Part 32

63 6 0
                                    

Aiah's POV:

Mikha was peacefully sleeping, pagod siya sa Chemo niya. Her body is slowly deteriorating because of leukemia but she's still the beautiful Mikha.

Thankfully, pwede ang remote job sa trabaho ko so I don't have to worry about leaving her behind. Magkasalitan kami nina tita at tito na nagbabantay. While she was sleeping peacefully, I went to the chapel near her room. I sat down for a good 15 minutes saying my usual prayer. Kung aaminin man ako, Oo.. nakakatakot, mawalan ulit nang taong minamahal,nakakatakot kasi nagsisimula palang uliy yung puso ko na umibig pero eto na naman. Pero kapag mahal mo ang isang tao, hindi mo siya susukuan at maski yung pinaka-manipis na sinulid hahawakan mo para lang sa isang karampot na chance para maisalba sila.

I couldn't save Jake when he passed away. Yes, I was with him pero I wasn't the one who had perished sa accident. Kaya sinabi ko sa sarili ko na sa susunod, gagawin ko lahat para maisalba ang taong mahal ko. Naniniwala ako na this is Jake's sign for me na maging matapang at ipaglaban ang taong mahal ko na lumaban at maging matapang kapag hindi niya na kaya. Naniniwala ako na gagaling si Mikha katulad ng ibang tao, nagreresearch ako ng survival rate ng leukemia and kahit na konti lang ang nakaka-survive magaan sa loob ko malaman na atleast, may nakaka survive.

Kung tatanungin din ako if nahihirapan ba ako. Oo, nahihirapan akong makita si Mikha na nahihirapan. Hindi ako nahihirapan sa pag-aalaga sakanya dahil kahit walang tulugan kakayanin ko yan. Pero hanggat nakikita ko siyang lumalaban, okay ako. I saw her getting tired of the Chemo and everything pero nakikita ko siyang patuloy na pinipilit lahat kaya katulad niya.. lalaban ako.

Lumipas ang mga ilang araw, maganda naman ang takbo ng chemo ni Mikha and pinipilit niyang kumain ng mga masusustansyang pagkain. Wala naman siyang choice.

Ngayon, nagluto si tita ng pakbet at pinatikim ko siya kahit konti.

"Sorry lovey ha?" she said, while I was fixing her food. "Sorry for what? I asked.

"Sorry, kasi we're not the normal couple na nagsisimula pa sana ngayon at may stable na relationship. Ikaw, eto nagpapakahirap para sakin." She said, it breaks my heart every time she says na pabigat siya sakin.
"Mikhs, aanhin ko ang maayos na relasyon kung hindi lang din ikaw ang makakasama ko. Dibale na habang buhay kita alagaan kesa naman sa iba ako mapunta. Masaya ako sa ginagawa ko." I answered and I saw her smile.

May kinuha siya sa table sa tabi ng bed niya, isang sunflower bouquet gawa sa papel. "Eto nalang muna, para hindi malanta. Kapag kasi tunay na bulaklak eh nalalanta, so habang nag wowork ka or nagpapahinga ka sa bahay kapag di mo ako binabantayan. Nag-aral ako pano gumawa nito. "She handed me the flowers and I cried. I hugged Mikha, the tightest one. "Ai, kapag gumaling na ako promise ko sayo, we will travel, and we will make sure na gagawa tayo ng best memories." Mikha smiled as soon as she finished her sentence. I kissed her gently, "Kahit saan pa lovey, basta sayo lang ako. Ikaw lang kasama ko." I saw her eyes glowed up.

Normal routine na namin magbasa ng bible, sobrang laki na ng pinagbago ni Mikha and she became more prayerful. Nawala na yung hatred sa puso niya since nabigyan na ng justice si Mikel after so many years, dumating man ang isa pang problema alam ko na kakayanin ni Mikha yun. Kakayanin namin yon. After reading the bible, hinanda ko na ang toothbrush niya and inalalayan ko na siya mag toothbrush. When she was about to sleep, she asked kung pwede daw ako tumabi sakanya. "Lovey, tabi ka sakin" she pouted, and I shook my head. "Lovey, pano kapag kukuhanan ka ng BP ng nurse? You know they are checking you from time to time" nakita ko ang pagsimangot ni Mikha. Hindi ko din naman siya ma-hindian kaya wala akong choice. I gave in, humiga ako sa tabi niya I slowly caress her back para makatulog siya.

When I woke up, she was still sleeping. Nakita ko na si Tito na nagaayos ng gamit kararating lang din niya. Nagpaalam na ako na umuwi muna, kasi sila ang naka-toka sa pagbabantay kay Mikha today. Habang hinalikan ko si Mikha sa noo habang tulog, paglabas ko naabutan ko si Tita na papunta sa kwarto ni Mikha, naka-ngiti ito at may dalang mga pagkain.

"Tita, mauuna na po ako ah? Babalik ako bukas ng umaga po." Ngumiti si Tita sa akin at nagpasalamat. Nang makarating na ako sa bahay, nagsimula na akong magtrabaho pagod ang mga mata ko dahil di naman komportable ang pagtulog ko kagabi, gawa ng mas binigyan ko ng space si Mikha sa hospital bed niya. Nakaidlip ako saglit pero nagising ako after an hour, nagcheck agad ako ng emails ko. At nagtimpla ng kape pang pa gising, nang matapos ang araw ko gumawa ako ng usual na routine ko at di nawawala doon ang pagbabasa ng bible. Maaga ako nagising kinabukasan, ako na ang papalit kina tita sa pagbabantay kay Mikha. Maaga akong nag ayos ng gamit at nang makarating ako sa ospital.. nagulat ako dahil wala si Mikha sa room niya.. malinis.

Agad akong nagpunta sa nurse, tinatawagan ko si tita pero di sumasagot. "Nurse, asan yung nasa room 305?" tanong ko sa nurse sa nurse desk. "Ah, Mam wala na po sila don.. kagabi pa po walang tao don."

Kagabi? "Nadischarge na sila?" Tinignan ng nurse ang record niya "Mam, based sa records po nalipat sila ng room, room 408 na po." Nagpasalamat agad ako sa nurse at sumakay ng elevator papunta sa kwarto ni Mikha. Nang makarating ako don, wala si Mikha sa bed pero andon si Tita... pagkapasok ko, halos lumiit ang mundo ko nakita nila akong nagpapanic maya-maya, lumabas si Mikha sa CR halos matanggalan ako ng tinik sa lalamunan. "Lovey, andiyan ka na pala! Tatawagan ka palang namin nagpa taas kami kasi mas malaki yung hospital room na—" hindi ko na siya pinatapos, niyakap ko siya nang mahigpit.

"Akala ko kung anong nangyari sayo, i was worried Mikhs!" Mikha laughed, "Baliw. Okay ako lovey, staying stromg!" Sabay flex ng muscle niya.

Lord, mahabang oras pa po para kay Mikha.. kahit di niyo na tuparin yung balak ko na ma promote! Basta gumaling ang taong mahal ko.

Have You Ever Seen The RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon