Nasa mall si Aiah at nasa isanv kilalang shop, tumitingin siya ng damit para sa event nila next week. Hindi naman maarte ang dalaga ngunit, kailangan niyang paghandaan ang event dahil Anniversary ito ng company nila at kung tutuusin, maganda pa naman ang mga dress niya. Nang makapili ay sinukat niya ito at umalis na siya sa shop, may nakita siya sa di kalayuan sa isang coffee shop sa loob ng mall, naka blue na polo at umiinom ng kape ang babaeng nakita niya habang may dyaryong hawak... si Mikha. Naglakas loob siyang lumapit sa dalaga.
Aiah: It's nice to see you here.
Napatigil si Mikha at napatingin kay Aiah, napangiti ito ay inanyayahan si Aiah magkape.
Aiah: Wala ka yata sa clinic mo ngayon?
Mikha: Ah, yeah! Kasi yung ka partner ko muna yung pinag asikaso ko. I had to drive Maloi earlier sa airport.
Aiah: Airport?! San siya punta?
Mikha: She's obliged to join her father sa isang business trip. So, she had no choice kaya sumama.
Aiah: I see, kamusta naman kayo?
Mikha: We're good! Years of living together narin and settled.
Aiah: Marriage nalang kulang?!
Mikha: Not in a rush, we just wanted to take our own time.
Aiah: Kamusta sila tito sayo? Okay naman?
Mikha: Yep, after all. Wala naman silang choice but to accept me. Alam mo, i judged them for letting you feel like shit when Jake passed away. Sorry ha, as much as i wanted to open the topic about them tikom ang bibig nila about it. Pero, wag ka magaalala! Kapag na-open yun, pagtatanggol kita!Napatawa lang si Aiah at ganoon din si Mikha. Sabay silang lumabas ng mall.
Aiah: Ouch! Umuulan?!
Mikha: Oh.. oo nga! May payong ka?
Aiah: Wala...
Mikha: Here, you can take mine.
Aiah: Baliw, hindi na!
Mikha: Go na, you'll walk lang from here right? Ako pwede ako mag taxi.
Aiah: You sure?
Mikha: Yes.Kinuha ni Aiah ang payong sa kamay ni Mikha at nagpasalamat, parehas silang naglakad sa magkaibang direksyon.
Samantala, binato ni Colet ang remote ng kanyang TV.
Abbey: Puta? Problema mo?!
Colet: Walang magandang panoorin eh!
Abbey: Apakalakas talaga ng tama mo!
Colet: Kanino, sakanya?
Abbey: Gungong!Tumawa si Coletb at binato siya ni Abbey ng unan.
Colet: Gagong to!
Abbey: Pero, seryoso nga Cole. Never ba kayo nagkadevelopan ni Maloi? I mean, bago kasi kita makilala sabi mo matagal mo na kaibigan yun.
Colet: Hindi, never.
Abbey: Best friend lang talaga?
Colet: Oo nga!
Abbey: Okay!!
Colet: But i had this huge crush on her before.
Abbey: Woah there!
Colet: Pero, never ako umamin. I don't like to complicate things between us tsaka.... Basta, i promised her that no matter what hinding hindi ko siya iiwanan.
Abbey: You got it bad huh?
Colet: Alam mo minsan, gusto ko nalang iuntog yung ulo ko sa pader. I want to always ensure na, okay siya kahit na di ko naman na trabaho yun and yet i know, may girlfriend na siya na ikakasal na nga yata sakanya soon. Pero, we have this bond na kahit sino hindi yun maalis samin maski jowa pa niya.
Abbey: Grabeng confidence yan!
Colet: If you only knew...Samantala, dumating sa clinic ni Gwen si Mikha.
Mikha: Gwen!
Gwen: Mikhs, may progress yung kaso, ipapatawag namin bukas yung anak ni Anton Vergara.
Mikha: Sino daw?
Gwen: Colet.. Colet VergaraHalos mabingi si Mikha.. si Colet?! Ang kaibigan ni Maloi?!
Mikha: Wait... siya ang anak ng may-ari ng kotse na nakabangga sa kapatid ko?
Gwen: Oo? Kilala mo?
Mikha: Bestfriend yan ni Maloi!
Gwen: Oh...
Mikha: I need to call Maloi.Tinawagan agad ni Mikha ang kasintahan.
Maloi: Babe?
Mikha: Hun, may progress sa kaso... si Colet! Si colet yung anak ng may ari ng SUV na naka sagasa kay Mikel!
Maloi: ANO?!
Mikha: Diba?! Maski ako nagulat!
Maloi: Ano daw gagawin?
Mikha: Ipapatawag si Colet sa presinto bukas, hihingan lang ng statement. Hun, malapit ko na makuha ang hustisya!
Maloi: Teka, eh bakit si Colet yung ipapatawag?
Mikha: Hun, patay na yung dad niya hindi ba? So yung kotse its either dad niya nagdadrive or mag driver i.. really don't know! Basta alam ko lang makukuha ko na yung hustisya.