Chapter 36

5 1 0
                                    

Chapter Thirty-Six
Taste

Tinalikuran ko siya para punasan ang nakakairitang luha na tumulo sa mga mata ko.

Ayaw ko ng pakiramdam na 'to. Ang pakiramdam na tila ba may kamay na dahan-dahang pumipiga sa puso ko. To feel regretful of something unattainable that I want to go back to the past, to his room and stayed there just like what he told me. Until he returned. And to still feel guilty about everything I did afterward.

"Sorry, Miss Yuson. I shouldn't have asked, and I definitely shouldn't have brought up that issue." Sir Hildegard's voice is filled with remorse and shame.

Humigpit ang hawak ko sa doorknob, sunod-sunod na humugot ng malalim na hininga para pakalmahin ang sarili at ibalik sa dating huwisyo ang utak.

"Wala ka dapat ihingi ng pasensya, Sir Hildegard, nakaraan na rin iyon. Wala ng saysay pa para balikan pa at pag-usapan."

Gusto kong palakpakan ang sarili dahil nasabi ko iyon ng hindi pinanghihinaan at nanginginig ang boses.

Para saan pa kung pag-uusap iyon? May magbabago ba? And if... But what if I stayed and waited for him?

Gusto kong alugin ang ulo para magising sa katotohanan na kahit anuman ang mangyari ay wala din magbabago kung ano ang mayroon kami noon ni Mister Valdigierro o kahit sa ngayon.

Hinding-hindi ko siya mapapatawad at hindi ko rin hahayaan ang sariling patawarin siya. At kung dumating man ang araw na mangyari iyon, na magbago ang tingin ko sa kanya o magustuhan ko siya na isang malaking kabaliwan, kamumuhian ko ang sarili.

This is just the vitamin, it's trying to control my emotions. Who wants to takeover my body. Ginugulo lang nito ang utak ko. Kung hindi ako nakainom niyon, siguradong hindi ako mababagabag ng sobra ngayon. And I will never feel this ridiculous emotions towards the guy who I pledge to kill.

"Is everything okay, Miss Yuson?"

Napatiim-bagang ako, diretso na ang isipan ng harapin si Sir Hildegard. "I'm fine. May kailangan ka pa ba?"

Even though he's smiling, there's still doubt in his eyes. "There will be a masquerade party on Saturday, and everything you need is ready in your room, Miss Yuson."

I want to protest and tell him that I'm not going but I just find myself nodding my head before I get inside my room. Nang kumalat ang liwanag sa silid ay agad na bumungad sa'kin ang malaking itim na kahon sa ibabaw ng kama ko.

I opened it and saw a lovely tube dress, nag-aagaw ang kulay nito sa ginto, krema at matingkad na kayumanggi. It was covered with pearls around the chest, but as it went down towards the stomach, the pearls dropped till the end. Kumikinang kapag natatamaan ng liwanag.

Pinulot ko ang maskara. Lusaw na napangiti dahil gano'n na gano'n ang maskarang suot ko noong gabing una kong nakilala si Mister Valdigierro. Ang ipinagkaiba lang ay kulay itim at ginto ang hawak kong maskara at mas natatalo ng kulay ginto ang kakarampot na itim niyon.

I informed Miss Rosalie that I wouldn't be able to join them on Saturday and just made an excuse. After an hour, when, I received a text from Eusebio. Then the next I knew was he was calling me, but I didn't answer it. Instead, I read his messages this past day.

May text siya na tinatanong kung ano ba daw ang problema ko. He's even asking about Stein, kung paano ko daw ito nakilala. Kung kilala ko na ba daw ito noong nasa club kami. Mayroong paanyaya ito na mag-dinner daw kami, pinapapunta ako nito sa apartment nito at kung anu-ano pa.

Akala talaga nito ganoon at ganoon lang ako kadaling mauuto.

Eusebia
Alam kong nagdadahilan ka lang para iwasan ako. Geez, Elaisha Yuson, grow up!

Downfall Misery Part I | Downfall Trilogy ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon