Part 9

61 6 1
                                    

Nabulahaw si Mikha sa isang ingay na nagmumula sa labas ng kanilang tahanan. Nang makababa siya ay walang tao sa loob, nakita niya ang Ina sa labas kasama ang kapatid.

Mikha: Nay? Anong meron?
Myrla: Anak, may libreng magtuturo sa mga bata na may kapansanan. Isasama ko si Mikel!

Isang puting Van ang huminto lulan ang mga sinasabing magtuturo sa mga bata. Nagulat si Mikha, si Maloi ang bumaba at kasa-kasama ang mga iba pa na mag-aaral pati ang kaibigan nitong si Colet.

Nang makita siya ni Maloi, ngumiti ito at lumapit sakanya.

Maloi: Mikha?
Mikha: Ikaw yung magtuturo sa mga bata?
Maloi: Ah, Oo! Matagal na namin to ginagawa kasama ko yung ibang kaklase ko, pati nadin si Colet.
Mikha: Wow! Ayos ka pala eh!
Maloi: Hello little boy, anong name mo?
Mikel: Ako po si Mikel.
Mikha: Bulag siya, kaya ba ninyo siya turuan?
Maloi: Oo naman! Easy peasy!

Tahimik na nagtuturo si Maloi habang nagmamasid si Colet at tumabi si Mikha dito.

Colet: Magaling yung kapatid mo, buti may dala kaming braille.
Mikha: Natuturuan ko siya dati kahit kaunti.
Colet: Not bad! Magaling siya ha.
Mikha: Matagal na ba ninyo itong ginagawa?
Colet: Yes, kaya kami nagkita last time ni Maloi. Yung naisnatchan siya? Eto yun.
Mikha: Kaklase mo siya?
Colet: Hindi, kaibigan ko lang.
Mikha: Ang haba nang pasensya niya sa mga bata, nakaka-hanga siya ha.
Colet: Mabait yan talaga, di napapagod yan kasi devoted siya na makatulong. Tsaka, pangpalipas oras niya to dahil kapag asa bahay siya nalulungkot siya... namatay kasi kapatid niya eh.

Napatahimik si Mikha, alam niyang si Jake ang binabanggit ni Colet.

Nang matapos si Maloi ay lumapit ito kay Mikha at Colet.

Maloi: Matalino kapatid mo ah!
Mikha: Kanino pa ba mag-mana?!
Maloi: Yabang!

Hinampas nito pabiro si Mikha.

Maloi: Babalik kami dito sa baranggay ninyo, ang dami palang bata na pwedeng matutukan dito.
Mikha: Oo, isa na diyan si Mikel. Thank you! Dahil sainyo maaliw na yan.
Maloi: Oo naman, walang problema!

Inabutan ni Colet nang maiinom si Maloi.

Maloi: Ay, Thank you Cole! Uhm.. Mikha? Gusto mo nang maiinom?

Nadismaya si Colet dahil binigay lamang ni Maloi ang bigay niya kay Mikha.

Mikha: Ay, salamat!

Tinanggap ito ni Mikha at di naman mawala ang ngiti ni Maloi.

Nang matapos ang pagtuturo, habang nagliligpit ay nilapitan ni Colet si Maloi.

Colet: Huy, parang mapupunit labi natin kaka-ngiti ah?
Maloi: Ano ka ba! Napansin mo pa yun?
Colet: Panong hindi mapapansin?! Eh, kanina ka pa naka ngiti kahit wala naman dapat ika-ngiti?
Maloi: Si Mikha! Ang cute niya ang ganda pa!
Colet: Bet mo no?
Maloi: Oo! Inaya ko nga siya kumain sa isang araw, guess what! Pumayag siya kaya, diyan ka na! Kailangan ko pa ayusin yung mga upuan basta ako.. masaya ako!

Umalis si Maloi at napatulala nalang si Colet nang lumapit si Tim sakanya.

Tim: Sabi sayo, umamin ka na. Ayan, mukhang mauunahan ka pa.
Colet: Baliw! Hindi nga ako inlove don! Kita mo mukhang tanga kanina pa ngiting ngiti!
Tim: Ah, okay! Sige.. sabi mo eh!

Samantala, sa Condo ni Aiah habang nag p-piano si Aiah ay napatigil ito nang dahan-dahan kumatok ang Ina sa naka-bukas na pinto niya sa kwarto.

Mari: Anak, kailangan ko ulit pabantayan ka kay Mikha. Pasensya ka na, kailangan ko bumalik para sa papeles.
Aiah: Ma, walang problema yon. Isa pa, nakakagaanan ko na nang loob si Mikha.
Mari: Buti naman, mukhang maayos naman si Mikha.
Aiah: Maayos naman yung bata mag-alalay sakin.
Mari: Siya nga pala, nextweek Wednesday tumawag eyebank may possible donor daw pero, tignan daw kung fit yung naka lista bago sayo eh baka sakanya ibigay yung mata pero, kung hindi ikaw ang isasalang.
Aiah: T..talaga?
Mari: Oo, pero.. wag muna tayo umasa ha?
Aiah: Oo naman ma, masaya lang ako na kahit papano... may konting pag-asa na maka-kita ako.
Mari: Okay sige, teka nakulo na yung Sinigang saglet maiwan muna kita.

Tumango si Aiah at kinapa ang mga piyesa sa Piano, biglang kumidlat nang malakas.

Napa-pikit si Aiah, pagka mulat niya nang mga mata ay... bigla siyang naka aninag sandalian... malabo ngunit nakita niya ang Piano sa harap niya. Pinikit ulit ni Aiah ang mata pag bukas ay madilim na ulit.

Kinabukasan, dumating si Mikha nang mas maaga sa oras na inaasahan ni Mari.

Umalis na si Mari dahil tiwala naman siya sa dalaga. Lumabas si Aiah at binati siya ni Mikha, kumain sila nang sabay at habang bumubuhos ang ulan sa labas ay naka-upo sila ngayon sa sahig magkaharapan at may lamesa sa gitna nila.

Tinururuan siya ni Mikha maglaro gamit ang Braille cards na binili pa ni Mikha para makapagpalipas oras sila.

Mikha: Aba, ang galing mo ah!
Aiah: Master ako diyan sa game cards nung nakaka kita pa ako noh?
Mikha: Sige, isa pang round! Feeling ko mananalo na ako!

Napangiti si Aiah, masaya siyang nakakasama ang dalaga sapagkat alam niyang mapagkakatiwalaan ito. Unang beses ni Aiah na magkaron ulit ng kausap at maka-kilala ng bagong kaibigan. Hindi niya lubos maisip na makaka hanap siya ng bagong kasama sa mundo niyang madilim.

Mikha: HALA! Panalo ka na naman!

Ngumiti si Aiah, napakinggan niya na binato ni Mikha ang baraha sa lamesa dahil sa pagkadismaya na natalo ito.

Aiah: Weak!
Mikha: Babawi ako, teka! Gusto mo ba ng kape? Malakas ulan eh nilalamig din ako.
Aiah: Sige!

Nang matapos magtimpla ay bumalik si Mikha sa pagkaka-upo naka indian seat sila parehas at umiinom ng kape. Habang malakas ang ulan sa labas, sa gitna ng lamesa ay nagkalat ang mga baraha.

Aiah: Mikha, anong itsura mo?
Mikha: Ako? Nako, di ko din alam. Di sa pagmamayabang ha, madaming nagsasabi na maganda ako!
Aiah: Sila yata may diperensya sa mata eh?
Mikha: Hoy! Grabe atake, porket maganda ka!
Aiah: M..maganda ako?
Mikha: Oo naman!
Aiah: Salamat. Sige na nga, naniniwala na ako sayo!
Mikha: Makapal ang kilay ko, matangos ang ilong at mahaba ang pilikmata ko. Ayan nalang.
Aiah: Buhat na buhat ang bangko natin ano?

Tumawa si Mikha sa dalaga.

Mikha: Supportahan mo nalang ako, akala ko ba naniniwala ka na?
Aiah: Oo na!

Uminom ng kape si Aiah, biglang kumidlat nang malakas dahilan para matapon ang kape na hawak niya dala ng gulat.

Mikha: Teka, ibaba mo yung kape kukuha akong pamunas.

Inilapag ni Aiah ang Kape habang hawak hawak padin niya ito. Maya-maya naramdaman niya si Mikha na pinupunasan ang table, kumidlat pa ulit nang sobrang lakas at napa-tili si Aiah at napa-pikit.

Pagka mulat niya... naaninag niya ang isang babae sa harap niya, malabong malabo ngunit nakita niyang pula ang buhok nito at ito ang una niyang naaninag dahil matingkad at naka blue na jacket ang dalaga sa harap niya.

Mikha: Aiah? Ayos ka lang?

Naaninag niya ang pagbuka nang bibig ng dalaga.

Aiah: Mikha?
Mikha: Anong meron? Okay ka lang?

Naaninag niya ang mata ni Mikha, kahit malabo.. tama nga ang description na sinabi sakanya ni Mikha, makapal ang kilay nito at matangos ang ilong. Kahit sobrang labo ay naaninag niya ang mukha at itsura ng dalaga, parang ayaw na pumikit ni Aiah ng mga panahon na iyon.

Kumaway si Mikha na parang chinecheck kung nakikita siya ni Aiah dahil nabahala siya at naka tulala lamang si Aiah sakanya.

Lumabo lalo ang paningin ni Aiah at hanggang sa magdilim ulit.

Mikha: Aiah, anong nangyari?
Aiah: W.. wala.

Napatahimik na lamang si Mikha at pinag patuloy ang pagpupunas.

Habang si Aiah ay hindi makapaniwala... naaninag niya kahit papano ang dalaga.

Have You Ever Seen The RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon