Part 5

58 7 1
                                    

Tahimik na nagseselpon si Mikha nang biglang tumunog ang pinto sa isang silid, batid niyang palabas na ang kanyang amo. Bumukas ito at napa-tayo si Mikha at bumungad sakanya ang isang babae na maganda, mahaba ang buhok at matangkad.

Aiah: Sinong andiyan?
Mikha: Ah, ano.. ako po, Ma'm si Mikha po.
Aiah: Ikaw yung pinadala ni mama?
Mikha: Ako nga po! May gusto po ba kayong kainin?
Aiah: Kaya ko naman kumilos, mag cellphone ka nalang diyan.
Mikha: Nako, di ko po magagawa yan kasi bayad po ako eh sige di ko po kayo masiyadong papakielaman pero, hayaan ninyo po ako ihanda yung pagkain ninyo.

Gumabay si Aiah sa paglalakad at may dala itong baston na nagmimistula niyang gabay, lumapit si Mikha at hinawaka ang kamay ng dalaga.

Mikha: Alalayan ko na po kayo, para mas mabilis.

Hindi naman sumagot si Aiah at hinayaan niyang alalayan siya ni Mikha, nang makarating sa hapagkainan ay hinanda ni Mikha ang kakainin ng dalaga.

Aiah: Mukhang bata ka pa?
Mikha: Ay, nadale po ninyo! Bente palang po ako.
Aiah: Paano ka naman nakuha ni mama?
Mikha: Yung kaibigan po ng nanay ninyo ang nag refer sakin, actually yung anak. Eh, di niyo sana mamasama-in. Bulag din po kasi kapatid ko.
Aiah: T..talaga? ilang taon na siya?
Mikha: 7 po, baby palang siya pagka-panganak pa lang eh hindi na siya nakaka-kita.
Aiah: Sorry to hear that.
Mikha: Wala po iyon, okay na po yung pagkain ninyo mam kapag may utos kayo sabihan ninyo ako andito ako sa sofa lang po.
Aiah: Salamat.
Umupo si Mikha sa sofa at sumasalisi siya ng tingin sa dalaga na kumakain. Nang matapos ay naghugas ng pinggan si Mikha at inayos ang pinag-kainan ng dalaga.
Habang naka-upo si Aiah sa sofa, nadinig niya ang patak ng ulan mula sa bintana.

Mikha: Umuulan na naman.
Aiah: Malakas na ba?
Mikha: Hindi pa naman mam, sakto pa lang.
Aiah: Aiah.
Mikha: Po?
Aiah: You can call me Aiah.
Mikha: Okay po.
Aiah: Madilim ba ang kalangitan?
Mikha: Medyo po, mula dito sa bintana ninyo mukhang may ilalakas pa itong ulan na ito.

Sumandal si Aiah sa sofa, saktong tumaas si Lingling sa upuan at humiga sa tabi niya.

Habang si Mikha ay nasa isang tabi at nagbabasa ng libro habang si Aiah ay hinihimas ang pusa at di katagalan ay lumakas na ang ulan, isang komportableng katahimikan ang bumalot sa condo. Matapos ang ilang minuto, nagsalita si Aiah.

Aiah: Baka nagugutom ka na, pwede kang kumain kahit anong oras mo gusto wag mo na ako intayin dahil di ako tugma sa oras kung kumain.

Ngunit walang sumagot sa kanya.

Aiah: Mikha? Andiyan ka pa ba?

Tumayo si Aiah, gamit ang baston ay dahan-dahan niyang tinahak ang daan hanggang sa mapatigil siya dahil tumama ang baston sa isang ani niya ay paa.

Pinakiramdaman ni Aiah ang kapaligiran, sinimulan niyang kumapa at nakapa niya ang isang Mukha... Mata ni Mikha ang una niyang nakapa at napakiramdaman niyang naka-pikit ang dalaga.

Napa-ngiti si Aiah, namangha siya dahil wala pa ilang oras ay nakatulog agad ang dalaga.
Hindi napigilian ni Aiah na kapain ang mukha ng dalaga, batid niyang maganda ito dahil matangos ang ilong at nang maramdaman niyang asa labi na ng dalaga ang kanyang kamay ay inalis niya ito.
Nadinig niya ang tahimik na pag-hinga ni Mikha, alam niyang tulog na ang dalaga kaya umalis na siya at pumasok sa kwarto.

Matapos ang ilang oras, nagising si Mikha at napabalikwas ng makita sa orasan na 2:00pm na. Hinanap ng mata niya si Aiah ngunit batid niyang asa kwarto na ito, nakita niyang naka-bukas lamang ang kwarto ng dalaga.

Tumayo siya para isarado, nang biglang lumabas ang dalaga ng.. nakatuwalya at bagong ligo.

Napatalikod si Mikha at halos manlaki ang mata sa nakita. Dahan-dahan siyang lumingon at sinarado ang pinto ng dahan-dahan.

Nang lumabas si Aiah ay nagsalita agad si Mikha.

Mikha: Mam este, Aiah.. Pasensya ka na. Nakatulog ako.
Aiah: Ayos lang, walang problema iyon. Nagugutom ka na ba?
Mikha: Medyo, pero sabay na po tayo.
Aiah: S..sige.

Katulad ng ginawa ni Mikha lumapit ulit siya sa dalaga at inalalayan ito sa lamesa. Habang pinapa-init ang ulam ay nakatanaw ito kay Aiah nan aka-upo at matiyagang nagiintay sa pagkain.

Nagsimula na silang kumain nang ma-ihanda ni Mikha lahat ng pagkain at magkatapat sila ngayon.

Sumubo na si Mikha ngunit naiulwa niya ito nang magsalita si Aiah.
Aiah: Hindi pa nagdadasal.
Mikha: Sabi ko nga po eh.

Nag-antanda silang dalawa at si Aiah ang nagsimula ng dasal. Matapos ay nagsimula na silang kumain.

Aiah: Ikaw din ba nag-aalaga sa kapatid mo?
Mikha: Madalas po, kasi yung nanay ko mananahi po siya. Madalas siya din nagdedeliver ng mga tinahi niya, door to door ba ganon. Eh, madalas naman po nakikinig lang ng radio yung kapatid ko hindi naman po ako pinahirapan nun. Mabait po yun.
Aiah: May chance pa daw ba siyang maka-kita?
Mikha: Naka-pila kami sa eyebank kaso, mukhang matagal tagal pa po dun eh.
Aiah: Naka-pila din pala kayo.
Mikha: Kayo din po?
Aiah: Oo, last year lang naman ako nagka-ganito and hoping na sana last year ko na 'to na hindi nakaka-kita.
Mikha: Nako, wala po impossible!
Aiah: Ikaw ba, naniniwala ka na makaka-kita yung kapatid mo?
Mikha: Sa totoo ho, kumakapit ako sa kakarampot na pag-asa kung pwede nga lang ho na idonate ko mata ko sa kapatid ko. Gagawin ko, pero hindi naman po yun possible. Kaming mga tama lang ang estado sa buhay, pananalig nalang mayroon kami.

Napa-ngiti si Aiah, kahit ba na nagiiwas siya sa tao ay parang komportable siya sa isang 'to. Matapos kumain ay naupo si Aiah sa sofa at binuksan ang TV.

Aiah: Binubuksan ko lang to kasi gusto ko makinig, kapag may gusto ka panoorin sabihin mo lang.
Mikha: Nako, wala naman po.

Sa maghapon na magkasama sila, ay tahimik na nakikinig ng telebisyon si Aiah habang si Mikha ay nanonood naman. Nang manawa na ay pinatay na ni Aiah ang telebisyon, napansin ni Mikha ang isang gitara.

Mikha: Aiah, nag guiguitara ka po pala?
Aiah: H..hindi.
Mikha: Ah, eh kanino yang gitara?
Aiah: Sa... kaibigan ko.
Mikha: Pwede po ba hiramin?
Aiah: S..sige, marunong ka?
Mikha: Opo.

Tumayo si Mikha at kinuha ang gitara, nagsimula niyang i-tono ang gitara. Maya-maya ay tumugtog ito at kumakanta ng " Hey day dreamer" ng somedaydream.

Isang memorya ang dumalaw kay Aiah.

Flashback.

Hinihila ni Stacey si Aiah pababa ng kanilang building.

Aiah: STAKU! Saan mo ba ako dadalhin?
Stacey: Basta ka sumama!

Nang makarating sa grounds ay nakita nila ang nagkukumpulan na mga estudyante, nakita ni Aiah si Jake na may hawak ng gitara at tumututog ito ang Hey day dreamer ng somedaydream.

Yun ang araw na nagkumpisal si Jake sakaniya ng nararamdaman ng binata. Hinarana siya nito inalayan ng isang kanta bago tanungin.

End of flashback.

Kumakanta si Mikha habang patuloy ang pagbagsak ng ulan sa kalangitan, hindi napigilan ni Aiah ang sarili dahil naungkat ang memorya sa namayapang nobyo.

Aiah: Will you stop that?
Mikha: Po?
Aiah: Stop!
Mikha: Pero mam—
Aiah: I said stop!

Tumayo si Aiah sa kinauupuan at kinuha ang baston, tumayo din si Mikha.

Mikha: Mam, may nagawa po ba ako? Sige po, hindi ko na papakielaman 'tong gitara.
Aiah: Don't ever play that song again, papasok na ako sa kwarto.

Dahan-dahan na tinahak ni Aiah ang daan papuntang kwarto at nang makarating sa silid, sinarado niya ang pinto at napahagulgol. Habang si Mikha ay nadidinig ma-ingat na binalik ang gitara sa lalagyanan.

Dumaan ang ilang oras na hindi na lumabas pa si Aiah sa silid, at di katagalan ay nag gabi na at dumating na ang Ina nito.

Mari: Mikha, salamat sa pag-aasikaso ha.
Mikha: Ah, wala po iyon!
Mari: Eto nga pala bayad ko, tsaka eto.. konting pasalubong para sa pamilya mo.

Iniabot ng ginang ang isang paperbag na may pagkain.

Mikha: Nako, nag-abala pa po kayo!
Mari: Ikaw nga ang inabala namin eh.

Kinatok ni Mari ang anak at lumabas naman ito, nahihiya man si Mikha ay nagpaalam ito sa dalaga.

Mikha: Mam Aiah, Salamat po!
Aiah: Pasensya ka na and salamat din.

Ngumiti si Mikha at nagpaalam na sa mag-ina. Pagka-labas niya ng pinto ng condo ay napatingin ulit to saglit sa pintuan na parang gusto niyang pumasok pa ulit ngunit, pinigilan niya ang sarili at umuwi na.

Nang makauwi ay nag-ayos agad siya para matulog, hindi mapakali si Mikha sa nangyari kanina kung bakit siya pinatigil ng dalaga.

"Wala ba sa tono yung boses ko? Baka naman yung gitara" Bulong ni Mikha sa sarili habang nagpapatuyo ng buhok. Napa-iling nalang ang dalaga at kinuha niya ang telepono, sinearch niya sa facebook si Aiah dahil sa kuyosidad, bumungad sa-kanya ang isang headline na inilabas noong isang taon pa.

"Two college students were involved in a car crash; Tuesday afternoon, it was confirmed that two college students were rushed to the hospital due to a fatal accident. It killed the driver, 23 named Jake, while his girlfriend, Aiah Monterde, 23, a Tourism student, was in a critical stage and was rushed to the hospital after the accident. "

Kung hindi nagkakamali si Mikha ito si Aiah na inalalayan niya kanina. Nagulat si Mikha sa mga nabasa at naalala niyang nasabi ng dalaga na noong isang taon lamang siya nabulag kaya malamang sa malamang ay ito ang sinasabi nito na aksidente.

Napabuntong hininga nalang si Mikha, malamang ay sariwa pa kay Aiah ang mga nangyari. Napailing nalang siya dahil alam niya ang hirap na kinakaharap ni Aiah lalo na at isang taon pa lamang pala ang lumipas nang maaksidente ito.

Nang nakatulog si Mikha ay naalimpungatan siya sa isang malakas na ulan. Tinignan niya ang orasan 4:30am, at bumalik sa pag tulog kung saan nanaginip siya.

Sa isang bukid, tumatakbo siya sinusundan niya ang isang batang babae at nagtago ito sa isang malaking puno.

"Ella, bilis! Dito ka magtago para di tayo agad makita ng mga kalaban natin"

Kaagad sumunod si Mikha at nagtago din sa tabi ng dalaga.

Naka-ngiti ang bata sakanya sa panaginip, habang sumisilip sa mga kalaro nila na hinahanap sila.

Naputol na ang panaginip ni Mikha doon at tuluyan na siyang nagising, isa na namang putol na panaginip ang dumalaw sakanya kung saan bata pa siya doon at masayang naglalaro.

Have You Ever Seen The RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon