmasdan. Binigay niya ang bayad sa nagtitinda at nagbigay pa ito ng tip.
Malakas ang tugtog sa kotse ni Colet, katabi niya ang bulaklak na ibibigay para kay Maloi. Nang makarating ito sa meeting place nila ay nagpark ito agad at huminga nang malalim.. Kinuha niya ang bouquet at bumaba ng sasakyan.
"Reservation under Miss, Maloi? " Ani nito sa Waiter.. "Yes ma'm this way po" sagot ng waiter kay Colet. Pagpasok niya ay kumaway agad si Maloi sakanya, ngunit nakita niya na kasama nito si Mikha. Ganon pa man ay dumiretso si Colet sa lamesa kung saan nagiintay si Mikha at Maloi.
Maloi: Colet, tagal mo!
Colet: Ha? Maaga ako! I mean, sakto lang sa oras na sinabi mo.
Maloi: Kanino yang bulaklak? May nililigawan ka na no?
Colet: Ha... Ah..
Maloi: By the way! Si Mikha sinama ko siya ah? Cole, si Mikha.. girlfriend ko na! kami na!
Ngumiti si Maloi kay Mikha na hinawakan naman ang kamay nito.
Mikha: Kami din pala ang magkakatuluyan! Nako, Colet. Kapag matigas ulo nito at wala ako sa tabi niya ikaw pagkakatiwalaan ko ah!
Napangiti si Colet nang sapilitan... Aamin na sana siya kay Maloi nang tunay na nararamdaman.
Maloi: Cole, kanino yung flower?
Colet: Ah. Eto, sa ka-date ko.. mamaya! After nitong lakad natin.
Maloi: Sino bat di ko kilala?
Colet: Tsaka na! kapag sinagot na ako..
Maloi: Sus!
Ngumiti lang nang tahimik si Colet at umorder na sila ng pagkain. Hindi niya alam kung gusto niya na ba umalis sa restaurant kaya minadali niya kumain at nagpaalam kina Maloi at Mikha para sa kunyaring "date" niya. Paglabas ng restaurant ay nagdrive na siya papalayo, nang maka kita ng basurahan ay tinapon niya na ang bulaklak na para sana kay Maloi.
Sa kasalukuyang panahon, naka-park si Colet sa isang tagong lugar. Hindi matigil ang luha nito at tulala lamang nang tumunog ang kanyang telepono.
Colet: Hello, Kamusta siya?!
Natahimik si Colet at dahan-dahan niyang ibinaba ang cellphone... wala na si Maloi at ang mahirap pa doon. Siya ang nakabaril dito, hindi ito matanggap ni Colet kaya inuntog niya ang ulo sa manibela ng kotse nang paulit-ulit at naalala niya ang usapan nila bago ito mawala, kung saan ay sasamahan siya ni maloi magtago kahit saan pa na lupalop nang mundo. Ngunit, dahil sa nangyari ay hindi na ito possible, lalong lumaki ang galit ni Colet kay Mikha at sinigurado nito na hindi niya papalagpasin ang nangyari.
Sa ospital, tahimik na ginagamot si Mikha ng mga nurse habang si Aiah ay nasa labas at kausap sa telepono ang ina niya. Nang ibaba niya ang telepono, nakita niya ang mga magulang ni Maloi.
Pupuntahan sana niya ito, ngunit umiwas na ito ng daan kaya hindi niya na hinabol. Pumasok siya sa loob upang i-check si Mikha na tulala lamang.
Aiah: Mikha, how are you?
Mikha: Ai, totoo ba 'to?
Aiah: Mikha.. I'm sorry.
Mikha: No, wala ka dapat ika-sorry. You just did the right thing.
Aiah: When Maloi called and told me na hawak ka nila, I panicked lahat ng trauma na na-overcome ko bumalik... I was so afraid, ang alam ko lang kailangan kita puntahan at I need you alive. Kahit na sinabi ni Maloi na walang pulis eh kinailangan ko tumawag. Hindi ko alam sino ang tunay na kalaban.
Hinawakan ni Mikha ang kamay ng dalaga upang mapa-kalma ito.
Mikha: I understand, and you don't have to feel bad about doing the right thing.
Aiah: Nawalan na naman sila ng anak... first si Jake now si Maloi.
Niyakap ni Mikha ang dalaga dahil bahagyang tumulo ang luha nito sa pagalala ng pagkamatay ni Maloi.
Mikha: I will make Colet pay for this!
Aiah: Mikha, please now we know kung ano ang capable niyang gawin.
Mikha: I need justice.. hindi lang para kay Mikel kung hindi para kay Maloi na din.
Magkahawak kamay silang lumabas ng ospital, dama padin ni Mikha ang takot sa katawan ni Aiah kaya nang sumakay sila ng kotse ay sinigurado niyang hawak-hawak nito ang kamay nang dalaga. Bumubuhos ang malakas na ulan, ngunit naging mabilis ang byahe nila Mikha at Aiah. Nang makarating sila sa Condo ni Aiah.
Bago pa man sila makapasok sa pinto, niyakap ni Mikha si Aiah.
Mikha: Everything will be okay... I promise Ai.
Aiah: Sana nga..
Tahimik na natutulog si Aiah habang pinagmamasdan ito ni Mikha na hindi naman makatulog. Inayos niya ang kumot ng dalaga at sinigurado na hindi ito nalalamigan.
Masakit padin ang nararamdaman ni Mikha dahil sa mga natamong sugat, ngunit wala nang mas Sasakit pa sa pagkawala ni Maloi. Maya-maya ay nag ring ang telepono ni Mikha at sinagot niya ito.
Uknown number:
Mikha: Hello?
Colet: Masaya ka na ba?
Mikha: COLET?! Asan ka! Magpakita ka! Panagutan mo ang ginawa mo kay Maloi!
Colet: HINDI DAPAT SI MALOI ANG PINAGLALAMAYAN NGAYON KUNG HINDI IKAW!
Mikha: Colet, sa tingin mo masaya si Maloi sa mga nangyayari?! Sumuko ka na!
Colet: Hindi! Humanda ka Gonzales, simula palang to!
Mikha: Naka-handa ako Colet, sinasabi ko sayo wag na wag mo gagalawin si Aiah kung hindi ako mismo ang hahanap sayo.
Colet: Paunahan nalang tayo Mikha, pasensya kana iginaganti ko lang din ang babaeng mahal ko.
Mikha: na pinatay mo!
Colet: Hindi nga dapat siya yon!
Mikha: Pwes, gagawin ko din ang lahat para protektahan si Aiah! Sinisigurado ko na kahit kailan at kahit saan yan. Handa ako na kalabanin ka, hindi nalang to para kay Aiah! Para kay Mikel at Maloi na pinatay mo!
Colet: Tanga ka talaga! Hindi ako ang pumatay at nakasagasa kay Mikel!
Mikha: Ano?! Sino! Nagpapalusot ka pa!
Colet:.... Si Maloi.
Mikha: Gago ka ba? Ngayon isisisi mo sa patay ang kasalanan mo!
Colet: Ayaw mo maniwala? Puntahan mo tatay niya, tanungin mo pano nagkampihan ang mga tatay namin para maitago ang katotohanan na aksidenteng nabangga ni Maloi si Mikel.
Mikha: Hayop ka!
Colet: Lahat ginawa ko para pagtakpan si Maloi, pero sa huli, ikaw pa rin ang pinili niya. Pwes, magsama na kaming dalawa sa impyerno! Basta igaganti ko siya! Humanda ka Mikha!
Sabay binaba ni Colet ang telepono, halos sasabog ang ulo ni Mikha... si Maloi ang nakasagasa kay Mikel?