Colet's POV
⚠️ (violence, death)
Tangina naman, para na akong criminal. Nagtatago ako dito sa rest house nila Maloi, I didn't have a place to go. Panigurado magkaka-ungkatan na, para kasing gago 'tong si Mikha. Napatakbo nalang ako sa gulat nang makita ko siya buti nalang hindi ako nahabol eh laking Cavite yun! Malamang sa malamang pro yun sa paghabol ng mga kung sino-sino.
Maya-maya dumating na si Abbey, dala ang mga pinasuyo ko na gamit. Pinasundo ko siya, wala 'to sa plano dahil ang original plan eh susundan ko si Maloi sa isa pa nilang rest house sa Tagaytay pero dahil nga naabutan ako ni Mikha, nagkanda letse letse na, pinadala ko na yung natirang gamit ko sa Condo dahil mukhang matagal ako dito.
"Andito na lahat ha, walang naiwan?" Tanong ko dito pero tulala lang 'to.
Nakita ko na walang reaction ang mukha nito hanggang sa kinuha ko ulit yung atensyon niya "ABBEY?!" nagulat ito at tsaka lamang sumagot "Ay, oo! Walang naiwan" sagot nito sakin.
"Okay ka lang ba?!" Pagtatanong ko dito, hindi mapakali si Abbey parang may gustong sabihin.
"Colet...nakita ko kasi kwarto mo.. si Wacko kasi pumasok! Di naman sinasadya...." Sa pagkakataon na iyon.. wala na akong nagawa kundi mag-explain. Hindi ko nadin naisip na makikita niya ang kwarto ko dahil pinakuha ko sakanya ang gamit ko, andon pa naman ang whiteboard na mag pictures nila Mikha, Aiah, Mikel at Maloi. Nawala ito sa isipan ko, kailangan ko na sabihin sakanya ang totoo at tsaka ako gagawa ng hakbang kapag nalaman ko ang reaksyon niya sa isisiwalat ko.
Flashback:
Maloi: Ang boring dito sa bahay niyo!
Colet: Eh sino ba kasing nagsabi sayo na pumunta ka dito? Kala ko may date kayo ni Mikha?
Maloi: Mamaya pa nga yun, mga hapon! Ay speaking of, first day ng kapatid niya ngayon sa school.Tumingin si Maloi sa orasan, nakita niya na baka uwian na ng kapatid ni Mikha.
Maloi: Kaso, baka uwian na!
Colet: Gusto mo silipin?
Maloi: Wala driver ko, isa pa... alam ko na madamot ka, di mo'ko pag da drive!
Colet: Oo nga, tama ka diyan pero... ayaw mo ikaw mag drive?Nanlaki mata ni Maloi, gustong gusto niya kasi mag drive ulit. Pero, simula nga nang mabangga ang kuya niya nilimitahan or in overall, pinagbawalan siya mag drive ng siya lang kaya siya laging may driver. Kating kati siya mag drive nang sarili niyang kotse kaya nang mag suggest ako, agad ito pumayag. Ewan ko ano nakain ko, basta hinayaan ko siya na mag drive nang araw na iyon.
Colet: Kaso, coding ako! Pero.. wala si dad asa business meeting out of town, bale pwede ko kunin Car niya.
Hindi maipinta ang mukha ni Maloi sa excitement, sumakay na kame sa kotse at dali-dali niya na itong inistart. Nagkunyare pa ako na nag sign of the cross dahilan para tumawa siya. Nang una okay naman ang driving skills ni Maloi, for someone na matagal nang hindi nag da-drive maayos naman at mabagal lang kami hanggang sa makarating kami sa school ng kapatid ni Mikha.
Colet: Oh, ayun pala si Mikha oh!
Tinuro ko si Mikha na umiinom ng softdrinks.
Maloi: Puntahan natin!
Nagsimula umandar ang kotse, nakatingin si Maloi kay Mikha kasi gusto sana niya isurprise ito na nagda-drive siya. Ako naman nakatingin kay Maloi nakikita ko yung excitement niya para iapproach si Mikha habang nag da-drive... ang ganda ng nga ngiti niya, masakit lang non hindi ako ang dahilan non, hanggang sa nagulat nalang kami may kung anong nabangga si Maloi.
Colet: MALOI!
Nakita ko ang takot sa mata nito, pababa sana ako dahil nagsitakbuhan na ang mga estudyante palayo at yung iba papalapit sa nabangga. Bubuksan ko sana ang kotse kaso, pinigilan ako ni Maloi.
Maloi: Wag.... Please.
Nagmamakaawa ang pagsamo niya, umiiyak nadin ito kaya agad ko siyang inalalayan.
Colet: Tumakas na tayo.. bilisan mo!
Ginuide ko siya, hanggang sa maka-alis kame sa school nilagpasan nalang namen yung nabangga namin at halos paliparin na ni Maloi yung kotse dahil hinahabol kame ng mga tao na naka motor. Pero, buti nalang natakasan namin.
Pagkauwi, halos walang tigil sa pag-iyak si Maloi.
Colet: Loi.. tama na! Aksidente yun!
Niyakap ko ito nang mahigpit.
Maloi: Shit.. Colet, nakabangga ako! Colet... ka..kapatid ni Mikha.. si Mi..mikel yung nabangga ko!
Colet: S..sure ka ba??
Maloi: Na..nakita ko pano nag react si Mikha mabilis man pangyayari pero, nung nabangga ko si Mikel nakita ko pa yung mukha niya saglit bago siya humandusay.. anong gagawin natin?
Colet: Shhh.. okay! Sige teka let me handle this.Agad agad kong tinawagan ang tatay ko, wala na ko pake kung di kami ganoon ka okay. Importante ang pangalan namin sa Tatay ko, hindi niya hahayaan na madungisan ito.
Nagusap ang tatay ni Maloi at ang daddy ko, napagkasunduan na Ibebenta ang kotse, papalabasin na patay na ang may-ari dahil rehistrado to kay dad... para lang din mailigaw ang suspetya sa anin at pagtapos mag migrate sila sa US ni mom after all, yun naman talaga ang balak pero mapapa-aga na.
Jon: Patay daw yung bata!
Halos manlumo si Maloi sa nadinig... kapatid ng taong mahal niya ang napatay niya.
Jon: Colet, anak... yung plano! Sundin na natin sa madaling panahon!
Sumunod kami ni Maloi sa plano ni dad, basta ko binenta ang kotse pagkaalis nila sa ka kilala ko sa DLSU. Classmate ko dati, nag reason out nalang ako na may sakit si dad good deal naman kasi bago lang din halos yung SUV na yun.
Pinilit namin na ibaon sa limot lahat, pero tangina si Maloi, syinota pa yung kapatid ng nabangga niya! Ako nalang ang tanging alas ni Maloi, ako ang tumutulong sakanya at kaming dalawa lang ang nakakaalam nang tunay na pangyayari.
End or flashback.
Nakita ko ba hindi halos makapagsalita si Abbey sa mga isiniwalat ko.
"So... all this time, si Maloi ang nakabanga sa kapatid ni Mikha and hindi alam 'to ni Mikha and ikaw... pinagtatakpan mo siya?!" Tanong nito "Oo, ganon na nga" sagot ko naman dito.
Napahawak sa noo si Abbey, law student si Abbey at ka condo-mate ko siya. Maprenisipyo itong tao kaya hindi ko alam kung tama ba ang ginawa ko.
"Colet, kailangan sumuko ni Maloi! Kailangan niya mapanagot sa batas, pati nadin ikaw" ani nito, nagpintig ang tenga ko. At mas lalo ako na alarma nang ilabas niya ang cellphone niya.
"Anong ginagawa mo?!" Tanong ko dito; ngunit hindj ako nito sinagot. "Abbey!! Anong ginagawa mo?!"
"I will call the cops! You need to pay sa ginawa m.. niyo, trust me Colet.. mabibisto din kayo hindi man ngayon pero mangyayari yun, please i will do this for your own safety."
Sagot nito sakin.
That's it! Nilabas ko ang baril ko at tinutok ko sakanya, nagulat si abbey at nabitawan ang Cellphone.
"Co..let, wag" pagsamo nito sakin. Ngunit ngumiti lamang ako.
"Abbey, okay na eh. Kung nanahimik ka nalang sana edi sana hindi ka mamamaalam sa mundo na'to. Sa tingin mo, tanga ako?! Pinaghirapan ko pangalagaan at protektahan si Maloi! Hinding hindi ko hahayaan na makulong ang taong mahal ko, kung magsasama man kami sa impyerno nalang! Hindi tulad mo ang sisira sa lahat ng pinaghirapan ko" umiiyak si Abbey nang madinig lahat ng sinabi ko, nagmakaawa pa ito ngunit wala na akong pasensya at pinaulanan ko siya nang apat na putok ng baril.
Natumba si abbey na naka dilat ang mata, umuusok pa ang baril ko nang matapos ko siyang paulanan nang apat na bala. Lumapit ako sa bangkay nito at isinarado ko ang mata niya.
"Kung nanahimik ka lang sana, hindi mo alam anong kaya kong gawin para kay Maloi"