Aiah's POV.
I was standing at the corner of Mikha's clinic, just watching her being those kids warm my heart.
I used to dream about having a perfect family. It was with Jake, si jake yung unang taong minahal ko and i promised to him that he'll be the last. We created a perfect future.. a future with him. But i guess, God really had a better plan for me.
I couldn't help to recall the conversation that I had with my mom last night.
"Anak, pwede magtanong? She asked and i nodded.
"Anak, paano ka.. hindi ako against kay Mikha ha? Okay naman sakin yung tao pero gusto ko lang iask.. paano kapag matanda ka na? Wala kang anak.. pwede ka mag ampon pero, iba kapag nangaling sayo. Ayoko lang magisa ka."
Nanahimik ako saglit, i thought of this long ago. Yung sasabihin ni mama.. yung iniisip niya. It's not that she's homophobic pero, i know na ganto ang reaction niya kasi first time ko lang naman to and besides i was with a guy for almost years of my life.
"Ma" i said, she was waiting for me patiently. So i cleared my throat before speaking again. "Ma, alam ko po na iniisip niyo yung kapakanan ko. I know na bago lang sainyo lahat nang ito, i know that you feel weird at times and i know na nagdadalawang isip kayo minsan. Pero, masaya po ako dito ma, si Mikha po talaga yung nagpapasaya sakin dun naman po sa pagkakaron ng anak. May mga technology na po tayo na pwedeng makapag produce ng baby through IVF, pero ma masiyado pang maaga para don in fact, we're just taking it slowly ma, at kapag dumating yung araw na tumanda na ako wag kayo magalala na wala akong makakasama. I have Mikha with me."
Ngumiti lang si Mama at niyakap ako.
"As long as masaya ka nak, ikaw lang naman ang concern ko dito." She said and i smiled " Ma, wala kang dapat ika-bahala, kaya ng anak mo'to!" She laughed.
I couldn't help but not to think about the future i will have with Mikha. I'm imaging things... good things, we're taking things slow pero i am already thinking about this stuff. Pero, i keep it within myself lang kasi ayoko siya ma pressure.
"Ready to go?" Nadinig ko si Mikha and i just smiled, i nodded and hinawakan niya ang kamay ko papa labas ng clinic niya. "San tayo pupunta ba?" She smiled at my question, ang ganda.. ang ganda ganda ng mga ngiti ni Mikha. I loved it, every detail of her face. I loved it, all of it.
"Secret, just follow me lang" umirap ako pakunyare, she insisted we have a date dahil katatapos lang mga hearing sa kaso ni Mikel. She said she wanted a breather and hindi na healthy na puro buildings ang nakikita niya, i took a day off sa work din para samahan siya sa mga gagawin niya. While she was driving the car, she was telling stories sa balak niyang pag papa expand ng clinic niya. Iba aura ni Mikha these days, kahit na tiring yung mga hearings and etc nagagampanan niya lahat ng maayos yun.
"You look happy, it suits you" i said and she just smiled. "bakit kaya?" She answered playfully and i just smiled at her. "You're with me Aiah, sinong di sasaya?" Damn, smooth.
After 2 hours drive bumaba kami sa isang parang lumang bahay pero maganda parin ito. Matibay ang pundasyon kahit na parang luma na ang istraktura. Inalalayan ako ni Mikha papasok, sinalubong kami ng isang babaeng matanda may katandaan na ito at medyo kahawig ng mama ni Mikha.
"Lola, mano po. Si Aiah po pala!" Nagmano si Mikha at ngumiti ang matanda, nagmano din naman ako. "Kanina ko pa kayo inaantay, halika na at sumalo!" Nang matapos kami kumain umakyat kami sa isang kwarto, makaluma ang istraktura nang bahay ngunit maganda. Para kang nagtime travel sa nakaraan.
"Hindi mo sinabi na may bahay pala kayo sa laguna?" Tanong ko kay Mikha na binababa ang mga gamit namin. "Ancestor's house na 'to parang ilang taon na nakatayo, dito ako nagpapahinga noong napapagod ako talaga sa lahat. Kaso, di ako nagtatagal kasi nga si Maloi palagi ako pinapauwi agad." She answered. "Dito ko talaga naisipan, papakilala nadin kasi kita kay Mamang, nanay ni mama matagal na noong huling nakadalaw kami. Tsaka may sakit si lola ha? May pagka bingi siya." Agad naman akong tumango at nagpahinga na kame. Kailangan din to ni Mikha totoo nga naman, nakakapagod din kasi talaga yung mga pangyayari buti nalang, hindi gasinong nagpapaapekto si Mikha pero alam ko napapagod siya.
Kinabukasan, maaga nagising si Mikha dahil pag gising ko ng bandang alas otso, wala na siya sa tabi ko. Bumaba ako matapos mag hilamos at mag ayos ng sarili at nakita ko si Lola Kara na naghihimay ng mga dahon dahon sa lamesa. Agad akong lumapit para tumulong.
"Lola, tulungan ko na po kayo" tumingin ito sakin "Gising ka na pala, Si Mikha ay nagtungo lamang sa bayan saglit at bumili ng mga gagamitin ninyo sa mga susunod na araw at hinabilin na kumain ka na." Sagot naman niya "Ay, okay lang po. Tulungan kona po kayo riyan" tumawa ito at sumagot "Bakit mo ba ako pinatutulog iha? Maaga pa, at ako'y nakatulog naman ng maayos. Mabuti pa ay kumain kana doon" napakamaot nalang ako, may pagka bingi nga pala ito.
Buti nalang, dumating na si Mikha dala ang mga kagamitan na gagamitin namin dito sa bahay nila "Kumain ka na ba?" Tanong niya habang binababa ang nga pinamili "Hindi pa, kakain pa lang" nagtungo si Mikha sa kusina at agad na pinaghandaan ako ng pagkain. Habang kumakain ay halos mabuga ko na ang pagkain ko sa pagpipigil ng pagtawa ko, pano ba kasi naguusap si Lola kara at Mikha at hindi sila magkaintindihan.
Nang magtanghalian, dumating ang mga magsasaka sa tapat ng bahay Nila Mikha, nagpapasalamat sila sa Magandang ani gawa ng mag kaunting pag-ulan nang mga nakaraan na araw. Nagbigay sila ng mga makakain bilang pasasalamat kay Mikha dahil pumayag itong magtanim sila sa lupang pag aari ng lolo niya.
Nang matapos kumain, lumabas ako saglit sa garahe nang biglang umulan... maya-maya nahampas ako ng tubig sa likod, nakita ko si Mikha na natatawa at may dalang tabo at balde. Binabato niya ako ng tubig ay natatawa siya sa ginagawa niya! Naghabulan kami na parang bata sa ilalim ng ulan, ang pakiramdam na ito... ibang iba sa naramdaman ko noong naghabulan kami ni Jake sa ulanan. Masaya din kami pero ngayong si Mikha ang kasama ko, ayoko na matapos ang pagkakataon na ito, na makita na masaya ang babaeng pinakamamahal ko ang makitang maayos siya.
Lumapit ako kay Mikha at niyakap ko siya, yumakap naman ito pabalik. " Mahal kita" ang tanging nasabi ko lamang dito at sumagot naman si Mikha, " Mas mahal kita, sobra Aiah."