(Play unti-unti by UPD – WALA LANG PARA MAS MASAKIT LANG)
P.S (Short chapter lang po ito)
"Ma, bakit may malaking truck sa tapat ng bahay nila Ella" Tanong ni Aiah sa Ina na abala na naghahanda ng tanghalian nila.
Sumilip ang Ina nito sa bintana at tinignan ang nangyayari sa harap na bahay nila.
"Ah wala yan nak, baka may inaayos lang sila sa bahay nila"
Hindi napakali si Aiah, lumabas siya ng bahay at nakita niya si Ella na naka-pang alis.
Aiah: Ella, saan ka pupunta?
Ella: Hindi ko alam, sabi ni papa mag Manila daw kami...malayo ba yun?
Aiah: Hindi ko alam.. mag airplane yata kayo?
Ella: Ganon ba yun?
Aiah: Oo! Babalik ka ba?
Ella: Oo, babalik ako!
Aiah: Sige, hindi muna ako maglalaro ng Tagu-taguan kasama sina Jessa hanggat wala ka.
Ella: Sige, sabi mo yan ah!
Aiah: Oo naman.
"Mikha, tara na! baka mahuli tayo sa flight" ani ng ama nito.
Ella: Babalik ako Aiah, wait mo ako.
Aiah: Sabi mo yan, kapag ikaw hindi bumalik.. hindi na tayo friends!
Hinawakan na ni Mikha ang kamay ng kanyang Ama at sumakay na sa kotse. Naiwan si Aiah na nakatitig lamang sa kotse habang ito ay papalayo at nakita niyang dumungaw si Mikha sa bintana at nagpaalam.
Matapos ang isang linggo, hindi pa din bumabalik si Ella.. sinisilip ni Aiah ang bintana kapag may kotse na humihinto sa pag-asang ang kaibigan na ito. Ngunit, bigo siya. Kinukulit niya araw-araw ang Ina kung kailan babalik ang kaibigan ngunit hindi naman siya sinasagot nito nang maayos.
Dumaan ang ilang linggo, naging buwan at naging taon.. nawalan na nang pag-asa si Aiah na babalik ang kaibigan. Ani niya ay nakatagpo na ito ng bagong kaibigan, ang friendship bracelet na ginawa nila ng kaibigan na si Ella ang tanging naiwan sakanya na pala-tandaan ni Ella.
Isang araw, may tumigil na sasakyan sa dating bahay nila Ella at napadungaw si Aiah dahil may mga bumaba na tao at lumabas agad siya sa pag-aakalang nagbalik si Ella. Nawala ang ngiti sa labi ni Aiah nang makita na walang Ella ngunit bagong pamilya ang bagong tityra sa bahay ng kaibigan.
Dumating ang unang pasko, kahit na madaming napamaskuhan at malungkot si Aiah, nagagalit siya sa kaibigan dahil wala itong isang salita at iniwan siya, hindi na binalikan. Tinapon ni Aiah ang friendship bracelet nila nang kaibigan na si Ella.
Lumaki si Aiah na kinalimutan na ang kaibigan, sinubukan niyang hanapin ito sa internet ngunit hindi naman niya maalala ang apelyido nito. Lalo na at hindi din matandaan ng Ina niya ang apelyido ng kaibigan.
May mga sulat si Aiah na tinago nuon para kay Ella, dahil umaasa pa siya na babalik ang kaibigan ngunit kalaunan ay tinapon na din niya. Makalipas ang ilang taon, pinagtagpo si Ella at Aiah, si Ella sa katauhan ni Mikha na tunay nitong pangalan. Ngunit, wala silang kalam-alam na nagkita na pala ulit sila.
Sa kasalukuyang panahon, matapos ang pagbuhos ng malakas na ulan ay bumaba na sila at ma-ingat na inalalayan ni Mikha ang dalaga na para bang siya nag nagmistulang mga mata nito, nagpapahinga na si Aiah sa Sofa habang si Mikha ay nakahiga sa katabing upuan nito. Unang naalimpungatan si Mikha nakita niyang tulog na tulog pa din ang dalaga sa katabing sofa, pumasok siya sa kwarto nito para kumuha ng kumot at para kay Aiah na tulog na tulog.
Tinitigan ni Mikha ang dalaga, para itong Anghel sa kanyang paningin. May hindi mawaring pakiramdam si Mikha na para bang matagal niya na kilala ang dalaga dahil komportable siya dito. Matapos ay tumayo si Mikha at nag-init ng tubig, nagtimpla ito ng kape at pumunta sa bintana upang tanawin ang kalangitan at ang traffic na nakikita mula sa 9th floor na Condo unit ng dalaga.
"Mikha?"
Agad lumingon si Mikha at binaba ang kanyang kape, lumapit agad siya sa dalaga.
Aiah: Pwede mo ba akong ipag-timpla din ng kape?
Mikha: Oo naman.
Matapos mag-timpla ay iniabot niya ang kape sa dalaga, hinihipan ni Aiah ang mainit na kape habang si Mikha at nasa gilid niya at umiinom din ng kape.
Nakaisip ng Idea si Mikha, kahit na parang weird ang kanyang gagawin ay wala na siyang pakielam.
Nilabas niya ang Camera na pinag-ipunan ng Ama niya na regalo sakanya noong naka-lipas na kaarawan niya, kinuhanan niya si Aiah ng litrato. Wala itong pahintulot ni Aiah ngunit pursigido si Mikha na kuhaan pa din ng litrato ang dalaga dahil para sakanya.... Sa maganda naman niya gagawin ito.
Nang matapos kuhaan ng litrato ay sinuri niya ito at nakita niya kung gaano ka-ganda ang dalaga na kahit naka-upo lang at umiinom ng kape ay tila Diyosa na. Naka-ngiti si Mikha lalo na sa close up shot ni Aiah.
Gagamitin niya ang litrato ni Aiah sa Mabuti at sinisigurado niya na makikita ito ng dalaga.