Chapter 3

11 2 0
                                    

Chapter Three
Death

Kabado kong nginitian ang lalaki ng paunahin niya akong makalabas ng elevator. Crusoe ang pangalang ipinakilala niya sa akin. Nakangiti nga siya pero ang kanyang mga mata naman ay may talim at alam ko na kanina pa niya ako pinag-aaralan.

Bubuksan na niya sana ang pinto na mukhang opisina ni Mister Valdigierro ng hawakan ko siya sa braso para pigilan.

Bumaba sa kamay ko ang kanyang tingin at kung titingnan siya ng mabuti ay alam ko na hindi niya nagustuhan ang ginawa kong kapangahasan.

"Sorry!" I immediately apologise and let go of his firm, hard arm at grabe sigurado na akong si muscle man siya.

Biniyayaan siya ng tangkad, mukha na hindi mo pagsasawaang titigan, kaakit-akit na mga mata, katawang kayang-kaya kang ipagtanggol. Siya na talaga...

Siya na ang paborito ni Lord.

"Wala ba kayong balak na masama sa akin? Hindi n'yo ba ako..." Umaarte pa ako na parang puputulin ang leeg ko saka ngumiwi pero nakatitig lang siya sa akin.

Oo nga pala, siguradong hindi ako nito naiintindihan.

"I mean, how can I trust you? What if there's a firing squad inside that room, and once you open the door," Pagpapaliwanag ko, then I put a finger gun on my temple. "Bam! Bam! Bogs! Pew! Goodbye, earth!"

Tumaas ang kilay niya pero may pagkaaliw na akong nakita sa kanyang mga mata. Napairap na lang ako.

"Why would you even think of that, Miss Aisha?" He chuckled softly. "Have you done anything wrong to think that and be afraid of us?"

"Wala 'no. Besides, this whole floor is sound proof, malay ko ba." Agad kong pagtanggi, umiling-iling habang ipinapagaspas din ang mga kamay para kontrahin ang kanyang sinabi saka tumawa. "Ikaw naman, hindi ka na mabiro."

He playfully shook his head and as he opened the door, I immediately saw the man who shot the old man that night. Prente itong nakaupo paharap sa pinto na para bang hindi na niya ako bibigyan pa ng pagkakataong makatakbo. Just like Sir Crusoe beside me, Mister Valdigierro is so charming in his executive suit too.

Scary and charming!

Scary, charming, and yeah... Sexy...

Maayos ang pagkakasuklay ng kanyang itim at makintab na buhok. Makinis din ang kanyang balat. And his ruthless, dark chocolate eyes are staring deeply into my soul which made my knees waver and my heart pound.

Bumaba sa mesa sa kanyang harapan ang mga mata ko at pagkakita sa mga nakalagay do'n na baril, kutsilyo at may bote pa. Hindi na ako nag-isip at agad na akong lumuhod.

Ibinuka ko ang mga braso saka tumingala sa mataas na kisame na tila ba gagawa ng ritwal. Well, gagawin ko talaga iyon.

"Santa Maria, Madre di Dio, prega per noi peccatori, adesso e nell'ora della nostra morte." Paulit-ulit kong sabi na tila ba sinasapian.

Sinisigurado ko rin na ang tanging makikita lang sa mga mata ko ay ang kulay puti nito habang paulit-ulit lang na binibigkas ang mga katagang iyon pero siyempre ang uri ng pagbigkas ko ay iyong nakakatakot at talagang tatakbo ang kung sino man ang makakita sa akin.

Ginagawa ko iyon kapag nararamdaman ko na may sumusunod sa akin o 'di kaya pag-iinteresan ako ng mga lalaki sa tuwing mag-isa lang ako at umuuwi ng gabi. Talagang takot na takot ang nakakakita at nakakarinig sa akin kapag ginagawa ko iyon. Para akong sinasapian at para bang bibigyan ko sila ng sumpa tapos sa ibang lengguwahe pa kaya paniwalang-paniwala sila.

Until I heard someone laughing, noong una ay pinipigilan lang nito hanggang sa tuluyan na iyong lumakas.

"Sorry, Boss, can't help it. She's really something else."

Downfall Misery Part I | Downfall Trilogy ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon