Chapter 28

6 1 0
                                    

Chapter Twenty-Eight
Virus

He was only protecting what he's mine?

What does he mean by that?

He really only sees me as his property. A toy that he likes to play with and a game that he likes to make fun of.

Nothing else.

Naramdaman ko ang pagbabago sa postura ni Mister Valdigierro, biglang naging marahas ang tindig niya at nauunahan na niya ako sa paglalakad. Kahit lakihan ko na ang paghakbang ay hindi ko talaga siya maabutan kaya kahit nakaheels ay sinamahan ko na lang ng pagtakbo ang hakbang para maunahan ko siya sa entrada ng lobby.

Pakiramdam ko kasi ay parang susugurin niya ng suntok si Rob. Akala mo naman kung makabakod parang nobyo ko siya.

"Aisha!" Alanganin ang ngiti ni Rob ng batiin ako saka ito nakangiwing tumango kay Mister Valdigierro bilang pagpapakita ng paggalang dito. "Good evening ho, Sir Valdigierro."

But Mister Valdigierro didn't say anything, he only stared at him. He's even examining him. Tila naghahamon, nagmamayabang.

"Ano 'yon, Rob?" Tanong ko, inaagaw ang kanyang atensyon.

Alam kong ako ang hinihintay niya doon dahil napaka-imposible naman kung si Mister Valdigierro ang gusto niyang kausapin. Maliban na lang kung para kay Mister Valdigierro ang hawak-hawak niya.

Tumikhim siya, namumula. Mula sa mukha niya ay bumaba sa kanyang katawan ang tingin ko nang bigla niyang itago sa kanyang likuran ang kanyang hawak-hawak pero huli na dahil nakita ko naman na iyon.

"Sorry! Akala ko kasi hindi talaga totoo." Dismayado niyang bulong pero parang sinabi niya iyon para kay Mister Valdigierro at hindi sa'kin.

Hindi ko alam kung bakit hiyang-hiya siya pero mas nangingibabaw ang takot sa kanyang mga mata.

"Ano nga iyon, Rob?" Naiinip na ako, talagang kukutusan ko na siya.

Saglit siyang sumulyap kay Mister Valdigierro na nasa likuran ko lang pero agad din naman siyang nagbawi ng tingin at naintindihan ko na ang gusto niyang sabihin.

"Hurry up or we won't make it to the visiting hours." Saka kami nilagpasan ni Mister Valdigierro, bahagya niya pa ngang natabig ang balikat ko at gano'n din si Rob.

Mas lalo tuloy namutla ang lalaki.

I sighed heavily. "Huwag kang nagpapaniwala sa mga chismis, Rob, masisira lang buhay mo doon."

"Hindi ba totoo na may relasyon kayo ni Sir Valdigierro?"

Hindi ako makapaniwalang napaubo hanggang sa mahinang tumawa. "Kung ikaw ba ang tatanungin, sa tingin mo papatulan talaga ako ni Mister Valdigierro?"

"Bakit naman hindi, Aisha? Ang ganda mo kaya, sexy ka, matalino tsaka mabait pa." Segunda naman niya, parang siya pa ang mas na-offend sa sinabi ko para sa sarili ko sa halip na ako.

Humagikhik ako. "Kung ganoon, sa tingin mo magugustuhan ko si Mister Valdigierro?

He blinked at me, giving off the impression like there was something off about the way I looked and what I had said. "Bakit naman hindi, Aisha?"

Nagkibit-balikat ako saka inilahad ang kamay sa kanya. Dahil pinuri niya ako ng sobra-sobra at nagustuhan ko iyon kaya magiging mabait ako ngayon sa kanya at pagtyatyagaan ko na lang ang pagiging mabagal at duwag niya.

"Akin na bago pa magbago ang isip ko."

Biglang bumusina ng pagkalakas-lakas ang sinasakyang kotse ni Mister Valdigierro na may napatili at napatalon pa sa gulat pagkadinig doon. Napapitlag nga rin ako sa gulat, si Rob naman ay aligaga na.

Downfall Misery Part I | Downfall Trilogy ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon