Part 2

77 8 0
                                    

"OOOOPSS, ayan boss okay na"

Sa isang sikat na restaurant, may isang dalaga na maganda. Naka suot ito ng t-shirt na halatang pinunit ang mga mangas at naka sumbrelo. Siya ang nagsisilbing taga guide ng mga magpapark na kotse ng restaurant.

Bumaba ang isang lalaking naka suit and tie, binigyan ng barya ang dalaga.

Napakamot si Mikha nang abutan siya ng bente.

"Langya, ang ganda pa naman ng kotse tapos BENTE?!" binulsa na lamang ito ng dalaga.

Kiel: Uy, una na kami ah. Mas maraming customer don sa kabila.
Mikha: Sige na, uwi na din ako tumal ngayon. Tsaka baka magpagkamalan pa akong hamog kapag sumama pa ako sainyo.

Mikhaela Gonzales (Mikha) Kasalukuyang bakasyon ngayon at naghahanap ng mapapaglibangan ang dalaga. Kahit tutol ang ina at ama sa ginagawa nitong pag assist sa mga sasakyan ay wala magawa ang mga ito dahil ito ang gusto ng anak na gawin dahil mahilig ito sa sasakyan. At isa pa, para sakanya ay madali lamang ang trabaho.

Dumating si Mikha sa kanilang street sa Cavite, bawat kanto ay kilala ang dalaga at halos lahat ay nirerespeto siya dahil ang ama nito ang barangay tanod ng lugar. At kahit na babaeng tao ay siga ito sa kanila.

Nadaanan ni Mikha ang ninong na si Arnel na nagiinom kasama ang mga kaibigan.

Arnel: Uy, diyan na pala inaanak ko! Ano, shot na anak!
Mikha: Hindi na po nong! Baka kulang pa saiyo yan!

Sumaludo si Mikha sa kanyang ninong at umalis na.

Pagkarating ni Mikha sa bahay nagmano siya sa Ina na kasalukuyang na-nanahi ng mga kurtina.

Myrla: Kumain ka naba? Maligo ka nga! Amoy araw ka!
Mikha: Ma, OA! Hindi pa po pero, ayos lang ako di pa ako gutom.
Myrla: Inaantay ka ng kapatid mo kanina kaso, ayun nakatulog na.

Ngumiti si Mikha at pumanik, hindi naman sila ganon kahirap at katamtaman lamang ang buhay nila mag kokolehiyo na si Mikha kaya todo banat ng buto ang Ama at Ina kahit sa maliit na halaga ay iniipon nila para sa dalaga. Samantalang, si Mikha naman ang tipo ng dalaga na hindi pala-asa sa magulang kaya gumagawa siya ng way para kahit bakasyon ay magka pera. Ayaw sana ng ama na magkatrabaho siya dahil baka makahiligan nito ang pagtratrabaho at tumigil sa pag-aaral pero, Nakagawa ng way ang anak na si Mikha para makapag sideline nang yayain siya ng kababata na si Kiel na mag assist ng parking ng mga sasakyan.

Pumasok si Mikha sa kwarto ng kapatid kung saan, natutulog ito. Hinubad ni Mikha ang sumbrelo at hinalikan ang kapatid. Pitong taon na gulang si Mikel at kasalukuyang itong may kapansanan, bulag ang bata pagka panganak pa lamang dito.

Hinawakan ni Mikha ang ulo ng kapatid at hinimas. Kaya nagsasakripisyo si Mikha ay para sa kapatid lalo na at gustong gusto niya na mapa-opera ito para sa magka-paningin.

Pumasok naman ang Ina ni Mikha sa kwarto dahil maglalagay ito ng damit sa Cabinet gawa ng pangit ang panahon at parang uulan.

Myrla: Nakatulog na iyan kakaintay saiyo, umalis kami kanina sinama ko siya kaso mabagal talaga kami maglakad gawa ng inaalalayan ko siya. Hindi ko naman makarga at napaka-laki na nagdeliver kami ng mga pina-tahi na kurtina ng ninang rowena mo.
Mikha: Ma, ano ba sabi ng eye bank?
Myrla: Wala pa din anak, wala pa din bagong donor tsaka isa pa magkaron man eh pila-pila yan di ko na natanong kung pang-ilan yang kapatid mo gawa ng ang mahalaga sakin ay naka pila na siya.
Mikha: Kawawa naman si Mikel, siya nga pala.

Nag abot si Mikha ng 200php sa ina.

Mikha: Sensya na nay ah, yan lang nakuha ko sa pag assist.
Myrla: Salamat anak. Pero, nako! Hindi mo naman kailangan gawin to at lalo na ilang beses ka na pinatitigil ng ama mo. Nagmumukha lamang daw na pinapahirapan ka namin dahil nag assist ka lang ng parking sa mga kotse, mabuti pa ay matigil ka sa bahay.
Mikha: Ma, ano naman masama doon. Eh, malinis na trabaho naman yan! Barat nga lang magbigay yung mga nagpapark minsan. Dagdag kita nadin yan nay.
Myrla: Hay nako, basta kapag pasukan na tumigil ka na ah
Mikha: Oo naman po.

Hinalikan pa ulit ni Mikha ang kapatid at naligo na ito. Kinagabihan ay lumabas ito ng bahay para tumambay kasama ang mga barkada na si Gwen at Jhoanna.

Jhoanna: Uy, kumain kana? Gusto mo Penoy?
Mikha: Yoko, may bayad yan.
Jhoanna: Libre ko!
Mikha: Sana kanina mo pa sinabi!

Kumuha si Mikha ng Penoy, kababata niya si Jhoanna at Gwen ang pamilya ni Jhoanna ay nagtitinda ng balut at penoy sa tapat ng kanila lamang tahanan habang ang nanay naman ni Gwen ay nagtratrabaho sa munisipyo.

Gwen: Bakasyon, boring sa bahay wala na ako ginawa kung hindi mag linis at mag cellphone.
Jhoanna: Eto si Mikha may sideline kamo!
Mikha: HOY! Ang sideline na sinasabi mo ang dahilan bakit ako nakakatulong kina mama, noh!
Gwen: Lagot ka naman sa tatay mo, kilala si Tito David na tanod dito pag ikaw sinundo na naman sa parkingan makita mo.
Mikha: Eh hindi na siya pumapalag, nakakapagbigay ako kahit papano tsaka nakaka limang daan na kaya ako na naitatabi ko para sa pasukan. Alam niyo naman, ayoko na dagdag pa ako sa gastusin isa pa, mas importante yung monthly check up ni Mikel. Di biro yun kahit na libre eh yung pamasahe araw araw?
Gwen: Eh may pinag-aralan ka naman kasi! Tapos, nakikinig ka don kay kiel!
Mikha: Hayaan mo na, di naman ako magtatagal dun.

Nang matapos makipag kwentuhan sa mga kaibigan ay umuwi si Mikha at naabutan na gising si Mikel na pinakakain ng kanilang una.

Mikha: Ma, ako na diyan.

Iniabot ng Ina ang plato kay Mikha.

Mikha: Mikel, aba! Lakas mo na kumain ah!
Mikel: Oo ate, carrots yan sabi ni nanay.. pang pa linaw ng mata.

Nagtinginan si Mikha at ang kanyang ina, batid ang lungkot sa mukha ng ina at ni Mikha.

Mikha: Ah, oo! Pang pa linaw ng mata 'to kaya ubusin mo ito ha.
Mikel: Ate, kailan na baa ko makaka-kita? Matagal pa po ba?
Mikha: Mikel, sabi ko naman saiyo diba ginagawa nila mama at papa ang lahat. Makaka-kita ka din!

Sinubuan ni Mikha ang kapatid ng pagkain nang matapos ay inalalayan ito uminom ng tubig. Bagamat nakakapagod magbantay ng isang bulag, hindi alintana it oni Mikha. Noong highschool siya ay dumidiretso agad siya ng uwi dahil siya ang kahalin-hinan ng nanay niya para magbantay sa kapatid na si Mikel. Umaasa si Mikha na isang araw ay may magdodonate din sa kapatid ng mata.

Biglang umulan, napangiti ang musmos na si Mikel.

Mikel: Ate! Ulan ba iyon.
Mikha: Oo, nadidinig mo ba sa bubong yung mga patak?
Mikel: Opo, ate! Ang lakas!

Ngumiti si Mikha sa kapatid, Malabo man ang pag-asa na makakita ito sa ngayon ay handa siyang gawin ang lahat para sa kapatid.

Have You Ever Seen The RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon