Mikha's POV:
I was waiting for Aiah.. ang tagal niya. Pero, it's okay i figured out the best way para mag tugma schedule namin. Since busy siya sa corporate world, i adjust din since may mga tauhan naman ako sa clinic.
Bumuhos na naman ang ulan, i had to check on her again kung nasan na siya. As i was about to get my phone, i saw Aiah coming out of the cab.... I remembered Maloi. We used to do this, catching up with each other's schedule and her adjusting her time for me. Napailing nalang ako and I smiled at Aiah immediately went to her para payungan siya.
We went inside the movie theatre and she hold my hand. I felt comfortable around Aiah, she was my go-to person nowadays and i feel like she's really the one for me. Kung di ako sigurado kay Maloi dati, ngayon sigurado na ako and i really want it to happen this time around yung idea ng marriage, adopting kids of Aiah would like to do that or travel around the world, to different cities, eat different foods with her and many more. I just know im sure this time, Aiah is my safest anchor my soulmate and the one destined for me.
We laugh all the time sa movie, it was a comedy movie pero i saw how Aiah will look at me sneakily from time to time. After that we went to our usual hangout place gabi na tahimik ang cafe and iilan nalang kaming tao although 24 hours to.
"Mikha, how about we book a ticket sa Maldives? Parang maganda don talaga, ibang iba sa other tourist attraction sa mga bansa." I smiled at Aiah's suggestion alam ko na she really wants to make this happen kaya i agreed immediately.
Hinatid ko na siya sa condo after, i just know na she's tired pero i know it was worth it. I kissed Aiah's forehead before she head out of the car. As soon as she entered the building nag drive na ako pauwi.
Nang makauwi na ako, andon si mama at papa. Bumisita sila sakin because they wanted to check on me. Nakulong na si Colet and yung dad ni Maloi i could say natapos na rin ang kalbaryo ko pero.. natapos na nga ba?
Pataas na ako nang biglang magsalita si mama.
"Kelan mo sasabihin sakanya, anak?" I saw how her eyes got teary. It breaks my heart to see my mom cry so i had to answer her right away. "Ma, konting oras pa po... Aiah needed me." Yumakap ang ina ko sa akin, i know na masakit para sakanya na mahirapan ako sa mga desisyon lalo na at palagi kong sinasabi na sa tingin ko ay si Aiah na talaga ang babaeng gusto ko makasama habang buhay.
Paano mo ba sasabihin ang isang bagay na makakasira sa kasiyahan ninyong dalawa? Mga desisyon na mahirap.. mali, sobrang hirap dahil alam ko kapag sinabi ko kay Aiah to hindi magiging madali sakanya. Alam ko na masasaktan ko siya and i don't want that to happen. Kaya sana bigyan pa ako ng kaunting oras ng universe para magkaroon ng sapat na lakas ng loob para umamin kay Aiah, lalo na at we're just about to start our journey.
Kaya siguro, malaki din ang pasasalamat ko kay Maloi. She never left me and stood by my side all these years. Losing her still hits me from time to time, sa mga nalaman ko hindi ko maiwasang masaktan pero hindi ko din maiwasan na hindi maisip na dati kaming nagmahalan kaya kahit ano pa man ang mangyari nagpapasalamat ako sakanya.
Everything is perfect, super perfect. I found Aiah, i have a stable Job and natapos na ang justice na hinihingi ko para kay Mikel. Malayo na sa dating ako, malayo na kami sa dating kami pero, bakit pa kasi kailangan mangyari to sakin? Sana kapag dumating ang araw na masabi ko na kay Aiah ang totoo, sana hindi siya matakot at sana maging matapang siya.
Kahit para sa sarili nalang niya. Hindi na para sakin, i saw how Aiah wanted to build her life around the people that matters to her. Kaya siguro, mahal na mahal rin siya ni Jake bago pa man ito mawala. Nagegets ko si Jake, kung si Aiah ba naman ang girlfriend ko eh talagang iingatan at papahalagahan ko siya.
Sana maging maayos lahat, sana maging okay ang lahat at sana, hindi ko na kailangan mahirapan sa mga desisyon ko dahil wala naman akong ibang gusto kung hindi ang mapa buti ako at lalo na si Aiah.
Sana alam ko ang gagawin.. sana magkaron pa ng mas maayos na way para masabi ko na sakanya. Natatakot ako na baka mawala ang mga ngiti niya, she worked so hard to be herself again, after so many years of judgements from the people she once loved and blaming herself from what happened. I vowed to protect her pero, paano kung ako rin ang makakasakit sakanya?
Kung may sigurado man ako dito, iyon ay ang mahal niya ako. She made sure i know that, kaya sana hindi magbago ang lahat kapag dumating ang araw na kailangan ko na magpakatotoo kay Aiah.
Sana mahalin niya ako at huwag iwanan.
Dahil kapag dumating ang araw na iyon, hindi ko din alam talaga ang gagawin ko. Naudlot ang mga iniisip ko nang pumasok ang ama ko, nagbaba siya ng isang mainit na gatas at tumabi sa kama.
"Alam ko, grabe ang sinakripisyo mo para sakin.. samin. Anak, wag ka matakot kung hindi mo pa kayang madaliin ang lahat andito lang kame kapag hindi mo na kaya." Minsan lang magsalita ang tatay ko pero, kapag nagsalita 'to talagang iba sa pakiramdam.
Yumakap ako kay papa, na parang batang nagsusumbong at isang mahigpit na yakap ang ibinalik niya.
Kung may isa man akong hihilingin ngayon, yun ay ang sana... hindi ko na kailangan makasakit para lang sa katotohanan. Kahit yun na lamang.