Chapter Forty-Six
TearsBuong building ng Solaiman Enterprises ay nagkakagulo na. Lahat kabado, natatakot. May mga nagtatanong kung bakit may mga police doon at ano ba ang kailangan ng mga ito. And all of them are looking for the CEO.
Nasa lobby lahat ng mga nagtatrabaho sa lahat ng departamento ng kompanya. This makes me worry too. I told myself that I should calm down and don't think too much about this but the reactions and conversations of my coworkers are affecting me. Especially since there is press too that starts to arrive and scoop some information about what's happening outside.
Hinanap ko si Madam Evelynn pero hindi ko ito makita. Nilapitan ko na lang si Miss Rosalie ng matanaw ito sa lobby, malapit lang sa receiving area.
"Miss Rosalie, what happened?"
Tumuwid siya ng tayo, may pag-aalala din sa mukha pero napatitig sa'kin ng matagal pagkatapos ay kumurap-kurap siya. "Ah! You looked pretty, Aisha. Straight hair really suits you."
Masaya man pero hindi ko maiwasang hindi mapangiwi. "Hmm! Thanks?"
Asiwa naman siyang tumawa. "I don't have any clue of what happened, pagdating ko dito kanina ay may mga police na. How about you, Aisha? Wala ka bang alam? You're the secretary of the CEO, right? May naririnig ka ba? And do you know where he is?"
Mabilis ang pag-iwas ko ng mata. Ayaw ko man na magsinungaling pero kailangan, isa pa wala din akong alam sa nangyayari ngayon. Hindi ko din naman pwedeng sabihin ang totoo tungkol kay Oz.
I shook my head as I bit my lower lip. "I don't know too, Miss Rosalie."
Mas lalong lumakas ang bulungan sa lobby ng pumasok na ang mga police, the guy who looks like their superior was holding a megaphone. He's wearing a camouflage army uniform. Combat shirts, tactical pants, and cargo trousers with caps. Even though he looks too young to be their superior, he's still oozing with authority.
"Wala kaming balak na manggulo. All we need from you are your patience and cooperations, walang masasaktan kung nakahanda naman kayong makipagtutulungan sa amin. We already have search warrant for the whole Solaiman Enterprises building." Sa isang kamay nito ay may ipinakita ito sa aming lahat na papel na mukhang iyon ang tinutukoy nitong search warrant.
Umiling si Sir Crusoe sa mga tauhan nila ng subukan ng mga itong lumapit sa mga police para pigilan.
"I'm the acting CEO of Solaiman Enterprises, Crusoe Armendarez." Pagpapakilala naman ni Sir Crusoe saka inilahad ang kamay sa lalaki. "What was the search warrant for?"
Tinanggap naman ng lalaki ang kamay nito saka iyon binitawan din. "I'm Lieutenant General Tyrone Del Madrid. May nag-tip sa amin na pagawaan daw ng mga droga ang Solaiman Enterprises. Na ang kompanyang ito ang malaking supplier ng ibat-ibang droga at ilegal na gamot sa buong mundo."
"Let them do their job." Kinuha ni Sir Crusoe ang search warrant saka bumaling sa'kin. "Give them all they want and what they ask, Miss Aisha."
Namilog ang mga mata ko, mabilis ang mga naging hakbang na napalapit sa kanya. Hinawakan siya sa braso.
"No, Sir Crusoe. I don't think I can do it. Just let Sir Hildegard do it, I don’t think I can help them." Mahinang bulong ko.
"Is there any problem?" Lt. Gen. Tyrone asks.
Pinagmasdan ni Sir Crusoe ang mukha ko, may hinahanap. Para bang may gusto siyang alamin. Pero sa huli ay nagpakawala siya ng malalim na hininga bago tumango.
"Nothing. Hildegard Fraser and the head manager of the security department, Miss Rosalie Philips, will assist you, Lt. Gen. Tyrone Del Madrid."
Tumagal ng kalahating araw ang pagsisiyasat at pananatili doon ng mga pulis. Kahit pinabalik naman ang mga empleyado sa kani-kanilang trabaho ay hindi pa rin naging panatag ang iba. Lalo pa at pakalat-kalat ang mga pulis sa paligid. Some are still scared and some can't concentrate and I'm one of them.
BINABASA MO ANG
Downfall Misery Part I | Downfall Trilogy I
RomanceHer misery will be His downfall. - TRIGGER AND CONTENT WARNING that includes references to abuse/assault, violence, kidnapping, guns, blood and killings. Self-harm, swearing and slurs. Not suitable for young readers. Read at your own risk...