Chapter Twenty-Nine
MonsterHindi ko mapigilan ang hindi mapaungol sa bawat hagod ng kamay sa likod ko. Ang init niyon ay nagbibigay ng kaginhawaan sa buo kong katawan. Tila tinatangay ako sa isang paraisong ayaw na ayaw ko ng alisan.
I never thought that the state of physical ease and freedom from pain and constraint combined would be this good.
It feels so good.
Too good that I felt sleepy already.
From all the stress these past months, I needed this. I think I need this every once a week or maybe once a month would be okay. I don't want to be greedy anyway.
"Did you enjoy it, Aisha?" Tanong ni Miss Rosalie nang matapos kaming magpa-spa at nasa basement parking lot na ng mall.
May sarili siyang sasakyan at tila nagliliwanag iyon sa sobrang pagka-pink. Ang sakit sa mata, punong-puno siya ng kulay mula sa suot na shades hanggang sa sapatos. Bagay na bagay sila ni Sir Hildegard. Mga pinaglihi sa rainbow.
"Sobra po, Miss Rosalie. Pakiramdam ko pati kaluluwa ko ay nalinis at nakapag-relax." Pag-amin ko at talagang totoo iyon.
I felt new and stress free. Pakiramdam ko din ay lumiwanag ang utak ko at ang gaan-gaan ng katawan ko.
"That's nice to hear. We're here to enjoy and relax anyway." Tumatango naman niyang saad.
Bago pa kami magpa-spa ay kagagaling lang din namin sa gym para sa pilates class. At kahit mahirap sa umpisa ay talagang nag-enjoy ako. Back then, as a model, to maintain my fit body and weight, I have a strict diet and my only sports and exercise was running and jumping rope.
"Iba talaga ang pakiramdam ko sa babaeng 'yon." Sabi ni Eusebio habang parehas kaming nakatanaw sa papalayong sasakyan ni Miss Rosalie.
"Kanina ka pa, Eusebio. Tigilan mo na nga 'yan, nag-enjoy ka din naman. Libre kaya lahat 'yon ni Miss Rosalie tapos kung makapanira ka." Sita ko sa kanya kasi hindi na siya nakakatuwa.
Simula ng ipakilala ko siya sa babae ay hindi na maipinta ang mukha niya, lagi din siyang nakamasid dito at binabantayan ang bawat galaw nito. At ngayon ko lang siyang nakita na gano'n ang trato sa isang tao kasi natural na mabait ang kaibigan kaya laging nati-take advantage at nasasaktan.
"You don't understand, Aisha. I just have a bad feeling about her. I smell something fishy about her aura." Pagpupumilit pa rin niya.
"Intimidate at inggit ka lang kasi mas maganda siya sa'yo. Napaka-graceful, mahinhin at mabait pa. Feel mo lahat ng magagandang babae ay baklang nagparetoke." Naitirik ko ang mga mata, sumakay na sa kanyang sasakyan. "Just accept that there are women out there who were born natural beautiful like me, Eusebio."
Sumakay na rin siya pero hindi pa rin maalis ang pagdududa at agam-agam sa mukha niya. "That's not what I mean, Elaisha."
"Ewan ko sa'yo. Gutom lang 'yan, kain na lang tayo."
He glared at me. "Kakapilates lang natin bruha tapos pagkain na naman ang nasa isip mo?"
Ngumuso ako, nagpapalambing dito. "Eh anong magagawa ko? Sa nagutom ako."
Dapat ba hindi ko na lang ito isinama? Hindi rin naman ako papayagan ni Mister Valdigierro kapag hindi ko ito kasama. Bakit ba kasi ang kaibigan ang unang taong pumasok sa isipan ko ng magtalo na naman kami ng lalaking iyon. Well, ito lang naman ang kaibigan ko kasi.
Gusto ko lang namang pumayag sa alok ni Miss Rosalie noong isang araw. Gusto ko lang talagang makabawi sa babae dahil sa nagawa kong pagbaril sa noo niya.
BINABASA MO ANG
Downfall Misery Part I | Downfall Trilogy I
RomantikHer misery will be His downfall. - TRIGGER AND CONTENT WARNING that includes references to abuse/assault, violence, kidnapping, guns, blood and killings. Self-harm, swearing and slurs. Not suitable for young readers. Read at your own risk...