Nagmamadali si Colet na buksan ang pinto nang makita si Maloi, pagbukas pa lamang niya ay nakita niya na itong mugto ang mata. Magsasalita pa lamang siya ngunit, isang mahigpit na yakap ang sumalubong sakanya.
Maloi: Tapos na... wala na talaga cole.
Isang mahigpit na yakap ang binalik ni Colet sa umiiyak na kaibigan, nang matahan si Maloi at makatulog ay sinigurado ni Colet na walang nakasunod kay Maloi. Kasalukuyan padin siyang nagtatago, kinuha niya ang telepono..
Colet: Hello? Ako nga, ituloy mo na... tapusin na natin yang Mikha na yan, tutal criminal na ako sa mata nila bakit hindi pa natin patunayan, diba? I will send you kung ano mga kailangan ko.
Samantala, tahimik lamang ang Condo ni Aiah at sila lamang ni Mikha ang naroon. Hindi makapagsalita si Aiah dahil alam niyang mabigat pa ang pakiramdam ni Mikha.
Mikha: Thank you for earlier.
Ngumiti si Mikha sakanya at ngumiti din pabalik si Aiah.
Aiah: I'm at ease knowing na nakapagusap na kayo, she's a good person Mikhs. If there are people who should know that, ikaw yun. You've been together for years.
Mikha: We kinda lost it somewhere to be honest, ngayon wala pa si Colet siya yung main na suspect sa pagkamatay ni Mikel. Gusto ko nalang matapos to.
Aiah: You must be very stressed.
Mikha: Very.
Aiah: Hey, if you need any help.. im just here ha?
Mikha: Dragging you into something na hindi ka naman dapat kasali.. sobra-sobra na yun Ai, sapat na sakin na okay ka at wala nang may magbuwis ng buhay. I couldn't help but to think na baka balikan ka ni Colet we don't know our enemy.
Aiah: I can take care of myself Mikhs, you should be checking yourself. I don't want anything bad happened to you too. You are very special to me and after knowing that your brother is my donor... it made so much sense to me, we met for a reason Mikha.
Mikha: We met because the creator above wants you to know that even after so many tragedies, a beautiful chapter is still waiting for you.
Aiah: Mikhs, when all of this is over. I want to start over again, with you.
Mikha: What do you mean?
Aiah: I want to know you better.
Mikha: Are you asking me out?
Aiah: Not a good time to talk about pero, yes.
Mikha: Are you even sure of how you're feeling? I mean, it's not that I'm doubting you but you promised a life of being alone not unless it was jake na makakasama mo.
Aiah: I think, Jake wants me to be happy. I really believe na somewhere down there, paulit-ulit tayong pinagtatagpo because we have this connection na hindi natin mafe-feel sa ibang tao. I want to try this time, I want to give it a try. Pero, not in rush Mikhs.. masiyado pa magulo there's a lot going on yung safety natin naka-taya dito.
Mikha: I understand. We will try Ai, basta sana ngayon hayaan mo muna ako? I need to fix this not literally fix this pero, I want justice and I just got out of a relationship it might be overwhelming on my end kung susubok agad ako. Hindi ko sinasabi na hindi kita haharapin, pero hindi lang sa ngayon.
Hinawakan ni Aiah ang kamay ng dalaga.
Aiah: Yes Mikha, I understand. It's actually a thing na natatakot ako.. Maloi is like a sister to me and even though I was not a part of your life during the time you were together, I just know how much she loves you.
Mikha: Biktima lang din kami ng pagkakataon.. deep down I know na, andon padin yung babaeng minahal ko na iintindihin ako kahit mahirap. Masakit pero, kailangan kesa lumaki pa yung tampo niya.
Aiah: You just did the right thing, masakit pero at least tama.
Mikha: I don't want that to happen to us, kaya sana hintayin mo lang muna ako ha? Hindi ko alam gaano katagal pero wag ka mag-alala kasi, nararamdaman ko matatapos na.
Aiah: Yes Mikha, don't worry we have all the time in this world..
Nang pauwi si Mikha ay hinatid ito ni Aiah sa pintuan ng kanyang Condo, niyakap siya ni Mikha nang mahigpit at hinalikan ang noo nito bago siya umalis.
Mikha: Make sure to lock the doors, please.
Aiah: I will, Mikha.. be safe.
Mikha: Don't worry, I will be safe.
Pagkasarado ni Aiah ng Pinto ay umalis na si Mikha. Kung mayroon man siyang nararamdaman ngayon ay pag-asa.. pag-asa na maayos na din ang lahat ng ito.
Sumakay sa kotse si Mikha at sa passengers' seat niya ay napangiti siya nang maalala si Aiah, noong maisakay niya ito nang maabutan sila ng ulan at makatulog ito sa kotse niya. Ang dating si Maloi ay napalitan ng Aiah, ang kalahati ng puso ni Mikha ay umiiyak at nasasaktan dahil nakatuon ito sa paghihiwalay nila ni Maloi. Naging isang matinding supporta si Maloi kay Mikha lalo na noong namatay si Mikel ni minsan, hindi niya maalala na iniwan siya nito.
Masakit man ang kinahinatnan ng kanilang ilang taong pagsasama para kay Mikha, mas Mabuti na iyon kesa naman araw-araw niyang pag-intayin si Maloi sa wala. Nirerespeto padin niya ang pinagsamahan nila ni Maloi kung kaya humingi siya ng oras kay Aiah, bukod don ay gusto niya rin munang matuldukan ang pagkamatay ni Mikel.
Nagsimula nang mag-drive si Mikha nang hindi pa nakakalayo ay naramdaman niyang flat ang gulong niya, kaagad siyang nagpark sa isang tabi at bumaba ng kotse para i-check ang tires.
Nawalan ng malay si Mikha nang may kung anong pumalo sa likod niya.
Nagising si Mikha sa isang bahay na walang kagamitan, pag-gising niya ay nakita niya si Maloi at Colet at ilang kalalakihan na nagbabantay sakanya.
Mikha: An..ano 'to?
Colet: Kaya ko na'to, umalis na kayo.
Agad umalis ang mga lalaki at naiwan si Mikha, Maloi at Colet.
Mikha: Ano to, pakawalan ninyo ako!
Colet: Pwede ba na wag ka maingay? Alam mo ikaw, magpasalamat ka nalang kasi buti nalang talaga ex ka ni Maloi.
Tinignan ni Mikha ang dating nobya, walang reaksyon ang mga mukha nito. Hinampas siya ni Colet ng kahoy sa tagiliran habang nakatali siya sa upuan at walang ka-laban laban.
Nang manghina si Mikha sa ilang hampas ni Colet ay tumayo si Maloi.
Maloi: Tama na Cole!
Colet: Bakit? Naawa ka?!
Maloi: Hindi! Pero, tama na..
Nagwalk-out si Maloi dahilan para sundan ito ni Colet, naiwan si Mikha na halos mamuti ang paningin sa mga tinamong palo galing kay Colet. Ang tanging naiisip lamang niya ay si Aiah.
Ang nasa isip lamang ni Mikha ay ang dalaga, namatayan na ito ng nobyo noon kaya kahit halos pumikit na ang mat ani Mikha ay pinipilit niyang lumaban. Kailangan niyang umuwi kay Aiah, kailangan siya ni Aiah.
Habang pumasok naman si Maloi sa kwarto at sinundan ito ni Colet.
Colet: Ano ba problema mo?
Maloi: Ayoko na, tigilan mo na si Mikha. Nakabawi ka na, naniniwala na ako na mahal mo ako. Colet, magsimula tayo sasama naman ako sayo, kahit saan pa! basta, wag na.. tama na!
Hindi nagsalita si Colet at niyakap lamang si Maloi na halos maiyak na sa mga nasaksihan niyang pagpapahirap ni Colet kay Mikha.
Nang lumalim ang gabi, grabe na ang uhaw na nararamdaman ni Mikha. Maya-maya ay nakadinig siya ng footsteps na papalapit sakanya, Malabo na ang kanyang mga mata sa panghihina ngunit naaninag niya si Maloi.
Mikha: Loi...
Hindi nagsalita si Maloi at pumunta sa likod niya upang alisin ang mga tali na nasa katawan niya. Nang maalis ay inalalayan siya ni Maloi papa-tayo.
Mikha: Loi..
Maloi: Shh, wag ka maingay. Tulog si Colet, Mikha.. papakawalan kita pero sana pabayaan mo na kami inosente si Colet... maniwala ka sakin.
Hindi na makapagsalita si Mikha sa kahinaan niya, kinuha ni Maloi ang kamay nito at inakay siya ni Maloi papalabas. Ngunit natutumba-tumba na si Mikha dahil sa kahinaan agad-agad naman siyang inaalalayan ni Maloi papa-tayo.
Maloi: Malapit na Mikhs, konti nalang kayanin mo! Si Aiah, tinawagan ko siya binigay ko address na ito basta sabi ko wag siya magdala ng pulis. Kukumbinsihin ko si Colet magbigay ng statement basta sa ngayon Mikhs, bigyan mo lang ako ng oras.
Akay akay ni Maloi si Mikha nang dumating ang kotse ni Aiah. Nagmamadali itong pumunta kay Mikha na hinang hina at puro sugat.
Aiah: Mikha! What happened!
Napa-luhod si Mikha at sinalo agad ito ni Aiah papatayo.
Maloi: Umalis na kayo, bago pa makita ni Colet to.. sige na!
Ngunit si Mikha kahit hindi na makapagsalita ay niyakap si Maloi.
Mikha: S..salama..
Napatulo ang luha ni Maloi sa ginawa ni Mikha.
Maloi: Mikha, mag-iingat ka.. please.
Magkayakap ang dalawa habang asa likod ni Mikha si Aiah nan aka supporta kay Mikha na parang babagsak na ilang Segundo nalang.
"MGA HAYOOOP"
Sigaw ni Colet, nagpupuyos ito sa galit.
Maloi: Wait, Colet!
Hinarangan niya si Mikha at Aiah, sa pagkakataon na yon ay nakita niya ang galit sa mata ni Colet.
Maloi: Colet, sasama ako sayo! Nagpapaalam lang ako kay Mikha. Colet, they promised na hahayaan nila tayo.
Colet: Tumabi ka diyan Loi.
Kinasa ni Colet ang baril.
Aiah: Colet, please wag!!
Mahinang mahina na si Mikha at naka alalay lamang si Aiah sakanya kaya siya naka-katayo at si Maloi naman ay nakaharang sakanilang dalawa.
Maloi: Itigil mo na 'to, tara na Colet... please?
Colet: Promise me, na hindi mo na babalikan yang gago na yan.
Maloi: Promise! I promise.
Kumalma si Colet at dahan-dahan na siyang pupuntahan ni Maloi, nang biglang nadinig nila ang siren ng pulis na paparating.
Maloi: BAKIT MAY PULIS?
Aiah: I'm sorry.. hindi ko na alam gagawin ko! I need Mikha alive!
Colet: Ayan, sa sobrang pagtitiwala mo sakanila ginago ka na naman!
Tinaas ni Colet ang baril at kinasa, tinutok niya kay Mikha na halos hindi na makapagsalita sa panghihina.
Ngunit..... hinarangan ito ni Maloi.
Imbes na si Mikha ang mabaril, si Maloi ang nabaril ni Colet sa bandang puso. Nanlaki ang mata ni Colet at napasigaw si Aiah nang makita si Maloi na mabaril.
Nang malapit na ang mga pulis, hindi na nagawa pa ni Colet na lapitan si Maloi na nakahandusay sa sahig, tumakas na agad ito.
Habang si Mikha at Aiah ay dahan-dahan lumapit kay Maloi, pinilit ni Mikha na i-upo si Maloi.
Maloi: W..wag.. na, mikhs...
Mikha: Loi, may pulis na dadalhin ka namin sa ospital...
Maloi: Wag... na, magkikita na... kami ni ... kuya... Mikha.. mahal.. na mahal kita. I'm sorry Mikhs... sa lahat, I'm sorry.
Tumulo na ang dugo magmula sa bibig ni Maloi, humagulgol ng iyak si Mikha at niyakap ang nakahandusay na si Maloi.
Mikha: No, love, wake up! No, no!! love, wake up!
Aiah: Mikha...
Mikha: No, Maloi.. hindi ganto, wag ganto! Loi!!! Hindi ganto Loi, gising loi!Ngunit huli na ang lahat, wala ng pulso si Maloi... nagbuwis na ito ng buhay para kay Mikha at Aiah.