Part 8

58 7 3
                                    

Mikha's POV

Alam ba ninyo yung pakiramdam na parang matagal mo na kilala ang isang taong kakameet mo pa lang? Parang may kung anong force ang Universe na pilit pinaparamdam sakin nang ma-meet ko si Aiah.

Habang pinapakiramdaman niya ang ulan gamit ang kanyang kamay, naka-pikit si Aiah. Nakatitig lamang ako sakanya dahil sa unang pagkakataon, para bang komportable siya sa katahimikan na mayroon ang paligid.

Matapos noon ay nakatulog at nagkape siya, may mga litrato akong kinuhanan na siya ang subject.

"Mikha, ano atin?" Sambit ni Mang Caesar, batikang photographer ito sa lugar namin.

Inabot ko ang Camera ko at tahimik niyang tinignan ang mga larawan na kinuhanan ko.

"Maganda ang pagkaka-kuha mo, raw ang litrato at maganda ang moment dahil makikita dito yung ka-simplehan ng subject"

Ngumiti ako at nag hudyat kay Mang Caesar na i-print na ang mga litrato. Matapos noon ay umuwi na ako, medyo ginabi ako dahil dumaan pa ako kina Mang Caesar, pero masaya ako dahil may kakaiba sa araw na ito.

Kinabukasan, naglalakad ako papuntang palengke dahil inutusan ako ni Nanay na bumili nang ipang-sisigang.

Nang nakarating ay nagsimula na akong mamili pra maagang makauwi nang biglang....

"TULONG!"

Sigaw ng isang babae na mukhang may kaya sa buhay, na snatch daw ang kanyang Cellphone. Agad-agad akong tumakbo at binitawan ang plastic na dala ko sa kakilala ko na gulayan. Hinahabol ko ang isang binata na nang snatch sa dalaga.

"Tumigil ka!!" Ani ko, ngunit dire-diretso ang binata.  Para kaming asa movie, kung saan tinutugis ko ang isang snatcher at nag hahabulan kami habang napapa tingin ang mga tao sa paligid namin. Di kalayuan sa stop light, napatid ang binata at naka kuha ako ng tiyempo para ma corner siya, habang naka-dapa at kinuha ko ang kamay nito at nilagay ko  sa likod.

Laking gulat ko nang iniharap ko ang lalaki... si Kiel.

"Kk..iel?!"

Hindi na ito nakapag salita at kinuha ko ang cellphone ng dalaga. Nang madinig ko ang mga pulis na pumito bigla akong sinuntok ni Kiel sa tiyan dahilan para mapa-upo ako at hinabol na siya ng mga pulis. Si Kiel, ang kababata ko at kaibigan ko.. nang snatch?!

Lumapit ang dalaga na nabiktima ni Kiel sakin at tinulungan ako tumayo.

"Miss, maraming salamat" ani nito, at binigay ko ang cellphone niya.

"Pano kita ma rerewardan? Kahit maliit na halaga lang" ani nito sakin, ngunit ngumiti lamang ako at sumagot "Hindi na kailangan, basta sa susunod ay mag-iingat ho kayo dito. Wari ko, di kayo taga dito?" Tumango ang dalaga at sumagot.

"Hindi nga po, pero.. kasi yung kaibigan ko malapit dito eh bibili sana ako ng tubig, habang chinachat ko kung asan na siya eh biglang na hablot cellphone ko, siya nga pala.. ako si Maloi"

Ngumiti ito sa'kin at iniabot ang kanyang kamay, nakipag kamay naman ako sa dalaga.

"Mikha" at mas lalo siyang ngumiti sakin nang malaman niya ang pangalan ko.

Maya-maya dumating ang isa pang dalaga, eto na yata ang kaibigan na sinasabi niyang ka-chat niya.

"Colet! Ano ka ba, ang tagal mo! Alam mo ba naisnatchan ako?!"

Nagulat naman ang kaibigan niya at sinuri agad si Maloi kung may galos.

"Ha?! Ano, nasaktan kaba?!" Pag-aalalang tanong nito kay Maloi.

"Hindi, buti nalang i have here someone na tumulong sakin. Si Mikha! She helped me Cole! Siya ang humabol sa magnanakaw!" Pag yayabang ni Maloi sa kaibigan.

Have You Ever Seen The RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon