Kasalukuyang naka-upo si Maloi sa hapagkainan, hindi ito mapakali habang inaantay ang nobya. Ngayon ang dinner nila kasama ang mga magulang.
Maya-maya ay dumating si Mikha na halatang pagod na pagod at nagmamadali.
Habang busy ang mga magulang ay grinab na ni Maloi ang pagkakataon na kausapin ang nobya.
"You're late" bakas sa mukha ni Maloi ang inis, hindi lang ito ang unang beses na na-late si Mikha. "I'm sorry bal, may isang bata na inaapoy kasi ng lagnat i need to attend. I'm here naman na eh" umiling na lamang si Maloi, alam ni Mikha na matagal na niyang problema ang pagiging late sa mga lakad nila lalo na at tradition nila na makipag dinner sa pamilya ni Maloi.
"So, wala pa ba kayong balak mag settle?" Tanong ng ama kay Maloi, napatigin lamang ito kay Mikha. "M..meron naman po, super busy lang si Mikha at ako, we'll definitely get married dad. Just don't rush us" ngumiti si Mikha dahil alam niya naman na naiintindihan siya ni Maloi pagdating sa mga responsibilidad niya.
Matapos kumain ay umalis na sila at habang asa kotse, napansin ni Mikha na tahimik ang nobya. "What's wrong bal?" Tumingin lamang sakanya si Maloi at ngumiti. "Nothing, i just hate it when dad keeps on asking kailan tayo ikakasal, we have a plan naman ayoko lang na prinepressure" hinawakan ni Mikha ang kamay ng nobya at hinalikan. "Oo naman, pero marami rami pa akong nasa isip ko na dapat ko tapusin. Pero, magpapakasal tayo bal at sigurado naman ako don" isang ngiti lamang ang pinakawalan ni Maloi sa nobya.
Ngunit ang totoo, naiinip na si Maloi. Alam niya sa sarili na parang wala pa talagang plano si Mikha na magpakasal. Pero, dahil mahal niya ang dalaga ay hindi niya ito magawang iwanan.
Kinabukasan, maagang nag jogging si Aiah sa paligid ng kanyang Condo. Mapayapa ang umaga ay nakatulog naman siya kahit papaano, hindi niya papalagpasin ang oras na ito para makatakbo sa kapaligiran, nakakita si Aiah nang isang aso habang tumatakbo, parang naliligaw ang aso kaya pinuntahan niya ito.
"Hello baby, you seem like a good puppy.. are you lost?" Dinilaan si Aiah ng aso sa kamay nito, napa-ngiti si Aiah. Tumayo siya at kinuha ang aso, tumingin siya sa paligid at hinanap ang maaring may-ari ng aso ngunit, wala naman tao kundi siya lamang at ibang mga tao na nagkakape sa lugar na iyon.
"I guess, i have to be with you until we see your owner" umupo si Aiah at pinakalma ang aso. Ilang minuto din niyang sinamahan ang aso habang walang nagcclaim dito. Maya-maya isang babae ang lumapit sakanya. "Excuse me miss, sorry! Nakawala kasi yan si Wacko i thought i lost him" siya na nga ang nagmamayari sa aso, ngunit para masigurado ni Aiah ay tinignan niya ang tag ng aso na nakasabit sa leeg nito may nakalagay na "wacko" ngumiti si Aiah at binigay ang aso sa May-ari. "Next time, don't ever let him na makawala kasi malaki ang city na ito. Plus, maraming car baka masagasaan pa siya" tumango ang dalaga. "By the way, I'm Colet!" Nakipagshakehands si Aiah sa dalaga ay nagpakilala.
"Sorry to bother you again, looks like you're running" ani ni Colet kay Aiah. "it's okay, i passed by this little cutie and can't help to ignore him. I have a dog too, kaya hindi ko magawa na iignore lang siya" ngumiti si Colet kay Aiah. "You know, i should treat you! Kahit coffee lang? If that's okay, because I can't let this slide. Minsan lang mag ganitong encounter and too good to be true, buti nalang ikaw ang naka kita kay wacko" Napangiti si Aiah at napa payag naman siya ni Colet.
Nagtungo sila sa isang kape-han kung saan umorder si Colet.
Colet: Wacko is a very naughty dog, he keeps on escaping from me as soon as may possibility siya na makita na pwede siya tumakbo, he will run!
Napangiti si Aiah sa pagkwe-kwento ng dalaga.
Aiah: Ganyan din si Lucho, he's a retriever got him last year lang. Needed some companion, anyways.. you look familiar, have we met before?
Colet: I'm afraid not, trust me. If nag meet man tayo, you'll probably remember me! I am everywhere!
Aiah: Right, sorry! Just had this feeling na parang we met somewhere na.
Colet: We met earlier, does that count?Natawa na lamang si Aiah. Eto ang unang pagkakataon na nakipagusap siya sa isang stranger. Nagpalitan sila ng contacts bago maghiwalay at tumakbo na si Aiah ulit.
Samantala, bumalik si Colet sa Condo at iniabot ang aso sa kaibigan.
Abbey: Gago ka! Buti na lang hindi kung saan tumakbo si Wacko sa kung saan.
Colet: Wag ka na magalit, okay naman si wacko eh!
Abbey: Oo, kapag may nangyaring masama kay Wacko i'll kill you!Ngumiti na lamang si Colet at pumasok sa kanyang kwarto. Nilabas niya ang kanyang pentel pen, sa whiteboard ay nilagyan niya ng ekis ang litrato ni Aiah.
"I'm sorry, i had to drag you in this. You seem nice, pero kailangan kita para ma execute ang plano ko"
Hinawakan ni Colet ang litrato ni Maloi, ilang minuto din niya itong tinitigan bago ibalik sa Whiteboard kung saan ito naka paskil.
Matagal pinaghandaan ni Colet ang kanyang plano, kailangan niya itong ma-execute nang maayos dahil dito nakasalalay ang kanyang safety at ang safety... ni Maloi na hanggang sa ngayon ay mahal padin niya.
Naalala niya at sariwa sa isipan niya ang araw na sinabi ni Maloi na sila na ni Mikha, halos madurog ang puso niya. Matagal na niyang mahal ang dalaga pero natotorpe siya lalo na at magkaibigan lamang sila, naputol ang pagiisip ni Colet nang katukin siya ni abbey sa kwarto.
Abbey: Huy, parating si Maloi!
Agad tumayo si Colet at nilock ang kanyang kwarto, sinalubong niya ang kaibigan.
Maloi: i hope it's not a bad time?
Colet: Hindi naman.Pumunta sila sa rooftop, nagsindi ng yosi si Maloi.
Colet: Stress ka?
Maloi: Super.
Colet: Ano ba kinaka-istressan mo?
Maloi: Kahit sabihin ko, wala ka magagawa naman.
Colet: I have two ears, they can listen.Ngumiti si Maloi at humipak sa kanyang sigarilyo, bago nagsalita.
Maloi: How can i tell her na napapagod na ako kakaintay kung magpapakasal ba kami?
Colet: Bagong bago yang problema mo ah?
Maloi: Shut up! Yun lang naman kinaka-istressan ko..
Colet: Kung talagang matatag kayo, you should open up to her... maging totoo ka.. natatakot ka no?Tumingin sakanya nang matalim si Maloi.
Maloi: You know what, nevermind. I'm leaving!
Pinatay ni Maloi ang upos ng kanyang sigarilyo at kinuha ang purse niya, tumalikod na ito nang hawakan ni Colet ang kamay niya para pigilan.
Colet: Damn! Chill!
Maloi: Alam mo na ayoko ng ganyan, ayoko pagusapan.
Colet: Fine, I'm sorry. Pero, alam mo naman sagot ko diyan diba? I'm just going to say the same thing. Maloi, being in a healthy relationship doesn't mean that you'll end up together face it.Napatahimik lamang si Maloi sa sinabi ni Colet. At hindi na siya umimik pa.
Samantala, habang busy si Mikha sa clinic ay bumisita ang kaibigan na si Gwen na isa nang ganap na pulis.
Mikha: Gwen! Buti napabisita ka!
Gwen: Oo, uupdate lang din kita sa kaso ng kapatid mo na pinabuksan mo. Hanggang ngayon wala padin lead dun sa kotse, yung cctv from years ago hindi din ma retrieve na eh pero, since alam mo yung plaka pina search ko... naka register ito sa isang Jon Antonio Vergara pero, kaso patay na ang may ari nito sinubukan ko na puntahan yung address kaya don ko nalaman, yung kotse daw eh hindi na nila alam dahil matagal na itong binenta.
Mikha: Kanino daw binenta? Tsaka teka, if patay na yung may ari. Sino nag dadrive?
Gwen: Hindi maliwanag, basta ang sabi nung katulong matagal na patay yung Antonio eh yung SUV na yon may driver daw dahil nga sa Antonio yun yung may ari tapos, yung nga anak daw may kotse naman na sarili nila. Dalawa yung anak nung may-ari.
Mikha: Pero, asan yung kotse?
Gwen: Naibenta na, hindi din nila alam kanino dahil nang mamatay yung tatay eh yung anak na yung nagbenta kasi nga may kotse naman daw parehas yung magkapatid.Napahawak nalang sa Noo si Mikha, mailap padin ang hustisya sa pagkamatay ni Mikel.
Gwen: Wag ka magaalala, gagawin ko lahat para mapanagot ang may sala.
Mikha: Please.. gawin mo lahat Gwen.Tumango lamang ang kaibigan.