Chapter 41

6 1 0
                                    

Chapter Forty-One
Sick

I'm already sweating, almost breathing hard as I press my palms into the mat and slowly peel the back of it. Holding in bridge pose, I float my arms behind me as I inhale and exhale back using slow and mindful movements.

We've been doing this for half an hour now, but my mind was still occupied with what happened last night. Tila pa nga, naiwan ko ang isipan at katinuan sa silid.

We just slept. Nothing more.

Paggising ko nga ay wala na siya pero may nakahanda ng umagahan sa bedside table. Naguguluhan pa rin ako sa mga nangyayari. Pakiramdam ko ay may ibang motibo siya kaya hindi ko pa rin siya lubos na mapagkatiwalaan.

I mean, after everything that happened, suddenly he was sweet and nice?

And I won't forget where I clearly ordered everyone that I want his head. In a silver platter because it feels like he already forgot about that part.

So him, being this nice and so sweet to me is really suspicious.

I won't fall for it. Never!

Nakangiting nilapitan ko si Miss Rosalie, she looks so chick in her orange two piece seamless yoga bra and high waist Leggings. Pwedeng-pwede siyang ilaban sa beauty contests, sa gandang taglay niya at tangkad siguradong mananalo siya.

"This is tiring but also fulfilling." Kumento niya habang umiinom ng tubig sa baon niyang tumbler.

Natatawang tumango na lang ako saka uminom din sa dala kong tumbler. Yes, pilates maybe hard and tiring but I started to love it. Nasasanay na nga rin ang kalamnan ko sa sakit, pangangalay at ilang minutong kawalan ng timbang para ibalanse ang sarili.

My eyes widened in awe when I noticed something in her hair.

"Your blonde, Miss Rosalie?" Mangha kong tanong.

Hindi agad siya nakapagsalita at napansin ko ang paglunok niya. Bahagyang kumunot naman ang noo ko ng bigla niyang takpan ang bumbunan kung saan nagpapakita na ang natural na kulay ng kanyang buhok.

"Ah! Yeah! I am." Nagmamadaling iniligpit niya ang gamit. "You know, people think that blondes are stupid."

"At least you all are pretty." I joked.

Natawa siya pero wala iyong buhay at halata ang tensyon sa kanyang balikat. "I'll just go to the bathroom."

Nagtatakang sinundan ko siya ng tingin at nagkibit-balikat na lang. Actually, blondes are one of the prettiest women I encountered in my whole existence and they're also one of the smartest yet too cunning. I know a lot of them back then when I was still modelling and we really get along.

Sayang at itinatago iyon ni Miss Rosalie. And I think blonde hair suits her more than black.

Itinali ko ang sleeves ng zip sweater ko sa baywang. I'm wearing a monochromatic bodycon romper. It's seamless, and the fabric is too soft. It makes me so comfortable that I want to wear this kind of clothing every day, but it's too sexy and daring. It's inappropriate to wear this in the office too.

Uminom ulit ako ng tubig nang mapansin ang isang lalaking nakatingin sa'kin.

Matangkad ito, moreno at guwapo din. Nang mapansin niyang nakatingin ako ay nag-iwas agad siya ng mata pero wala pang limang minuto ay nakatitig na naman siya sa'kin kaya tinaasan ko na siya ng kilay. Akala niya siguro ay masisindak niya ako.

Hindi ko inalis sa kanya ang mga mata. Nahihiyang nagkamot naman siya ng ulo, nakangiwi pero hindi naman na umiwas sa'kin sa halip ay makapal pa nga ang mukha niyang lumapit.

Downfall Misery Part I | Downfall Trilogy ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon