Chapter 13

13 2 1
                                    

Chapter Thirteen
Assurance

Oz Valdigierro scares me more than he already did.

He stirs up emotions in me that I never knew I have. Sabay-sabay ko sa kanya nararamdaman ang ibat-ibang emosyon at iyon ang mas lalo kong ikinatatakot. Negative, positive emotions...

Negative... Positive and now even... Even sexual emotions.

I can't let myself feel this way towards a guy that puts me in a situation where I need to question my own sanity. Towards a guy that puts my life in danger every day and almost kills me.

None of this shit makes sense. I don't have the time to even feel this. To caught up in this bullshit.

Naging aso na lang sana ako, katulad ng pitbull na nakadamit pa at nilalaro ang maliit na bola sa 'di kalayuan ng kinauupuan ko. May sarili din siyang stroller tapos sinusubuan pa ng treats ng kanyang batang amo. Minsan lilingon sa'kin at tila ba nang-aasar na ngingisi, labas pa ang dila kaya pakiramdam ko pinagtatawanan ako nito.

You know your life sucks when a dog has a better life than you.

My phone beep and I saw Sevi's calling. I cleared my throat before answering it.

"Bakit-"

"Bakla ka, kanina pa kita tinatawagan. At akala ko ba nasira ang phone mo?"

"Phone pala ng tatanga-tanga kong boss ang nasunog. Nakuha niya iyong phone ko, kakabalik lang kahapon."

Why am I even explaining to him? But as I think about it, parang alam ko na kung paano nakuha ni Mister Valdigierro ang cellphone. And I'm sure that was when he let me rode the elevator with him. He really planned it. Salisi gang din talaga ang isang 'yon.

"Nasaan ka ba?"

"Naghahanap ako ng extra job."

"Baka naman may requirements iyan na blow job. Grab it na, girl." Saka siya malanding tumawa.

Namula ang pisngi ko. "Eusebio, masasakal na talaga kita."

Lumabas nga ako ngayon para maalis ang agiw sa utak ko pero ayaw naman akong patahimikin ng baklitang ito. Habang naglalakad kanina ay may nakita lang ako sa poste na mga nakadikit na mga papel at available na trabaho kaya sinunggaban ko na.

Humalakhak siya. "Mrs. Minchin, gusto ko lang ipaalam sa'yo na wala na si Xcix-"

"Putangina, anong sabi mo?"

Sa sobrang gulat ay napatayo ako sa kinauupuang bench, literal na parang tumigil ang pagtibok ng puso ko tapos nakuha pa niyang tumawa. Ang mga tao naman sa park ay napatingin sa'kin dahil talagang sobrang lakas ng boses ko na ultimo mga ibon sa punong nakatanim do'n ay nagsiliparan.

"OA? Grabe ah, ang lutong niyon. Hindi muna kasi ako patapusin bago mag-react." And I know he's rolling his eyes. "What I mean is, wala na dito sa ospital si Xcix-"

"Pinalayas nila? Hindi ba bayad naman na ang isang buwan niya pa d'yan? Akala ko mapoprotektahan n'yo?"

I bite the nail on my thumb as I start to walk and feel this agitation that starts to build inside me.

"Gaga ka talaga, patapusin mo nga muna ako." Iritableng bumuntong-hininga siya. "Kaninang umaga, may mga ilang lalaki na pumunta dito at kinuha si Xcix. Sinubukan naming pigilan ni Nurse Jhayden pero mukhang makapangyarihang tao ang nag-utos sa kanila. Mas makapangyarihan pa ata sa Direktor ng ospital dito. Sabihin ko daw sa'yo ang pangalang Mister Valdigierro. Kilala mo ba, Aisha?"

Naging mabagal ang paglalakad ko hanggang sa tuluyang huminto.

"Ano, Aisha? Kilala mo ba?" Tumikhim siya tapos mahina na ng magsalita ulit. "Huwag mo akong hahampasin ah pero totoo ba na kabibe ka ng isang bilyonaryo? Grabe ah, hindi muna milyonaro. Talagang diretso ka sa bilyonaryo. Tinalo mo pa ang mga nanalo ng gold."

Downfall Misery Part I | Downfall Trilogy ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon